Chapter 5

2.7K 71 0
                                    

Nagsimula ang interview nila for mini-reunion na yun na hindi na muling tinapunan ng tingin ni Marielle si Dane. Talagang nasasaktan siya. Pilit niyang binibigyan ng dahilan ang nangyari. She knows that Dane won't purposely hurt her, di ganun ang lalaki. Pero di niya maiwasang magtampo lalo na nga't nalaman niya na sinundo naman nito si Vivian, isa din sa mga nakasama nila sa reality show na yun, at ang isa sa mga ginu-groom na maaring ka-love team ng binata. Why, they look perfect for each other!

Sobrang ganda ni Vivian, palibhasa ay may foreign blood ito. Her mom is a Filipina and her Dad is an English man. Minsan naiisip nga ni Marielle, nung nagsabog ng ganda sa mundo, si Ate Vivian lahat ang sumalo. The woman is everything she is not. Sobrang puti, habang siya ay morena. Matangkad, while she is short. Ang ilong nito ay napakatangos, habang ang kanya ay well, hindi naman pango, hindi din naman sobrang tangos-- parang papunta na sa pagiging pango pero medyo naudlot. At higit sa lahat, ang dibdib ni Ate Vivia ay yung matatawag na GIFTED. Sobrang pinagpala, while yung sa kanya, parang pantal-- aakalain mo ngang nakatalikod pa din siya.

And in this industry na mas may edge ang mapuputi at anyo na pasado sa stereotype na pamantayan ng kagandahan, mas tinuturing ng mga tao na bagay si Dane at Vivian. Bagay na naiintindihan naman ni Marielle. Hindi niya gusto na makigulo sa career ng lalaki, pero ang ikinatatampo niya ay yung nangako ito, ngunit hindi niya tinupad.

Ngayon nga ang lahat ng katanungan ay patungkol sa pagkaka-link sa dalawa. Nakita niya na nagtinginan ang dalawa at pagkatapos ay nagtawanan. She saw Dane put his arm around Vivian's shoulder. Ang babae naman ay humilig sa dibdib ng binata habang pabirong pinalo ito dahil sa mga maintrigang tanong tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

There are little pain again. Pakiramdam ng dalaga ay parang tinutusok ang puso ng mumunting mga aspile. Marahan siyang nilingon ni Lorie, na agad naman niyang iniwasan ang tingin, ayaw niyang makita na naawa sa kanya ang kaibigan. That's the last thing she want to receive from anyone, awa.

"Eh sila Marielle naman at Marcus? Kayo na ba?" baling ng host sa kanya at sa lalaking katabi. Isang malakas na "uyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!" both from their housemates and the audience ang narinig ni Marielle. Pinilit na ngumiti ng dalaga. Now she knows why the word "showbiz" sometimes used to describe someone who is faking, kasi kailangan mo pala talagang ngumiti kahit deepn inside, nasasaktan ka.

"Hindi pa po! But me and Marielle are good friends. Di ba, Marielle?" she heard Marcus answer the hosts' question at pagkatapos ay inakbayan siya nito. Bagay na lalong nagpatili sa mga fans.

"Hindi pa? So, may balak!!" maintrigang dagdag ng host.

"Hmm, I like Marielle!  I think she's pretty and nice. Let's see po." natatawang sagot ni Marcus at bigla siyang niyakap. Nangingiting pinagmasdan ni Marielle ang lalaki. Paano ito natuto ng pagsagot sagot sa mga interview ng ganun kabilis? He is a fast learner ha! Marunong na ito nang tamang pagsagot sa mga inteview.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

DANE:

Hindi niya alam if Marielle is purposely making him jealous by being extra sweet kay Marcus, but if she is, well she is succeding. Naiinis siya sa klase ng pagkaka-akbay ni Marcus sa dalagita. At mas lalo siyang naiinis how Marielle smiles at the Marcus so sweetly. Alam niyang nagtatampo ang dalaga. He promised to pick her up today. Talaga naman na papunta na siya sa condo ng babae, when some reporters came to their house. Dahil nga nakitang papaalis na siya, they asked kung sino ba ang susunduin niya. His manager immediately said na he is going to fetch Vivian para sabay na silang pumunta sa studio.

Lover's Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon