LAI 1

128 7 0
                                    

"Good Morning, ma'am Elaine." bati ng mgaestudyante ko pagkakita nila sa'kin.

"Good Morning." bati ko rin sa kanila.

I am an Elementary Teacher. This has been my job ever since I gave birth to my twin. Kung wala akong trabaho, wala kaming kakainin. Kaya kahit na ilang linggo pa lang ang nakakaraan ay naghanap na ako nang trabaho at ngayon ay magli-limang taon na ako sa pagtuturo.

"Maam Elaine. Kamusta ang bakasyon?" tanong sa akin ni Airyn pagkapasok ko sa faculty room.

"Ayun, masaya naman. Kayo? Balita ko, nag-out of town daw kayo? So kamusta?" tanong niya.

Naglakad muna ako papunta sa table ko saka naupo at ipinagpatuloy ang usapan. Magkatabi lang naman kasi kami nang upuan.

"Angsaya-saya. Kasama ko kasi buong pamilya ko. And guess what."

"Ano?"

"May ipinakilala sa akin ang mga magulang ko."

"Arrange?"

"Yup."

"So, pumayagka?"

"Wala naman akong magagawa, eh."

"Walang magagawa? Sinong pinaglololoko mo, Airyn? Ang sabihin mo, ayos lang sa'yo kasi gwapo. Tama ako noh?"

"Haha. Wala katalagang mintis. Alam na alam mo."

"Ipapaalala kolang sa'yo, baka sakaling nakalimutan mo, matagal na tayong magkaibigan kaya alam ko na ang likaw nang bituka mo."

"Haha. Fine. Anyway, kamusta naman ang kambal?"

"Ayun, napagod sa kakabakasyon. Nag-enjoy masyado." saka ako tumawa.

"Hayaan mo na.Mabuti nga't nag-eenjoy sila eh."

"True. Kaya ayun, pinagpahinga ko muna sila."

"So sinong nagbabantay sa kanila?"

"Si Mhel."

Mahigit tatlong taon na naming kasama si Mhel. Naawa kasi ako sa kanya. Magkokolehiyo na sana siya, ngunit napatigil dahil kailangang maghanap nang mapapasukang trabaho para tumulong sa pamilya niya at inunang pag-aralin ang kaniyang dalwang nakakabatang kapatid at tamang-tama naman na kailangan ko nang magbabantay sa mga bata kasi nagtatrabaho ako.

"Mabuti naman at nandoon si Mhel. Hindi mo ba siya sinama sa pagbabakasyon?"

“Hindi eh. Niyaya ko naman siya ngunit ayaw niya.”

“Ganoon ba?”

"Kaya mamaya uuwi agad ako, hindi pa naman siguro ganoong ka-busy ngayon."

"Hindi naman.”

It's been 5 years nang mangyari ang aksidenteng iyon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan.

"El, ok ka lang?"

"Huh?"

"Kanina ka pa po tulala. Tinatawag na tayo."

"Ahh, ganoon ba. Sorry may naalala lang. Tara na." tumayo na ako at ganoon din siya.

"'Yung nangyari noon?"

"Oo. Pero hayaan mo na. Past is past ika nga. Ipagpapasalamat ko nalang siguro na nangyari 'yun kaya may Minjoon at Mirai ako ngayon."

"Ang hilig mo talaga sa korean at japanese names."

"Yeah, you see. I was once a kpop fan at mahilig ako sa anime."

"Sobrang naadik ka na ata. Hanggang ngayon ba?"

"Hindi na masyado eh."

"Ahh. Pero siguro pampalipas oras mo na lang."

"Yeah, pwede rin."

Natigil na kami sa pag-uusap at tumuloy na sa stage. Ipapakilala kasi kami sa mga estudyante.

Every year 'to nangyayari. Kaya nang matapos ay bumalik kami sa faculty.

"El, sa tingin mo, mababait ngayon mga estudyante ko?"

"Hindi ko alam. Sana nga pero isa lang ang sigurado ako, mayroon talagang makukulit sa bawat klase."

"May point ka. Sana naman hindi sobrang kulit."

Hindi rin naman kami nagtagal sa loob nang faculty kasi kailangan na naming pumasok sa kanya-kanya naming classroom.

Grade 5 ngayon ang advisory ko. Mukhang magiging masakit sila sa ulo.

"Good Morning pupils." bati ko sa kanila pagkapasok ko.

"Good Morning, ma'am." bati rin nila.

"Welcome back to school. How's your vacation?" tanong ko agad sa kanila nang makaupo ako sa upuan ko.

"Good ma'am."

"Ang saya po."

"Nag-enjoy po kami."

"Mabuti naman kung ganoon. So ngayon, ready na kayo?"

"Opo, muntik na nga po kaming ma-late."

"Mabuti at hindi kayo nalate."

"Mabuti nga po ma'am. Hihi."

"Ok. Sa ngayon, hindi muna ako magkaklase. Let's get to know each other. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng advisory class so I hope we can have a good relationship."

"Yes ma'am."

"First time ko kayong ihahandle and ganoon din kayo sa'kin right?"

"Yes, po."

"Ok, so let's get to know each other. Ako muna then kayo, ok?"

"Yes, ma'am."

I introduce myself first and I ask them to do the same thing until everybody does.

After that I told them the rules inside the classroom; the do's and don'ts.

"Naintindihan niyo ba ang sinabi ko bago lang? 'Yung mga pwede at hindi pwede."

"Yes po, ma'am."

"Good. So now, you may have your recess."

Nang makalabas ang mga bata ay lumabas na rin ako at bumalik sa faculty room. Naabutan ko roon si Airyn na kumakain.

"Hey, Elaine. Halika, kumain ka na. Naghanda si Ms. Principal."

"Ganoon ba."

"Yes, kaya kumain kana. Kinuhaan na kita kanina."

"Salamat."

Umupo ako sa umpuan ko at tinabi ang mga gamit ko saka kumain. Habangk umakain kami ay biglang nag-ring ang cellphone ko.

[Mommy!!]

"Hi, baby. Bakit napatawag ang baby Mirai ko? Nasaan ang kuya Minjoon mo?"

[I'm here, mom.]

"Nakaloud speak, I see."

[Mommy, dala ka nang pasalubong mamaya ha?]

"Sure baby. Anong gusto niyo?"

[I'm craving for burger, mommy, with cheese. Then si kuya, ganoon din.]

"Ok, bibili si mommy mamaya, ok?"

[Yes, po.]

Kinalabit ako ni Airyn. Malamang gustong makausap ang mga inaanak niya. Kaya binigay ko sa kanya ang cellphone ko at ni-loud speak niya para marinig ko rin.

"Hi, baby Mirai and baby Minjoon."

[Hello po, tita Airyn. How are you po?]

"Okay naman ako. Kayo, kamusta?"

[Okay narin po kami ni kuya.]

"Good. Pwede ba akong sumama kay mommy niyo mamaya pauwi?"

[Sure po, tita Airyn. We will be glad po. Dala rinpo kayo nang pasalubong po ha?]

"Sure baby. May dala si tita mamaya."

[Yehey. Thank you po, tita Airyn. Babye na po, baka may class pa po kayo. Tumawag lang ako kay mommy kasi nagke-crave kami ni kuya sa hamburger.]

"Ok, baby. See you, bye." pinatay na ni Airyn ang tawag saka sinauli sakin ang cellphone. "'Yang mga anak mo, ang lalambing saka ang tatalino."

"Sinabi mo pa."

Tinapos na namin ang kinakain namin saka naghanda na papunta sa klase namin.

Naging mahaba ngayon ang araw. Nakakapagod. Namimiss ko na tuloy ang mga anak ko.

Bumalik ako sa faculty room at inayos ang mga gamit ko saka kami sabay na lumabas ni Airyn.

“Sa mall nalang tayo bumili nang burger.” yaya ko sa kaniya.

“May bibilhin ka ba bukod sa burger?”

“Oo eh, naalala ko malapit na palang maubos ang stock namin sa bahay. Kaya kailangan kong bumili.”

“Ok. Let’s go.”

Pagpasok namin sa mall ay dumiretso agad kami sa Grocery Store. Binili ko lahat nang mga kakailanganin namin sa bahay.

Nang mabayaran ay nagtungo na kami sa Jolibee para bumili ng burger with cheese nang dalawa.

“Uuwi na ba tayo pagkatapos nito? Mag-ikot-ikot muna tayo saglit. Four pm pa lang naman.”

“Sige.”

Kaya nag-ikot-ikot muna kaming dalawa. At nang mapagod ay umupo kami sa bench malapit sa fountain.


“Nakakapagod naman ang mag-ikot-ikot.” reklamo ni Airyn.

“Nagyaya ka kasing mag-ikot-ikot muna. Kaya ayan.”

“Hehe.”

“Girls!!” napalingon kami sa katabi naming mga estudyanteng babae.

“Oh, bakit? Makatili ka naman.”

“May sasabihin ako. Makinig kayo.”

“Ano?”

“Next month may magcoconcert dito na kpop group.”

“Seryoso?”

Tahimik kaming nakikinig ni Airyn.

“Yes. That’s why, kailangan na nating bumili nang ticket baka maubusan tayo.”

“Anong kpop group ang magcoconcert dito?”

“Boy group. TeenX.”

“Oh gosh!! Talaga?”

“Idol na idol ko kaya sila.”

“I heard nasa late 20’s pa langsila.”

“Yes. I think around, 25 and up.”

“True. So paano, bukas? Maaga pa tayo ha?”

“Sure. Excited na ako.”

“Then, see yah bitches.”

“See yah.”

Mga teenager nga naman ngayon.

“Narinig mo ‘yung sinabi nila?”

“Oo.”

“Any interest?”

“Wala na.”

“Talaga?”

“Oo. May mga anak na ako. Mas priority ko sila ngayon.”

“Right.”

“Parang ako lng noon. Kaya lang hanggang tingin lang ako. Hindi ako makakabili kasi nga wala akong pera. Pero kahit na meron man, hindi ko pa rin ipambibili nang posters o ng kahit lightstick.”

“Sabagay, tama kanaman. Mayroong mas importante na kailangan bilhin.”

“Haaay. Tara na.Baka nababagot na ang mga anak ko sa kahihintay sa’tin at saka baka gabihin ka.”

“It’s okay. May susundo naman sa’kin.”

“Oh? Is it that man?”

“Yes.”

“I see. So, tara na.”

“Okay.”

Tumayo na kami saka naglakad palabas nang mall.

Hindi naman naging matagal ang biyahe namin pauwi kaya nakarating kaagad kami sa bahay.

“Babies? Mommy’s here na.” tawag ko sa mga anak ko.

“Mommy!!” tili ni Mirai saka tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

“Hi there my sweet and beautiful Mirai. Did you miss mommy?” I hug her back.

“Yes po.”

“Where’s your kuya?”

“I’m here, mom.”

“There you are my naughty and handsome Minjoo.” lumapit sa’kin si Minjoo at niyakap din ako.

“Hi, Mirai and Minjoo, tita is here.” sabi ni Airyn.

“Tita Airyn.” sabay nilang sabi saka yumakap kay Airyn.

“Kamusta kayo?”

“Tita you ask that question to us just this morning yet you ask us again?” inosenteng tanong ni Mirai.

“Haha. Oh, did I? Sorry baby, nakalimutan ni tita eh.”

“Ok lang po, tita. Love ka naman po namin.”

“Aw, so sweet.”

“Hey, here’s your burger.” sabi ko sa kanila at inilabas mula sa plastic ang burger na binili namin ni Airyn.

“Yehey! Burger! Thanks mommy.” sabi ni Mirai saka ako hinalikan sa pisngi.

“Thanks mom. Love you.” sabi naman ni Minjoon at humalik din sa pisngi ko.

Inilabas din ni Airyn ang pasalubong niya sa dalawa. She gave Mirai a beautiful dress and suit to Minjoon.

“Suotin niyo ‘yan kapag may big event ha?”

“Yes po, tita. Thank you po.” sabay nilang sabi.

“You’re welcome.”

Iniwan ko muna sila sa sala para makabonding naman nila si Airyn.

Nagluto ako nang magiging hapunan naming tatlo.

Simple lang ang bahay namin. May dalawang kwarto, isa sa akin at isa sa kambal ko. Ito ‘yung bahay na nireto sa’kin ni Airyn. Maganda naman ang bahay. Mabuti na rin at may matitirhan kami. Napakaswerte ko dahil nakilala ko si Airyn.

Habang inaalala ko ang una naming pagkikita ay hindi ko maiwasang alalahanin ang nangyari kung paano kami nagkakilala ni Airyn.

***

Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon