Chapter 17

4K 135 39
                                    

Nagising si Marielle sa malamig na hangin na humaplos sa kanyang mga pisngi. Napabalikwas ng bangon ang dalaga. Pangatlong gabi na niya dito sa Casiguran, pero hindi pa din dumarating ang taong hinihintay. Malungkot siyang tumayo mula sa kanyang kama, at naglakad patungo sa bintana. Halos wala na siyang makita sa buong kapaligiran maliban sa mumunting mga ilaw na nanggagaling sa ilang kabahayan na nakapalibot sa karagatan. Niyakap ng dalaga ang sarili as she felt the cold wind of December.

Gaya ng kanyang ginawa sa dalawang gabing lumipas, naghanda na siya para muling maghintay sa dalampasigan. Doon niya panonoorin ang buwan, while waiting for him. Marielle refused to entertain all the negative thoughts that keeps on flashing on her head. Alam niya, darating ang hinihintay.

Sinuot ni Marielle ang kanyang pink pyjama at hoodie, pagkatapos ay bumaba na sa beach house. She is just thankful that in a short notice, pumayag ang may-ari na mag-stay siya dun ng ilang araw.

Nagtataka ang dalaga habang naglalakad dahil halos wala siyang makitang tao. Normally, may mangilan-ngilan siyang nakakasalubong sa mga ganitong oras, ngunit tila ngayong gabi ang lahat ay tila nasa loob ng kani-kanilang tahanan. Naisip ni Marielle, maaring kasi Disyembre ngayon kaya mas lalong malamig dahil sa hanging amihan. Nagkibit balikat na lamang ang dalaga. She has her own problem, ayaw na niyang problemahin pa kung nilalamig ba ang mga tao. She can't be everyone's superhero.

Pasalampak na naupo si Marielle sa buhanginan. Mula sa kinauupuan ay kitang-kita niya ang kalangitan na puno ng mga bituin. And the moon seems like extra bright tonight. Nakangiti itong tinanaw ng dalaga. Naalala niya ang sinabi ni Dane,

"somewhere, somehow, we're looking at the same moon under the same sky. Kahit doon lang, connected pa din tayo!"

"Nakatingin ka din kaya sa buwan ngayon, Dane? Naaalala mo din kaya ako?" sabi ng dalaga sa sarili. Hindi niya mapigilan ang mga luhang unahang naglandas sa kanyang mga pisgi. Yumukod siya at doon humagulgol. Nasa ganon siyang ayos when she heard a music. Isang kanta ang bumasag sa katahimikan ng gabi. 

"There's a lover's moon tonight

As I look back over my shoulder

All the stars are shining bright

Just like the nights when I used to hold her

She's out there somewhere under the lover's moon

Lover's moon, won't you shine on me?

I'm dancing with a memory

I wish I may, I wish I might

Have one last chance to hold her tight

Agad nag-angat ng tingin ang dalaga. Nagpalinga-linga siya, pinilit na inaaninag kung saan nanggagaling ang musika na naririnig. Pero sadyang napaka-dilim kaya wala siyang maaninag. Nakaramdam siya ng mga kamay na humawak sa kanyang balikat. Nang tumama ang liwanag ng buwan dito, she saw Dane smiling but with tears in his eyes. Agad na tumayo ang dalaga at yinakap ang lalaki.

"You're here! Ang tagal mo!"  umiiyak niyang bulong sa lalaki. Hinaplos-haplos nito ang kanyang mga buhok. Maya-maya, they found themselves slow dancing to the music.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" she whisper.

"I just know! And I know that you will wait for me." he whispers back.

Waiting, I know she's waiting

I know she waits for me under the lover's moon

Lover's Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon