Chapter 13

2.2K 81 2
                                    

Lahat ng nangyayari ay hindi nalingid kay Rhea. She despise Marielle. Di maintindihan ni Rhea kung ano ba ang nagustuhan ni Dane at nang iba pa dito. Why everyone seems so drawn to her? Para sa kanya, she is just a plain jane. Ni hindi nga itong papasa bilang modelo. But she couldn't understand why everybody seems to love her. Hindi siya magpapatalo, sa kanya si Dane. Maya-maya ay may naisip siyang isang plano. She dialled some friends number. Bukas malalaman ni Marielle na mali siya ng binangga. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Excuse me? Can you please get me a juice? Pakibilisan ha!" napaangat ng tingin si Marielle. She saw 3 familiar faces na kasama ni Rhea. Ang isa na meztisa ang nakita niyang lumapit at bigla na lamang inutusan ang kanyang PA na si Ate May. Kahit nabigla ay agad na lamang sumunod ang babae. At nang matapos ay yukod ang ulo ng kanyang PA na inabot ang juice sa babae na hindi man lamang nagpasalamat.

"Oh there she is! Cmon girls, I'll introduce you to Marielle." baling sa kanya ni Rhea. Sumunod ang tatlo papalapit sa kanya.

"Girls, kilala nyo ba si Marielle Rivera? She's our----"

"Yeah, I know her! She used to be the katulong and the alalay of me sa isang soap." mataray na sabi ng mestiza na sinundan ng hagikgikan ng dalawa pa at ni Rhea. Napilitang tumayo si Marielle. Alam niya ang gustong mangyari ng apat na babae, but she will try to keep her cool.

"Oo! Ako nga yun. How are you Sommie?" bati niya sa babae. Isa ito sa ginu-groom na bida ng kabilang istasyon. She used to play as Sommie's alalay, pero kahit nagkatrabaho ay di sila naging magkaibigan ng dalaga. Di daw kasi siya sosyal. Inirapan siya nito at pagkatapos ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"We're not friends so please drop the nicey nice traits." manonopla nito sa kanya. Siya namang lapit ni Dane sa kanila. Nakita ni Marielle na tila nag-hugis puso ang mga mata ng apat na babae pagkakita sa binata.

"Hello, Dane! Just catching up with Marielle here. Alam mo ba na naging magkatrabaho pala sila nila Sommie? Small world, nu?" agad na lapit ni Rhea sa lalaki at agad din na lumingkis.

"Talaga? Small world indeed. Mabuti naman nadalaw nyo dito si Marielle." nakangiti nitong sagot na tinapunan pa siya ng tingin.

"Well, we're not really friends! She used to be my alalay. Katulong ko siya doon sa role. And she portayed being katulong oh so well." she said sarcastically at pagkatapos ay nakakainsultong tiningnan siya at naghagikgikan na naman.

"Because Marielle is really good in acting kaya no doubt naging effective siya sa role niya."  Narinig niya muling sabi ni Dane na tila walang kamalay-malay sa mga nangyayari.

"Oo naman! Bagay kasi sa kanya eh. And tinanggap din niya yung isang low budget indie film e. Although she got lots of awards, medyo naawa ako sa kanyan nun eh. I've got a feeling that that was a desperate move. Naiintidihan ko naman, di kasi siyang ginagawang bida kaya ginawa niya lahat even showing some skin just to be noticed." she then said again sarcastically. Muli na naman naghigigikan silang apat. Pagkatapos ay inabot ang juice upang inumin, after few seconds, bigla itong binuga ni Sommie at tinawag si Ate May.

"Ano ka ba naman? Ang tanga tanga mo! Ang asim nitong juice na 'to. Gosh! Kung ipainom ko kaya sa'yo 'to para malaman mong ang sama ng lasa. Stupid, maid!" ani nito at itinulak ang babae. Doon biglang parang nag-init ang ulo ni Marielle. Agad niyang nilapitan ang PA at tinayo-- pagkatapos ay walang ano ano na sinampal si Sommie. Akmang tutulong ang tatlong kasama nito nang harangan sila ni Ate May na ngayon ay hawak na ang isang malaking bato kaya naman ay natigilan ang tatlo mula sa kinatatayuan.

Lover's Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon