LAI 6

44 4 0
                                    

Monday morning.



Mas naging maaga ang paggising ko kesa sa usual kong gising. Ito kasi ang unang araw ng kambal ko na papasok sa school kaya kailangan maaga ako.



Habang nagluluto ay narinig ko ang yabag ng kambal ko.



"Good Morning, mommy." tili ni Mirai nang makita ako sa kusina.



"Good Morning too, baby."



"Mommy, anong niluluto mo?"



"Bacon and egg, baby. Naligo na ba kayo?"



"Yes po, mommy."



"Where's Min Joon?" tanong habang nilalagay sa platito ang bacon na niluto ko.



"Baka nagbibihis pa po, mommy."



"I see. Maupo kana muna anak habang hinihintay natin si Minjoon."



Maya-maya pa ay lumabas na rin si Minjoon sa silid nila at dumiretso sa kusina at umupo sa tabi ni Mirai.



"I'm sorry for being late, mom."



"It's okay. Let's eat."



Hindi naman kami nagtagal sa hapagkainan. Pagkatapos naming kumain ay naligo't nagbihis na ako. Tamang-tama naman paglabas ko sa kwarto ay ang pagdating ni Mhel.



"Magandang umaga po, ate Elaine."



"Magandang umaga rin sa'yo, Mhel. Mabuti't nandito ka na."



"Ngayon po pala ang unang araw ng kambal. Babantayan ko po ba sila?"



"Ikaw nalang ang sumundo sa kanila mamayang uwian nila."



"Why, mommy?"



"Kasi, baka gabihin si mommy. Alam mo naman tuwing Monday hanggang Wednesday gabi na ako umuuwi. Bihira nalang maging maaga."



"Ok po, mommy." mabuti na lang at naintindihan ni Mirai. Alam ko naman na kahit hindi magsalita si Minjoon ay naiintindihan niya.



"Dito ka na lang muna sa bahay. Ikaw na muna ang bahala dito, Mhel."



"Opo, ate. Anong oras po ang uwian ng kambal?"



"Four pm ang uwian nila."



"Okay po. Ako na po ang bahala dito."



"Sige, Mhel. Mauna na kami."



"Sige po. Ingat po kayo."



Lumabas na kami sa bahay. Naglakad kami patungo sa sakayan.



Maya-maya pa'y dumating na rin ang jeep.



Mabuti na lang at hindi masyadong marami ang tao kaya hindi siksikan sa jeep.



Hindi rin nagtagal ay dumating na kami sa paaralan kung saan mag-aaral ang kambal.



"Magiging maayos lang ba kayong dalawa?" tanong ko sa kanila bago sila pumasok sa kanilang classroom.



"Yes po, mommy. Nandito naman si kuya Minjoon, hindi niya ako pababayaan."



"Okay. Be at each others side. You hear me?"



"Yes, mom."



"Okay. Sige na pasok na kayo. Aalis na rin si mommy."



"Bye, mommy. Ingat po in your way to school."

Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon