Sabado. Ngayon ang kaarawan ng daddy ni Airyn at mamaya ay susunduin kami ni Peter.
Maaga akong nagising at agad na pumunta sa kusina para magluto ng agahan namin.
“Ate Elaine.” napatingin ako kay Mhel. Mukhang balisa.
“Bakit, Mhel?” kunot-noo kong tanong.
“Sina Minjoon at Mirai po, nilagnat.”
“Ha?” pinatay ko muna ang gripo saka tinakpan ang rice cooker saka pumunta sa kwarto ng kambal.
Pumunta ako sa gilid ni Minjoon at inilagay ko ang kamay ko sa kanyang noo, ganoon din ang ginawa ko kay Mirai.
“Pagising ko kanina nakita ko silang nanginginig kahit hindi naman po ganoon ka lamig.”
Kinuha ko ang dalawang thermometer para tingnan kung gaano kataas ang lagnat nila. Nang tumunog na -hudyat na pwede nang kunin ang themometer- ay kinuha na namin.
“38.5o kay Minjoon.” sabi ko.
“38.2o naman po kay Mirai.”
“Mhel, magluto ka muna ng lugaw para makainom sila ng gamot. Pupunasan ko muna sila.”
“Sige po, ate.” agad na lumabas si Mhel para magluto ng lugaw. Inihanda ko naman ang maaligamgam na tubig para sa pampunas ko sa dalawa. Bakit kaya nilagnat sila? Naligo naman sila kahapon ah. Inuna ko si Minjoon at nang matapos ay sinunod si Mirai. Pinatay ko ang aircon para hindi sila lamigin.
Lumabas ako para kunin ang gamot na iinomin ng dalawa na nasa kusina.
“Luto na po ang lugaw ate.”
Isinalin namin ang lugaw sa dalawang bowl at dinala namin ni Mhel sa kwarto ng kambal. Ako ang nagpakain kay Minjoon at si Mhel naman kay Mirai. Nang matapos dinala ni Mhel ang dalawang bowl sa kusina at pinainom ko ng gamot ang kambal.
Inayos ko ang kumot nila at hinayaan silang magpahinga.
“Ate, paano na po iyan. Hindi po kayo matutuloy sa party?” tanong sa akin ni Mhel nang makalabas ako kwarto ng kambal.
“Hindi na. Hindi ko kayo pwedeng iwan dito. Sasabihan ko na lang si Airyn.” tumango si Mhel. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kwarto para magtext kay Airyn.
‘Ai? Hindi kami matutuloy mamaya. Nilagnat ang kambal. Pasesniya ka na.’ and I hit send.
“Mhel, tulungan mo akong magluto ng agahan natin.”
“Opo, ate.”
Magluluto na muna kami habang hinihintay ko ang reply ni Airyn. Masyado yata akong tutok sa paghahanda ng almusal at nakalimutan kong tingnan ang cellphone ko kung nakareply na ba si Airyn kaya nang matapos kami ay siya ko pa lang titingnan.
‘Ganoon ba? Sasabihan ko daddy. Sayang. Pero ayos lang. Pupunta kami jan ni Peter jan.’ reply niya.
Kumain muna kami ni Mhel. Titingnan ko ulit mamaya ang temperatura ng kambal. Nang matapos kami ay nagprisentang maghugas ng pinagkainan namin si Mhel at ako naman ay pumasok sa kwarto at naligo muna. Nang matapos ay lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ang kambal at ni-check ang temperatura nila.
“Ate, nandito po sina ate Airyn at kuya Peter.” imporma sa akin ni Mhel.
“Sige Mhel, susunod ako.” hinintay ko munang tumunog ang thermometer bago kinuha at lumabas ng kwarto.
“El. Kamusta ang kambal?” tanong agad ni Airyn pagkakakita niya sa akin.
“Maayos naman sila. Ayun at nagpapahinga. Kakakuha ko lang ulit ng temperature nila.”
Niyaya ko muna silang maupo bago ako magsalita ulit.
“Kanina 38.5o yung kay Minjoon at 38.2o kay Mirai ngayon 38o na pareho.”
“Mabuti naman at bumaba.” sabi ni Airyn. “Nasabihan ko na si dad na hindi kayo makakapunta mamaya.”
“Pasensiya ka na talaga, Ai. Hindi namin tuloy masusuot ang damit na binili mo.”
“Ano ka ba. Ayos lang. Ang importante gumaling ang kambal at isa pa, masusuot niyo pa rin ang mga damit na iyon.”
“Masusuot pa rin? Kailan?”
“Sa birthday ng mommy ko. Two weeks from now.”
Two weeks from now.
“Hindi naman pala masasayang.”
“Yes at nag-alala si mom kanina nang sabihin ko sa kanila na nilagnat ang kambal kaya hindi kayo makakapunta.” ngumiti ako.
“Salamat.”
“Hindi kami magtatagal, El. Susunduin pa namin ang parents ni Peter. Pakisabi na lang sa kambal na bumisita kami.”
“Sige, Ai. Ingat kayo ni Peter. Salamat sa pagdalaw.”
“Mauna na kami, Elaine. Sana gumaling na ang kambal.” tumango ako at ngumiti kay Peter.
Hinatid ko sila sa gate at tinanaw ang sasakyan nila hanggang sa lumiko sila.
“Ate, uuwi na po muna ako. Babalik po ako mamaya para samahan kayo sa pagbabantay sa kambal. Magpapaalam na lang ulit ako kay nanay.” paalam sa akin ni Mhel.
“Sige, Mhel. Ingat ka.”
“Opo.” kinuha ni Mhel ang bag niya sa loob ng kwarto ng kambal saka umalis.
Pinuntahan ko ang kambal sa kwarto nila para tingnan ang lagay nila. Nang makitang maayos naman silang natutulog ay lumabas na ako at nagluto ng sabaw para mayroon silang mahigop mamaya.
Naglinis na lang ako nang bahay nang matapos akong magluto para may pagkaabalahan naman ako.
Nagwawalis ako sa labas ng biglang bumukas ang pinto.
“Mom.” mahinang tawag ni Minjoon.
“Yes, anak?” agad kong pinatong ang walis sa bench at nilapitan siya. Akala ko mag-isa lang siya ganoon pala nasa likod niya si Mirai. “How are you feeling?” tanong ko sa kanila at hinila sila paupo sa sofa.
“Medyo maayos na po.” sagot ni Minjoon. Si Mirai naman ay nakahilig lang sa balikat ng kakambal niya.
“Ikaw, Mirai? Kamusta ang pakiramdam mo.”
“I feel weak mom.” bumuntong-hininga ako.
“Bakit kayo lumabas sa kwarto niyo?”
“Nagugutom na po kami.”
“Sige, ihahanda ko kayo.” iniwan ko sila sa sofa at inihanda ang kanilang makakain. Napatingin ako sa orasan sa taas ng refrigerator namin. Magtatanghalian na pala. Hindi ko man lang namalayan.
Dinala ko sa sala ang pagkain nila. Mag-isang kumain si Minjoon habang si Mirai naman ay sinusubuan ko. Pinainom ko sila ng tubig nang matapos silang kumain.
“Mom, dito na lang po kami sa labas magpapahinga.”
“Sige, nak. Kukunin ko lang ang unan niyo.” tumango si Minjoon. Pumasok ako sa kwarto nila at kinuha ang unan nialng dalawa. Nahiga agad sila nang maibigay ko ang unan.
Lumabas ulit ako ng bahay para tapusin ang ginagawa kong pagwawalis sa labas. Hindi ko na isinara ang pinto para makita ko ang kambal. Nang makitang maayos naman sila ay pinagpatuloy ko na ang pagwawalis.
Nang matapos ay pumasok ako sa loob ng bahay para mananghalian muna. Hindi pa naman dumadating si Mhel.
“Mom, pahingi po kami ng tubig.” sabi ni Minjoon.
“Sige, nak. Dadalhan ko kayo jan.” hinugasan ko muna ang pinagkainan ko saka ko sila dinalhan ng tubig sa sala.
Inilapag ko sa center table ang dalawang baso na may lamang tubig. Pinaupo ko muna si Minjoon saka pinainom ng tubig at ganoon din si Mirai. Nang maubos nila ang tubig ay dinala ko ito sa kusina at hinugasan pagkatapos ay bumalik sa sala para samahan ang kambal.
“Ate.” tawag sa akin ni Mhel. Narito na pala siya.
“Mabuti at pinayagan ka ulit ng nanay mo.”
“Opo. Hindi raw po muna siya magtitinda ng bibingka. Bukas na lang daw po ulit.”
“Ganoon ba? O siya, lagay mo na ‘yung gamit mo doon sa kwarto ng kambal.”
“Opo.” pumasok si Mhel sa kwarto ng kambal at nilagay doon ang gamit niya.
“Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya pagkalabas niya.
“Opo. Kumain po ako bago pumunta dito.” tumango ako sa sinabi niya.
Naupo siya sa kaharap kong sofa at nanuod kami ng TV na in-on ko kanina.
Maya’t maya ko tinitingnan ang lagay ng kambal. Napahinga ako ng maluwag ng unti-unting bumaba ang lagnat nila. Kaunting pahinga na lang.
“Ate, ako na po magsasaing.” pagpipresinta ni Mhel.
“Sige. Ako na mamaya sa uulamin natin. Pupunasan ko na muna sila.”
Inalalayan kong tumayo si Mirai. Nauna na kasi si Minjoon sa kwarto nila. Mauuna raw siyang magpunas. Nagpupumilit na siya na raw ang gagawa kasi kaya niya na naman. Nang matapos siya ay kami naman ni Mirai. Medyo nanghihina pa siya pero hindi na siya ganoon ka init.
Lumabas kami ng kwarto nila at pinaupo sila sa sofa.
“Magluluto lang ako ng ulam natin ha? Dito na muna kayo.” tumango sila sa akin. Nakahilig si Mirai sa kambal niya nang iwan ko sila.
“Maayos na po ba ang kambal?” tanong sakin ni Mhel nang makapasok ako sa kusina.
“Bumaba na. Kaunting pahinga na lang.”
“Mabuti naman po kung ganoon.” bumuntong hininga siya. “Ate, sayang ano? Hindi kayo nakapunta sa party.”
“Ayos lang, Mhel. Masusuot pa rin 2 weeks from now.”
“Ano kaya mararamdaman ng kambal. Excited pa naman sila kahapon.”
“Maiintindihan nila iyon. At isa pa. Masususot pa rin nila iyon.” isasama kita sa birthday party na iyon, Mhel. I-su-surpresa ko na lang siya.
“Kung sabagay.”
Nang matapos kami ay inihanda na namin ang mesa bago tawagin ang kambal. Dumulog kaming lahat sa hapagkainan at sabay kumain.
“Mommy.” tawag sa akin ni Mirai.
“Yes, anak?”
“Sorry po, hindi tayo nakapunta sa party kasi nilagnat kami.”
“It’s okay. Nandito kanina ang tita Airyn at tito Peter niyo. Dinalaw kayo.”
“Hindi na po natin masusuot ang damit na binili nila for us.”
“Masusuot pa rin natin iyong, anak. Two weeks from now, birthday naman ng mommy ni tita Airyn ninyo at imbitado pa rin tayo.”
Biglang umaliwalas ang mukha ni Mirai.
“Really, mommy?”
Natawa ako sa reaksyon niya. “Yes, anak.”
“Yehey.” sumigla bigla si Mirai. Si Minjoon naman ay nakamasid lang sa kambal niya. “You heard that, kuya? We can still wear those beautiful clothes.”
“Narinig ko.” mahinahon na sabi ni Minjoon. “Mom, kanina, kaya nanghihina siya kanina kasi akala niya hindi na namin masusuot yung mga damit.”
“Ganoon ba? Kaya naman pala.”
“But I am okay now.” may malapad na ngiting sabi niya.
“We can see it.” sabi ni Minjoon sabay ngisi.
Nagtawanan kami sa sinabi ni Minjoon.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Nagsaing at nagluto ng ulam namin.
“Good Morning Mommy/Mom.” sabay na bati ng kambal.
“Magandang umaga po, ate.”
“Magandang umaga rin sa inyo. Halina kayo’t kumain.”
Sabay-sabay kaming kumain at nang matapos ay umalis kami para magsimba.
Naghanap kami ng mauupuan malapit sa mayroong electricfan para hindi maiinit. Hindi rin naman tumagal ay nagsimula na ang misa. Tahimik kaming nakikinig sa pari hanggang sa matapos ang misa. Napagdesisyunan naming sa mall na maglunch.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta kasi sa Supermarket para bumili ng mga kakailangin namin sa bahay. Nilagay rin ng kambal ang mga gusto nilang bilhin. Dalawang pack ng Yakult, dalawang Fresh Milk, apat na yogurt, apat na Biscuits, at tig-limang iba’t ibang flavor ng Dutch Mill. Nang mailagay na namin sa cart ang mga bibilhin namin ay pumunta na kami sa counter para bayaran ang mga ito.
“Elaine?”
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.
“Mei?”
“Ikaw nga!” bulalas niya saka lumapit sa akin. “Kamusta ka na?”
Nagyakapan kaming dalawa.
“Ayos lang. Ikaw? Kamusta ka na?”
“Maayos lang din.” napatingin siya kay Mhel at sa kambal.
“By the way. This is Mhel, iyong kasama ko sa bahay. Naghahatid at sundo sa mga bata sa eskwela and these are my kids. Minjoon and Mirai.”
“Hi po.” bati ni Mirai at tumango naman si Minjoon.
“They’re so lovely.”
“Ahm, diba po, ikaw ‘yung mommy ni Amara?”
“Yes, ako nga. Sayang hindi ko dinala si Amara. Niyaya ko naman pero ayaw sumama magbabasa nalang daw siya.”
“Me and Amara are friends po.”
“Ganoon ba? Mabuti naman. Hindi na ako mag-aalala sa kanya sa school.”
“Kaya naman pala parang pamilyar iyong apelyedong Lu ni Amara. Ikaw pala ang ina.” ngumiti lang siya. Naglakad kami papuntang fountain at naupo sa bench malapit doon. “Sinong kasama niyo sa bahay niyo?”
“Sa isang maliit na apartment kami ng nakatira ng anak ko. Mag-isa lang siya doon. Ni-lock ko rin naman iyong pinto namin para walang ibang makapasok at maaasahan na si Amara sa loob ng bahay. Marunong nang maglinis.”
“Mabuti naman. Ang tagal nating hindi nagkita. Kailan nga iyong huli?”
“Hmm? Siguro noong 3rd year college na tayo noon.”
“Saan ka nagpunta?” nag-iwas siya ng tingin sa akin.
“Wala, pinagtrabaho lang ni dad.”
“Pinagtrabaho? Bakit?”
“Naglulugi na kasi ang kompanya kaya kailangan kong magtrabaho.”
“Diba may kapatid kang babae? Nagtatrabaho rin ba siya?”
Malungkot siyang ngumiti at umiling. Nakatulala siya sa kawalan.
“Hindi. Mom and dad loves ad spoils her so much. Kahit humantong sa punto na mawawalan na kami ng pera eh, binibigay parin kahit na anong hingin niya.”
“Bakit siya pinabibigyan at ikaw hindi? Magkapatid naman kayo diba? Saka ate ka.” nagtataka kong tanong. Bakit kasi ganoon?
Tumingin siya sa akin saka malungkot na ngumiti.
“Hindi ko ba nasabi sayo o hindi mo ba narinig sa iba?”
“Na alin?”
“They are not my biological parents. Adopted lang ako. Dahil akala nila hindi na sila magkakaroon pa ng anak.” napasinghap ako sa sinabi niya.
“You’re adopted?”
“Yes. That explains why I am the only one working that time at hindi lang simpleng trabaho.” tumigil siya sandali sa pagsasalita at tiningnan ako sa mata. “Iyon ang klase ng trabaho na hindi mo nanaisin kahit kailan ngunit wala kang magagawa kasi iyong ang gusto ng mga umampon sa iyo.” nalungkot ako sa sinabi niya. So I hug her tight.
“Ngayon ba, ganoon pa rin ang trabaho mo?”
“Hindi na. Umpisa noong malaman kong buntis ako ay nagpakalayo-layo ako. Ayaw kong may masamang mangyari sa anak ko. Kaya hanggang ngayon hindi alam ng adopted parents ko na may anak ako. Saka maayos ang trabaho ko ngayon. Every weekdays, nagtatrabaho ako sa isang bookstore bilang cashier at nagpapart time tuwing sabado.”
“Mabuti na rin iyon, kesa sa wala at kung anong hindi mo maatim na trabaho ang napasok mo.” ngumiti siya. Maya-maya’y tumingin siya sa relo niya.
“Naku, mauuna na ako sa ‘yo, Elaine. Wala kasama ang anak ko doon.”
“Sige, Mei. Ingat ka.” tumayo kaming pareho at nagyakapan ulit bago siya naglakad paalis.
“El?”
Nagugulat kong nilingon ang tumawag sa pangalan ko.
“Airyn.” bulalas ko. Kasama niya si Peter na nakapamulsa.
“Kamusta ang kambal?” as if on cue, tumabi sa akin ang kambal kasama si Mhel.
“Ayan, magaling na sila.”
“Tita Airyn!” tili ni Mirai at lumapit kay Airyn para yakapin ito.
“Hi, there sweetie! Mabuti at magaling na kayo.”
Mahinang natawa si Mirai. “Yes po, tita.”
“Two weeks from now, you will attend my mom’s birthday. So masusuot niyo pa rin ang dami na binili ko for you.” sabi ni Airyn saka tumingin kay Minjoon na nasa tabi ko lang.
Tumango si Mirai. “Nasabi po sa amin ni Mommy. Excited na po ako. Akala ko kasi hindi na namin maisusuot.” tumawa kami sa sinabi ni Mirai.
“Saan kayo pupunta?”
“Wala naman. Nagyaya lang na maglunch si Peter dito tapos nakita namin kayo dito.” tumango ako sa sinabi niya.
“By the way,El. Sinong kausap mo kanina?” nagtatakang tanong ni Peter.
“Yeah, Sino siya?” segundang tanong naman ni Airyn.
“Si Mei.” nagkatinginan silang dalawa bago agtanong si Airyn.
“Mei? Sinong Mei?”
“Ah, iyong kaklase ko noong college na ina ni Amara na kaibigan at kaklase nina Mirai at Minjoon. Bakit?”
“Mukhang pamilyar siya kasi sa akin.” tumingin si Airyn sa dinaanan kanina ni Mei.
“Nakita mo na siya?”
“Pero hindi naman ako sigurado na nga siya iyon. Medyo pamilyar lang.” seryoso niyang sabi saka tumingin sa akin. “What is her full name?”
Nagtataka ako kung bakit parang interesado silang dalawa kay Mei.
“Mei Lu.” nagulat silang pareho nang sabihin ko ang buong pangalan ni Mei.
Bakit? Kilala ba nila si Mei?***
![](https://img.wattpad.com/cover/185681236-288-k861895.jpg)
BINABASA MO ANG
Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)
RomanceWould I successfully run away from him or totally fall for him?