LAI 9

45 5 0
                                    

“Kamusta ang araw natin, El?” tanong agad sa’kin ni Airyn nang makita ako.

“Heto, nakakapagod.” sabi ko sabay tungo sa mesa ko. Kami lang pala ang tao. Baka hindi pa tapos ang iba sa mga klase nila.

“Eh, anong feeling na nakita mo si Min Su?”

Napaisip ako sa tanong niya. Ano nga ba ang dapat kong maramdaman nang makita ko siya? Dapat ba akong matakot? Malungkot? Mahiya? Masaya? Magalit?

Ngunit hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

“I don’t know.” I answered honestly. “Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.”

“I understand. Maski nga siguro ako, hindi ko malaman kung anong mararamdaman.”
bumuntong-hininga na lang ako. Nagpahinga kami sandali. Maya-maya’y nagsipasukan na ang mga co-teachers namin.

“Ang saya ng araw na ‘to. Ang gagwapo nila.” rinig kong sabi ng isa sa mga guro.

“Naku! Tama ka. At isa pa, napakabait nila.”

“Mahihilig sa bata.”

“Pero pwera sa isa, mukhang suplado”

“Oo nga noh? Ano nga ulit pangalan niya?”

“I think it’s Min Su.”

Nagpanting ang tainga ko nang marinig ko ang pangalan ni Min Su.

“Gwapo nga pero mukhang suplado naman.” napangiti ako sa narinig.

‘Gwapo pero suplado.’

“Pero ang babait nila. Pumunta talaga sila dito ng personal para lang magbigay ng mga gamit sa mga bata.”

“Tama. ‘Yung iba kasi dinadaan lang sa mga tao nila.”

Hindi nagtagal ay unti-unti nang nagsiuwian ang mga kasama ko.

“Let’s go, El?” yaya ni Airyn.

“Okay.”

Tumayo ako at sabay kaming lumabas.

“Susunduin ka ba ni Peter?”

“No. May kailangan siyang asikasuhin sa kompanya nila.”

“I see. Busy pala siya.”

“Hmm.” Airyn hummed.

“May pupuntahan ka pa ba?”

“Hmm? Mall tayo? Maaga pa naman. Bibili lang ako ng gagamitin ko para sa next week kong ituturo.”

“Okay. Ako rin may bibilhin. Should we just walk?”

“Yeah. Namimiss ko na rin maglakad.”

Habang naglalakad kami ay kung anu-ano ang napag-usapan namin. Nagtatawanan. Matagal-tagal rin naming hindi nagagawa ito.

Nang makarating kami sa Mall ay dumiretso agad kami sa National Bookstore.
Hindi naman kami nagtagal ni Airyn, nang mahanap ang mga kailanganin namin ay binayaran namin agad ang mga ito.

“Anong binili mo, El?”

“Manila Paper, Correction tape, Markers, Ballpens, Paper and Pencil, and sharpeners. Para kina Minjoon at Mirai. Idadagdag ko lang sa mga gamit nila.”

“Oh, I see. Uwi na tayo?”

“Yeah, sure.”

Nag-abang kami ng Taxi ni Airyn para makasay at makauwi. Kwentuhan pa rin kami hanggang sa dumating kami sa bahay.

“See you tomorrow, El.”

“See you, Ai.”

Nadatnan kong nagsusulat sina Mirai at Minjoon sa sala kasama si Mhel.

“I’m home.”

“Mom!” sigaw agad ni Mirai saka patakbong lumapit sa’kin.

“Nagsusulat kayo? Homework ba?”

“No, mom. Tinuruan kasi kami ni Teacher kanina magsulat ng pangalan namin. Kaya ngayon binabantayan kami ni Ate Mhel kung sakaling magkamali kami.”

“I see. Maaari ko bang makita?”

“Sure mom.” hinila ako ni Mirai papunta kina Mhel at Minjoon.

Pinakita nila sa akin ang kanilang ginawa.

“Wow! Ang galing niyo naman.”

“Kanina pa sila sumusulat, ate. Simula, ‘nung makauwi sila galing school.”

“Ganoon ba? Gusto niyo bang kumain?”

“Yes po, mom.” sabi ni Mirai.

“Okay, just continue what you are doing. I’ll prepare your food.”

Umalis ako at pumunta sa kitchen para ihanda ang kakain ng dalawang kong anak, pati na rin ni Mhel. Paniguardo pagod ito ngayon.

“Here’s your food.” nilapag ko ang ginaw akong sandwich sa mesa at nagpaalam na magbibihis muna ako.

Nakakapagod ang araw na ito. Pagod na ang katawan ko. Medyo mi-nassage ko konti ang balikat ko habang naglalakad palabas ng kwarto.

“Ate, may nagpadala pala kanina ng bulaklak dito.”

“Nagpalada? Sino naman kaya ang magpapadala ng bulaklak sa’kin?”

“Hindi ko rin po alam. Wala naman po kasing sulat nakalagay.”

“Nasaan ang mga bulaklak, Mhel?”

“Nandun po sa kusina. Hindi niyo po ba nakita?”

“Hindi eh. Sige titingnan ko. Salamat, Mhel.”

“Opo, ate.”

Pumunta akong muli sa kusina para tingnan ang bulaklak na sinasabi ni Mhel na pinadala raw sa’kin.

Agad ko naman siyang nakita. Nasa gilid pala ng refrigerator namin.

“Sino naman kaya ang nagpadala ng bulaklak na ito?” inamoy ko ang bulaklak. Ang bango. Kinuha ko ang vase at doon inilagay ang mga bulaklak.
Maya-maya’y nakita kong nalalakad palapit sa’kin si Mhel.

“Ate, aalis na po ako.”

“Hindi ka ba muna maghahapunan?”

“Hindi na po. Maraming Salamat. Pagabi na po kasi.”

“Ganoon ba? Sige, mag-iingat ka, Mhel.”

“Opo, ate.”

Nagpaalam muna si Mhel sa mga bata na uuwi na. Hinatid ko siya hanggang sa gate at tinanaw siyang naglalakad papuntang waiting shed kung saan ako nagbabantay nang masasakyan.

Nang makitang nakasakay na siya at pumasok na ako sa gate at nilock na iyon. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong pumunta sa kusina para maghanda ng hapunan namin.

“Mirai? Minjoon? Halina kayo. Kakain na tayo.” tawag ko sa dalawang bata.

Agad naman silang tumalima at umupo sa kani-kanilang upuan.

Habang kumakain ay tinanong ko sila kung kamusta ang naging araw nila sa kanilang school at kung anu-ano pa.

Bumalik sila sa sala at pinagpatuloy ang kanilang ginagawa kanina. Ako naman ay naghuhugas ng pinagkainan namin.

Nang matapos akong maghugas ay umupo ako sa tabi ni Mirai upang tingnan kung ano ang kaniyang ginagawa. Ngunit hindi pa tumatagal ay naaagaw ng balita sa Telebisyon ang atensyon ko.

Ini-interview ang TeenX. Tamang tama dahil nakapokus ang camera kay Min Su. Napatitig ako sa kanya. Bigla kong naalala ang mga bulaklak.

‘Ano naman kinalaman ni Minsoo sa mga bulaklak na iyon? Remember? Walang pangalan na nakalagay. Kaya malamang sa malamang hindi sa kanya galing ‘yun. At bakit ka naman niya bibigyan ng bulaklak? Aber?’

Umiling ako para mawala ang namumuong katanungan sa utak ko.

‘Ambisyosa!’

Tsk. Nagkakamali ako nang iniisip.

Sa sobrang tutok ko sa telebisyon ay hindi ko napansin na kanina pa pala ako tinatawag ni Minjoon.

“Mom. I’ve been calling you.”

“Yes? What is it, son? I’m sorry, I didn’t hear you.” instead of answering me, he just look at me and then in the television. Parang tinitingnan ang dahilan kung bakit hindi ko agad narinig ang pagtawag niya sa’kin.

“Do you know him, mom?”

“H-huh? Uhm, yes, ah, no.”

“Ano po ba talaga, mom?” tanong na rin ni MIrai.

Tumikhim muna ako bago sinagot ang tanong nila.

“What I mean is, Yes, kilala ko siya kasi pumunta sila kanina sa school para mamahagi ng mga school supplies sa mga bata. And no, I don’t know them personally.”

“Ahh, okay po.” sabi ni Mirai.

“Nandoon pala sila kanina.”

“Yes. That is why.”

Nang masagot ko ang tanong nila ay hindi na sila nagtanong pang muli kaya nanuod nalang ako ng balita at sila ay pinagpatuloy ang ginagawa.

“Shall we sleep?” anyaya ko sa kanilang dalawa.

“Yes, mom.” sabi nilang pareho.

“Okay. Keep your things na. May pasok pa kayo bukas.”

Kinuha nilang pareho ang mga gamit nila at ipinasok sa bag saka hinatid ko sila sa kanilang kwarto.

“Good Night.”

“Good Night, too, mom.”

Lumabas ako ng kwarto nila sa tinungo ang aking kwarto.

Nahiga agad ako pero hindi pa dinadalaw ng antok. Habang nakatingala sa kisama, naalala ko ang nangyari kanina. Ang mga nagtatanong nilang mga mata. Nagtataka kung bakit magkamukha si Min Su at Minjoon.

Naiinis akong tumagilid.

“Tsk. Hindi pa pwedeng isipin nila na angkataon lang?” mahina kong sabi. Naiinis.

“Makatulog na nga lang.” at hindi naman ako nabigo. Dahil agad naman akong nakatulog.

Kinabukasan ay maaga akong nakarating sa paaralan.

May mangilan-ngilan na ring mga estudyante. Naglalaro, nagbabasa, nakukuwentuhan.
Dumiretso ako sa Faculty Room at naabutan ang ilan sa mga kapwa guro kong nag-aayos nang kanilang mga gamit. Naghahanda para sa kanilang mga klase.

Nang makarating ako sa mesa ko ay agad kong ring inihanda ang mga gagamitin ko para sa klase ko at nang matapos ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinext ni Airyn. Tinanong ko kung nasaan na siya at nang matanggap ang reply niya ay inilagay ko sa bag ang cellphone ko.

“Muntik ka nang ma-late ah.” bungad ko sa kanya.

“Oo nga, eh. Buti sinundo ako ni Peter sa bahay.”

“Hindi na siya busy?”

“Hindi na gaanong ka-busy. Kaya susunduin na niya ako mamaya. Sumama ka na lang sa amin pag-uwi.”

“Okay.”

Hindi na rin naman tumagal ang pag-uusap namin dahil nag-ring na ang bell. Hudyat na mag-uumpisa na ang klase.

Naging maganda ang daloy ng pagtuturo ko. Lahat ay nag-co-cooperate hanggang sa matapos an gang klase sa umaga. May mga esudyante akong hindi na umuuwi dahil may baon nang dala ang iba naman umuuwi kasi malapit lang naman ang bahay nila.

Nang malapit na ako sa Faculty Room ay dinig ko ang ingay mula rito. Ano kayang nangyari?

“Ayan na si Ms. Reyes.”

“Ano pong meron?” nagtataka kong tanong.

“Halika rito sa mesa mo.” yaya sakin ni Mrs. Fuentes.

Nagulat ako sa nakita ko. Kaparehong bulakalak kahapon ang nasa mesa ko.

“Sino pong nagbigay?”

“Hindi rin namin alam nang pumasok kami rito ay nariyan na iyan.” paliwag ni Ms. Hilton.

“Ipinaabot sa’kin kanina ng isang bata. Galing daw sa isang gwapong lalaki.” biglang sabi ni Mrs. Del Rosario.

“Gwapong lalaki? Uy, ikaw, Elaine ah? Hindi ka nagsasabi na may manliligaw ka pala?” tudyo ni Ms. Monte.

“Hindi ko nga po kilala kung sino ang tinutukoy ng batang nagpa-abot ng bulaklak sa inyo, Mrs. Del Rosario. At saka may mga anak na ako. Sino naman ang magbibigay sa’kin ng bulaklak? Alam ng lahat na may mga anak na ako.”

“Ano naman ngayon kung may mga anak kana? Maganda ka naman ah. Saka wala ka namang asawa. Ligawin ka, Elaine. Hindi naman halata na may anak ka na.”

“Kahit na po, pero tatanggapin ko na lang itong bulaklak. Ididisplay ko doon sa bahay.”

“Mabuti pa nga.”

Bumalik na rin sila sa kani-kanilang mga mesa. Ako naman ay umupo na rin at tinitigan ang bulaklak. Iniisip kung sino ang posibleng nagbigay nito.

“Elaine.”napatingala ako sa tumawag sa’kin.

“Bakit, Ai?”

“Tara na. Kumain na tayo.” napatampal ako sa noo ko. Nakalimutan kong lunch time na pala.

“Oh, sure.”

“Teka, kanino galing ‘to?” patukoy niya sa bulaklak na nasa aking mesa.

“Hindi ko nga rin alam eh. Pinabigay daw ng isang gwapong lalaki sa bata at ibinigay naman ng bata kay Mrs. Del Rosario at dito inilagay sa mesa ko. Para raw sa akin.”

“Hmm? Sino naman kaya magbibigay sa iyo ng bulaklak?” biglang nanliit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. “May nanliligaw ba sa iyo na hindi mo sinasabi sa’kin?”

“Naku! Wala, Ai. Hindi ko nga kilala diba?”

“Ganoon ba? Anong balak mong gawin diyan?”

“Iuuwi ko ‘to sa bahay. Sayang eh.”

“Sige. Ikaw bahala. Tara na. Kumakalam na talaga ang tiyan ko sa gutom.”

“Oo na.” tumayo na ako at sabay kaming pumunta sa canteen para bumili ng pananghalian.

Kahit na kumakain kami at nag-uusap ni Airyn ay hindi pa rin nawaglit sa isipan ko kung sino ang nagbigay ng bulaklak sa’kin. Ikuwento ko na rink ay Airyn na may nagpadala ng bulaklak sa’kin kahapon.

Ngayon ay pareho na kaming nag-iisip sa kung sino man ang nagbibigay sa’kin ng bulaklak.

Hanggang sa uwian na sa hapon. Agad akong nagpaalam kina Peter at Airyn nang maihatid nila ako sa bahay. Pagpasok ko nang gate ay nagulat ako sa bumungad sa’kin. May bulaklak kasing nakapatong sa bench na nasa hardin namin.

Agad kong nilapitan ang bulaklak at tiningnan kung may sulat. At hindi nga ako nabigo. Agad ko itong binasa.

‘The first time I laid my eyes on you, I couldn’t forget about you. What could have you done to me? Anyway, I’m sorry for not leaving any messages in the first two flowers I gave you. I hope you had a great day. –M’

M? Whose M? Bigla ay pumasok sa isipan ko ang mukha ni Minsoo.

‘Posible kayang siya ang nagbibigay sa’kin ng mga bulaklak?’

At sa ikalawang pagkakaton. Iwinaksi ko sa isipan ko ang posibilidad na siya nga ang nagpapadala ng bulaklak sa’kin. Bakit? Sa anong dahilan? Paano? Ang daming katanungan ang namumuo sa’king isipan. Ngunit ni isa ay walang akong nasagot.

***

Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon