LAI 15

36 5 0
                                    

Tinanong ko sina Peter at Airyn kung bakit nagulat sila nang sabihin ko ang buong pangalan ni Mei.

“Pamilyar nga.” iyan lang ang sinagot ni Airyn at iniba na ang usapan hanggang sa nagpresinta silang ihatid kami pauwi.

Hanggang sa makauwi kami ay iyon ang laman ng isip ko. Ang nagugulat nilang mukha.

“Mommy? Are you okay?” napatingin ako kay Mirai na nahalata ang pag-aalala sa boses niya.

“Yes, baby. Okay lang si Mommy.” ngumiti ako sa kanya para makumbinsi ko siyang maayos lang ako.

“Okay po.” naglakad siya papunta sa kakambal niya.

Buong hapon ay nasa sala lang kami. Nanunuod ng TV. Nang mag-alas sinco na ng hapon ay nagsaing na si Mhel pagkatapos niya ay ako naman. Magluluto ng uulamin namin.

“Mirai, Minjoon. Halina kayo! Kakain na tayo.”

Agad naman silang dumulog sa hapagkainan at sabay-sabay na kaming kumain.

“Ate, mauuna na po akong umuwi. Salamat po sa hapunan.” paalam ni Mhel.

“Ano ka ba. Ayos lang.” ngumiti lang siya.

Hinatid ko siya hanggang sa gate at hinatid nang tingin hanggang sa makasakay siya sa tricycle.

“Mga anak, wala ba kayong assignment?” tanong ko sa kambal na nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv matapos I-lock ang pinto.

“Nasagutan na po namin, mom.” si Minjoon ang sumagot. Hindi maalis ang mga mata ni Mirai sa tv. Paano ba naman kasi cartoon ang palabas.

“I see. Aren’t you sleepy yet?”

“No, mom. We can stay until past 8.”

“Okay. I’ll be in my room. Kumatok lang kayo kapag inaantok na kayo. Okay?”

“Yes, mom.”

Pumasok ako sa kwarto para ma-check ang lesson plan at mga materials na dadalhin ko bukas. Kailangan kong maayos ang lahat para hindi ko na problemahin pa ang mga ito bukas.

“Mom?” katok at tawag ni Minjoon sa akin.

Tumayo ako upang buksan ang pinto.

“Yes, anak?”

“Matutulog na po kami.”

“Okay.” tuluyan na akong lumabas ng kwarto ko at sinamahan sila sa kwarto nila.

“Good Night, mommy.”

“Good Night, mom.”

“Good Night to you, two.”

Nang masiguro kong maayos na sila ay lumabas ako at isinara ang kanilang pinto. Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga na rin.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang naging reaksyon nina Airyn at Peter nang marinig nila ang pangalan ni Mei.

“Bahala na nga.”

Kinabukasan. Maaga akong nagising at inihanda ang agahan namin.

Lumabas ang kambal sa kwarto nila at nakabihis na. Sabay kaming kumain at hinintay na dumating si Mhel. Nang makarating siya ay agad kaming umalis.

“Good Morning, El.” napatingala ako sa bumati sa akin.

“Morning too, Ai.” bati ko rin pabalik sa kanya.

“Maayos na maayos na ba ang kambal?”

“Oo. Magaling na sila. Magaling na magaling.”

“Mabuti naman kung ganoon.”

Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon