Ang mga sumunod na araw ay tila ligayang katapusan para kila Dane at Marielle. Pakiramdam ng dalaga ay walang siyam na taon ang lumipas sa pagitan nilang dalawa. Masayang-masaya sila sa piling ng isa't-isa. At kahit pa anong tsismis ang kumalat, tila wala nang makakasira sa pagtitinginan nilang dalawa.
Kaya naman napagpasiyahan na nila na aminin ang kanilang espesyal na samahan in public. They both to agree to guest in a Sunday Talk Show. At dahil nga sobrang excited ay naunang dumating si Marielle kasama si Lorie. They have decided to wait for Dane sa isa sa mga coffee shop na malapit sa network. Masaya silang nag-uusap ng kaibigan when they saw Rhea entered the coffee shop. Kasunod nito si Vivian, at isang batang babae na tingin nila ay nasa 8 or 9 na taon. Nakita niyang papalapit sa kanila ang mga ito.
"Hey, Marielle and Lorie, it's good to see you!" masiglang bati ni Vivian sa dalawa. Di alam ni Marielle kung ano ang magiging reaksyon. Sa loob ng siyam na taon, ngayon na lang niya ulit nakita ang babae ng harapan. She gained a little weight, pero napakaganda pa din.
"H-ello, Ate Vivian! Long time no see." si Lorie ang bumasag ng katahimik as she felt the tension brewing on air.
Habang si Rhea naman ay naaaliw sa mga nangyayari. Alam niyang after ng kanyang gagawin, si Marielle mismo ang lalayo kay Dane.
"Magkakilala pala kayo? Well, Vivian here used to be my co-model sa isang makeup brand. I invited her for some catching up." singit ni Rhea sa usapan. Marielle look at her, duda siya na yun talaga ang pakay ng babae.
"Oh, by the way, this is Danielle! Anak namin ni Dane." pagpapakilala ni Vivia sa batang babae na kasama nila. Marielle slowly turns her heard to the girl. Tila manyika ang bata, napakaganda. Kung titingnan ay carbon copy ito ni Vivian, just the younger version.
Ayaw man ng dalaga pero may mga mumunting sakit na bumabangon sa kanyang puso. The pains she thought no longer exist, pero hindi pala talaga nawala. Natakpan lang ng masasayang mga nangyayari the past few days. Si Lorie naman ay pasimpleng hinawakan ang kanyang kamay at pinisil iyon, as if passing some strength to her.
"Mommy, I want to eat!" narinig nilang sabi ng bata na tila nagmamaktol.
"Oh, sige baby, we'll buy you foods! Lorie, okay lang ba na samahan mo muna si Danielle?" baling ni Vivian sa babae. Tinapunan siya ng tingin ng kaibigan na tila tinatanong siya kung magiging okay lang ba siya kasama ang dalawa, isang tango ang kanyang sinagot. Kaya naman tumayo na si Lorie at dinala sa counter ang bata. Naiwan sila nila Vivian at Rhea.
"I've heard nagkakamabutihan na kayo ni Dane, Marielle?" agad na tanong sa kanya ni Vivian pagka-alis na pagkaalis nila Lorie. Tiningnan lamang niya ang babae. She's not sure what to say. Totoong espesyal ang kanilang pagtitinginan pero di niya alam kung sila na ba.
"Pakisabi naman kay Dane na miss na miss na siya ni Danielle. Lagi siyang tinatanong ng anak niya. Di ko masabi na meron ng babae ang papa niya." Vivian voice turns into friendly from accusing.
"If you were talking about me, hindi ako babae ni Dane. Magkaibigan kami. At kung may espesyal kaming pagtitinginan, hindi ba't alam mo naman yun dati pa?" she tries her best not to sound so defensive. Wala siyang dapat ipagpaliwanag sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Lover's Moon (COMPLETED)
Short Story"I know she waits for me, under the lover's moon." Kaya nga bang pawiin ang sakit ng nakaraan? Kaya nga bang magmahal muli sa kabila ng sakit na naramdaman? Kailan ba ang tamang panahon para masabing ang pagmamahal ay tunay at totoo? Let us witness...