Sa mga sumunod na araw ay mas lalo kaming naging busy. Hanggang sa dumating ang huwebes. Distribution of cards na. Mabuti na lang at natapos ko ang pagbibigay ng grado sa mga estudyante ko kaya ngayon ay ibibigay ko na lang ang cards sa mga magulang nila na pupunta ngayon.
"Mauuna na ako sa'yo, Ai." sabi ko saka kinuha ang clear folder na laman ang mga grades ng mga estudyante ko.
"Sige. See you later."
Tumango ako saka nauna nang lumabas sa faculty room at dumiretso sa classroom ko.
"Good Morning, parents." bati ko sa kanila pagkapasok ko.
"Good Morning din, Ma'am Elaine."
"Kanina pa ba kayo?" tanong ko habang naglalakad papuntang lamesa sa harap at inilapag ang dala kong clear folder.
"Hindi naman, Ma'am. Ngayon-ngayon lang." sagot ng isang magulang.
"Pwede na tayong mag-umpisa. isusulat ko muna ang agenda para malaman ng lahat kung ano ang pag-uusapan natin ngayon." isinulat ko sa pisara ang agenda. "Before we start, I just want to tell you na huwag munang umuwi until we finish our agenda, ibibigay ko pa sa inyo ang grades ng mga bata."
"Yes, Ma'am Elaine."
"Okay, let's start. Our first agenda is about the Christmas Party. We haven't decided kung kailan ang actual date ng Christmas party pero may propose date kami and it would be on December 20."
"Wala namang problema, Ma'am Elaine kung sa December 20."
"Hindi pa naman po siya final date, pero kapag nagmeeting na po kaming mga teachers with our principal at napagdesisyunan ang date sasabihin agad namin sa inyo. Propose date lang po kasi ang sinabi ni Ms. Principal."
"Sure, Ma'am."
Nag-umpisa na kaming mag-usap tungkol sa Christmas Party hanggang sa huling agenda.
"So, we are finished sa ating agenda. I-di-distribute ko na ang grades ng mga bata. Alphabetically."
Inumpisahan ko na ang pagbibigay ng cards ng mga bata sa mga magulang nila.
"If you have questions, you can ask."
Hinayaan ko muna silang tingnan nila ang grado ng kanilang mga anak. If they have questions, I can answer it all.
"Ang baba ng science ng anak ko." dinig kong sabi ng isang magulang.
"Math naman sa anak ko."
"Ganoon din naman ang sa anak ko pero hindi ako magtatanong. Pagsasabihan ko na lang ang anak ko."
Napangiti ako sa narinig ko.
"Wala na bang magtatanong? Clarifications?"
"Wala na, Ma'am. Pagsasabihan na lang namin ang mga ank namin."
"Kung ganoon ay pwede niyo nang pirmahan ang card ng mga anak niyo."
"Isasauli ba namin ito, ma'am o dadalhin pa po namin pauwi?"
"Pwede niyo pong iuwi and show it to your child then let them return it tomorrow."
"Okay po, Ma'am."
"Meeting adjourned."
Nag-umpisa na silang tumayo at naglabas ng classroom. Inayos ko naman ang mga gamit ko bago ako lumabas papuntang faculty room.
"El."
Napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Oh, Ai."
![](https://img.wattpad.com/cover/185681236-288-k861895.jpg)
BINABASA MO ANG
Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)
RomanceWould I successfully run away from him or totally fall for him?