LAI 2

60 4 0
                                    

“Umalis kana rito! Malandi ka!” sigaw nang land lady sa’kin habang hawak ako sa braso at hinihila palabas nang apartment na inuupahan ko.

“Pakiusap po, huwag niyo po akong paalisin. Wala po akong mapuntahan.” pagmamakaawa ko sa kanya.

“Aba! Hindi ko na problema ‘yan. Umalis kana!” sigaw niya ulit saka ako tinulak at tinapon ng anak niyang si Jaymine ang bag ko.

“Oo nga naman, Elaine. Get lost! Sa tingin ko sinadya mong magpakalasing para maakit ang lalaking iyon. Ang landi mo talaga.”

“Hindi, hindi totoo ‘yan. Sigurado akong may nilagay kayo sa inumin ko kaya ganoon ang nangyari sa’kin.”

“Aba! Pinagbibintangan mo ba ako?!”sigaw niya.

“Kayo lang naman ang kasama ko sa bar. Niyaya niyo ako. Pinainom ng alak. Umayaw ako pero pinilit niyo ako. Kaya sigurado akong may inilagay kayo doon.”

“Hoy! Huwag mong ibintang sa anak ko ang kamalasan mo. Malandi ka kaya nangyari ‘yan sa’yo.” sigaw naman ng ina niya at sinampal ako.

Inirapan ako ni Jaymine. “Sa tingin mo may maniniwala sa’yo? Kung ano ang ina, ganoon din ang anak.” natahimik ako sa sinabi niya.

Bakit? Bakit kailangan nilang banggitin ang pangalan nang ina ko? Oo at hindi ko alam kung anong panglan niya. Hindi ko alam kung may pamilya ba ako. Hindi ko alam kung mahalaga’t mahal nila ako. Bakit? Bakit sa’kin nangyari ‘to? Siguro nga malas ako. Siguro ngang walang nagmamahal at magmamahal sa’kin. Hindi nga siguro patas ang mundo.

Tumulo ang luha ko sa naisip ko at hindi ko na nagawang makipagbangayan sa mag-ina. Ano pang halaga? Pinagtutulungan naman nila ako. Talagang dehado ako. Saka hindi naman sila maniniwala sa sasabhin ko.

“Oh natahimik ka? Kasi totoo diba?” nang-iinsultong sabi ni Jaymine.

“Kilala niyo po pala ang mama ko.” nakayuko’t maninahon kong tanong.

“Hindi lang kilala. Kilalang-kilala.” sagot ng ina niya.

“Ano ho’ng pangalan niya?” kahit pangalan lang malaman ko man lang.

“Eliza Reyes.’Yan ang pangalan nang malandi mong ina.”

Eliza. Walang kaduda-duda sa kanya nanggaling ang pangalan ko. Eh, ang ama ko?

“Kilala niyo rin ho ba ang ama ko?”

“Mayaman ang ama mo. Huwag mo nang alamin. Baka makasira lang sa imahe nila. Kaya hindi kaniya pinalaki kasi ikinakahiya kaniya.”

Imahe. Katayuan sa buhay. Dalawang bagay na mahalaga ngayon sa mga mayayaman.

“Kaya pala.” mahina kong sabi.

Binuhat ko ang bag ko saka tumalikod sa kanila.

“Kaya po pala hindi niya ako hinanap. Mayaman pala siya.”

“Huh! Bakit ka naman niya hahanapin? Tahimik na ang buhay nang ama mo kaya huwag mo na siyang guluhin.”

“May iba na siguro siyang pamilya.” sabi ko saka dahan-dahang naglakad paalis.

“Baka nga at masaya na siya sa bagong pamilya niya ngayon.”

“Sige po, maraming salamat sa apat na taong pagpapanatili niyo sa’kin dito.”

Hindi ko na narinig pa ang sinabi nang mag-ina.

Saan ako titira ngayon? Kasalanan ko ‘to eh. Kung hindi ko sana ininom ang alak na iyon, hindi mangyayari sa akin ito. Siguro maghahanap nalang ako ng pwedeng maupahan na apartment at pansamantalang manatili roon at maghahanap narin muna ako nang trabaho para kahit papaano ay may pera ako.

Nang makababa ako sa building ay nag-umpisa na akong maghanap nang pwedeng upahan.

Sa ilang oras kong paghahanap ay nakaramdam ako nang gutom kaya bumili muna ako ng tinapay para lang magkalaman naman ang tiyan ko.

Pagkatapos kumain ay nagpatuloy ako sa paghahanap nang apartment.

Napapagod na ako sa kakalakad. Nangangalay na ang mga paa ko. Alas-kuwatro na pero wala pa rin akong mahanap na apartment. Naupo muna ako sa malapit na bench para makapagpahinga kahit saglit at napatingala ako sa kalangitan.

‘Talaga bang malas ako?’

‘Mali nga bang nabuhay ako?’

‘Wala na ba talagang tutulong sa’kin?’

Nang dahil sa mga katanungan ko ay napaiyak ako.

Sa sobrang iyak ko hindi ko namalayan na may tumabi pala sa’king umupo.

“Are you okay Miss?”

Nilingon ko ang nagsalita.

Ang ganda niya. Mayaman siguro ‘to.

“Ah, oo ayos lang ako. Salamat.”

“Salamat? Para saan?”

“Kasi tinanong mo ako at umupo ka sa tabi ko kahit na hindi mo ako kilala.”

“Ganoon ba? Nakita ko kasing umiiyak ka kaya nilapitan kita. Ako nga pala si Airyn Guzman. Ikaw? Anong pangalan mo?” pagpapakilala niya saka inilahad ang kamay.

“Uhm, ako si Elaine. Elaine Reyes.” sabi ko saka nakipagkamay sa kanya.

“If you don’t mind. Itatanong ko lang sana kung bakit ka umiiyak?”

“Ano, kasi, nahihiya akong magkwento.”

“Huwag kang mahiya. Malay mo, matulungan kita.” magtitiwala ba ako sa kanya? Hindi ko alam kung totoo ang ipinapakita niya sa’kin o nagpapanggap lang. Ganyan naman kasi sila. Akala mo totoo ang ipinapakita nila sa’yo ganoon pala hindi. Ganoon lang sila kasi may kailangan sila sa’yo. At kapag nakuha na nila saka ka nila iiwan sa ere. “Hey, are you okay?”

“Pasensiya na, Ms. Airyn-“

“Oh come on. Drop the formality. Airyn will do.”

“Pasensiya ka na Airyn. Hindi lang kasi ako sanay na may nagtatanong sa’kin.”

“Oh, is that so? I’m sorry.”

“Naku. Hindi, ayos lang. Hindi lang talaga ako siguro sanay.”

“Alam mo, ang bait at ang ganda mo.”

“Huh?” saan nanggaling ‘yun?

“Seryoso. Siguro masakit ang pinagdadaan mo ngayon noh?”

“Paano mo nalaman?”

“Halata sa’yo Elaine. Ops, ayos lang ba sa’yo na Elaine ang itawag ko?”

“Oo.”

“May mga kakilala akong ganyan din tulad sa’yo. But don’t worry, I’ll never ask. It’s your privacy.”

“Salamat.”

“Anyway, balik sa tanong ko. May kailangan ka? May problema ka? Magsabi ka lang. Baka naman makatulong ako.”

“Uhm, naghahanap kasi ako nang bagong apartment.”

“I see. May kakilala ako. Gusto nang ibenta ang bahay kasi sa US na sila maninirahan for good.”

“Talaga?”

“Yup. So, kukunin mo?”

“Uhm, magkanoba?”

“Hmm? I think 40, 000 pesos.”

“Huh? Ang mahal naman. Wala akong ganoong kalaking pera eh. Kakagraduateko lang kasi. Tsaka pinaalis ako sa trabaho ko.”

“Ganoon ba? So ganito na lang. Ako muna ang magbabayad, tapos saka mo nalang ako bayaran kapag may trabaho kana. Ayos ba?”

“Nakakahiya naman sa’yo. Kakakilala pa lang natin pero ang bait bait mo na. Paano kung niloloko lang pala kita.”

“Believe me, alam ko kung niloloko mo lang ako. Kaya pumayag ka na. ”

“Sige. Pero pangako, babayaran kita.”

“Okay, Elaine. Tara? Tingnan natin ang bahay?”

“Sige.”

Siguro nga kahit papaano ay may swerte rin ako.

Sinamahan ako ni Airyn na tingnan ang bahay.

Napanganga ako sa sobrang ganda. Simple lang siya pero nakakaakit tingnan.

“Nagustuhan mo?”

“Oo, ang ganda.”

“ So, settle natayo ha? Kukunin mo ‘to. Dito katitira at bibisitahin kita minsan.”

“Sige. Maraming salamat talaga, Airyn.”

“Walang anuman. Oh siya, ayusin mo na ang mga gamit mo at ako’y aalis na. May pupuntahan pa kasi ako. Ako narin ang bahalang magsabi sa kakilala ko. Mabait ‘yun.”

“Sige. Ingat ka, Airyn. Maraming salamat ulit.”

“Ok,bye.”

---

“Uy, kanina ka pa namin tinatawag nang mga anak mo. Nag-aalala na sila sa’yo.”

“Pasensiya na. Nag-aalala ba kayo ay mommy?”

“Opo. Ayos lang po ba kayo, mommy?”

“Oo naman, may naalala lang si mommy.”

“Ok po.”

“Sige na bumalik na kayo doon sa sala. Tatapusin lang ‘to ni mommy.”

Umalis na silang dalawa at umupo ulit sa sofa. Lumapit sa akin si Mhel.

“Ate, aalis na po ako.” paalam ni Mhel.

“Sige, Mhel. Mag-iingat ka.”

“Opo. Aalis na po ako ate Airyn.”

“Ingat ka.”

Nang makalabas na si Mhel sa pintuan ay tumingin sa akin si Airyn.

“Anong naalala mo, Elaine?”

“’Yung una nating pagkikita.”

“Sus. ‘Yun lang pala akala ko kung ano na. Oh siya, babalik na ako roon sa dalawa. Tapusin mo na ‘yan.”

“Yes, ma’am.”

“Haha. Baliw.”

Ipinagpatuloy ko ang pagluluto. Dito nga siguro maghahapunan ang baliw na ‘to.

Hindi rin naman nagtagal ay natapos ko na ang paghahanda para sa hapunan namin.

Pinuntahan ko sila sa sala para yayain na kumain na. Pero bago pa ako makalapit ay narinig ko ang usapan nila.

“Tita, do you have an idea kung sino po ang daddy namin?” tanong ni Mirai.

“Hmm? You know baby, wala ako sa posisyon para magsabi sa inyo. Pero ito lang ang sasabihin ko. Hindi ko kilala ang ama niyo. Tanungin niyo nalang ang mommy niyo kung sino.”

“Ganoon po ba, tita. Nahihiya kasi kami kay mommy magtanong.”

“Huwag kayong mahiya. Pero kapag hindi pa sinasabi sa inyo ng mommy niyo baka hindi pa siya handa. Hintayin nalang natin kung kailan siya handa, ok ba?”

“Opo, tita.”

“But kids, whatever happens, never leave your mom, you understand me?”

“Yes tita. We will never mom.” sagot ni Minjoon.

Napangiti ako sa usapan nilang tatlo.

Napagdesisyunan ko na lapitan sila.

“Hey.”

“Mommy/Mom!” sabay na sigaw ni Mirai at Minjoon saka tumatakbo papunta sa’kin at niyakap ako kaya niyakap ko rin sila.

“Dinner’s ready.”

“Okay po.” sabay ulit nilang sabi saka nauna nang pumunta sa dinning area.

Tumayo na rin si Airyn saka sabay kami pumuntasa dinning area.

“Narinig ko ang usapan niyong tatlo.” bulong ko sa kanya.

“Pasensiya na at sinagot ko.”

“Ayos lang. Salamat kasi nirespeto mo ako.”

“Walang anuman. At saka totoo naman. Ikaw lang ang makakapagsabi sa kanila. Pero alam mo, Elaine, hangga’t lumalaki sila hahanapin at hahanapin nila ang kanilang ama.”

“Alam ko Airyn. Kaya nga nag-iipon pa ako nang lakas ng loob para masabi sa kanila ang nangyari sa’kin dati kaso lang ang babata pa nila. Hindi pa siguro nila lubos na maintindihan ang pinagdaan ko noon.”

“Don’t worry, tutulungan kita. Kung hindi kapa handa, huwag mong ipilit. Okay?”

“Okay. Salamat talaga, Airyn. Ang swerte ko’t nakilala kita.”

“Same here, friend. Tara na. Nagugutom na ako.”

Tumawa ako sa sinabi niya.

Talagang masuwerte ako’t nakilala ko si Airyn dahil kung hindi kami nagkakilala, malamang sa kalye kami nakatira ng mga anak ko ngayon.

Umupo na rin kami ni Airyn saka nagdasal. Pagkatapos ay nag-umpisa na kaming kumain.

Magana kaming apat na kumain. Nagtatawanan. Nagkukuwentuhan.

Nang matapos ay niligpit ko ang hapagkainan at tinulungan ako ni Airyn. Ang kambal naman ay pumunta ulit sa sala.

“Elaine, may tanong ako. Hindi ko kasi maalala kung naikwento mo sa’kin o hindi eh. Ayos lang ba?” tanong ni Airyn habang nagpupunas nang mga hinugasan kong pinagkainan namin.

“Ano ‘yun?”

“Naalala mo ba ‘yung mukha ng lalaking nakabuntis sa’yo?”

Ngumiti ako nang mapait sa tanong ni Airyn. Ayaw kong magsinungaling sa kanya. Pero hindi ko alam kung paano ko sasagutin.

“Ahm. Ayos lang Elaine kung ayaw mong sagutin. Naiintindihan ko.”

“Oo.”

“Huh?”

“Oo, naalala ko na.”

“Ang mukha niya?”

“Hindi lang mukha niya kundi ang lahat nang nangyari.”

“Gosh. Okay, hindi na ako magtatanong pa. Ayos na ‘yun.”

“Haha. Baliw. Ayos lang kung magtanong ka. ‘Yun nga lang hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga katanungan mo.”

“Hindi na. Tama na ‘yun.”

“Okay.”

Tamang-tama naman na natapos namin ni Airyn ang paghuhugas nang may bumusina sa labas ng bahay namin.

“I think, he’s here na.”

“I see.”

“So, aalis na ako. See yah tom, Elaine.” sabi ni Airyn saka bumeso sa’kin. “Baby Mirai and Minjoon, aalis na si tita.” paalam ni Airyn sa dalawa.

“Okay po, tita. Take care po.” sabi ni Mirai saka humalik sa pisngi ni Airyn.

“Ingat po.” sabi naman ni Minjoon at humalik din sa pisngi niya.

“Ang sweet naman.”

Nang matapos magpaalam sa dalawa ay lumabas na kami. Inihatid ko siya sa labas.

“Babe!” tawag ni Airyn sa lalaki na nakasandal sa hanba ng pintuan ng sasakyan.

“Hey.” sabi nito saka nilapitan si Airyn at inakbayan.

“By the way, Elaine, this is Peter Romano, you know what he is to me and Peter this is Elaine, my best friend.”

“Oh, Hi. Nice meeting you, Elaine.” sabi ni Peter saka inilahad ang kamay niya para makipagkamayan.

“Same here, Peter.” sabi ko saka tinanggap ang pakikipagmay niya.

“Mauna na kami. Salamat sa hapunan.” sabi ni Airyn.

“Sure.”

“Alis na kami.” paalam ni Peter.

“Sige, Peter. Ingat kayo. Ingat sa pagmamaneho.”

“Salamat.”

Pumasok na silang dalawa sa sasakyan ni Peter saka umalis. Nang hindi ko na makita ang sasakyan nila ay pumasok na rin ako sa loob.

Naabutan ko ang dalawa na seryoso sa panunood ng telebisyon. Umupo ako sa tabi nila saka nakinuod narin.

The moment I laid my eyes on the television my world stops. Bakit? Bakit ngayon pa?

Bakit ngayon kung kailan hindi pa ako handa?

***

Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon