LAI 16

40 4 0
                                    

LAI 16

Buong party ay tahimik ako. Hindi ko naman masasabi na nag-eenjoy ako. Lunod na lunod ako sa pag-iisip. Sa pag-iisip sa napag-usapan namin kanina ng mga 'magulang' ko.

--

Muli akong pumasok sa silid upang makausap sila nang matapos ayusin ni Airyn ang make-up ko.

"Talk and I'll listen." alam kong rude ang pagkakasabi ko nun pero wala akong magagawa. Galit ako. Galit pa rin ako.

Naupo kaming apat sa sofa. Ako sa single sofa habang sila ay sa mahabang sofa sa harapan ko. Agad ko silang tiningnan sa mata para malaman ko kung totoo ba ang sasabihin nila.

"Pwede kang magtanong, anak." masuyong sabi ng 'ina' ko. Nasa magkabilang gilid niya ang 'ama' at 'nakakabatang kapatid' ko.

"Bakit niyo ako iniwan sa labas ng apartment nina Aleng Jasmine?"

Napalunok muna siya bago nagsalita. "Hindi ka namin iniwan. Kinuha ka sa amin."

"Kinuha?" tumango siya.

"Hindi pa kami kasal ng ama mo noong ipinanganak kita. Ikakasal pa lang sana kami noon. Napagdesisyunan naming Elaine ang ipapangalan sa iyo. Isang araw, nasa bahay nila kami. Iniwan kita saglit kasama ang isang maid nila kasi gutso kong ako mismo ang magtimpla ng gatas mo kaya lumabas ako para gawin iyon. Ngunit pagbalik ko, wala ka na pati ang maid na kasama mo." muling namuo ang mga luha sa mga mata niya. "H-hinanap ka namin. B-uong araw. Iyak ako ng iyak k-kasi hindi ka n-namin mahanap. Sinuyod namin ang buong bahay nila pero wala, hindi ka namin makita." hinagod ng ama ko ang likod niya. "Buong linggo kaming naghanap sa iyo pero bigo kami. Palagi kaming bigo. Maraming nagsasabi na baka raw patay ka na, pero ayaw kong maniwala. Hindi ka pwedeng mamatay. Hindi pa kita nakakasama ng matagal." humagulgol na siya. May kaunting awa akong naramdaman pero hindi pwedeng tuluyan akong lalambot. Kailangan ko munang malaman ang lahat. Lahat-lahat.

"Pinatigil ko muna ang ina mo sa paghahanap sa iyo kasi nagkakasakit na siya." dugtong ng ama ko kaya nabaling sa kanya ang paningin ko. "Kaya ako nagpatuloy sa paghahanap sa iyo. Ngunit lumipas ang labing limang taon, hindi kita mahanap-hanap. Mas lalong nagkasakit ang ina mo. Siyam na taong gulang na ang kapatid mo noong panahong iyon." tumingin siya kay Erick na hinahagod din ang likod ng ina niya. "Hindi niya makausap ng matino ang ina mo dahil sa pangungulila sa iyo kaya naikuwento ko sa kanya ang buong pangyayari." saka niya ibinalik ang paningin sa akin. "Pero makalipas ang ilang buwan ay may natanggap kaming tawag na alam niya kung nasaan ka." walang nagbago sa ekspresyon ko. Seryoso pa rin kahit na anong oras ay lalambot ako. Bibigay ako. "Nagpadala agad ako ng tao sa sinasabing lugar na tinitirhan mo. Nalaman ko na mabuti ang lagay mo. Na maayos kang namumuhay. Ligtas at tahimik."

Napaismid ako sa huling salitang binitawan niya kaya hindi ko naiwasang sumagot. "Tahimik? Iyon ang sinabi sa'yo? Paanong tahimik?"

"Tahimik kasi namumuhay ka naman ng normal. Walang nang-aaway sa'yo, nang-aapi. Kaya naging panatag ako."

Napangisi ako sa sinabi niya pero hindi na nagsalita pa. 'Wala pala kayong alam.' sabi ko sa sarili ko.

"Hindi kita pinuntahan agad. Ilang taon din ang pinalipas ko dahil kailangan ko munang mahanap ang maid na kumuha sayo at natagpuan ko siya sa probinsya nila. Hindi ko rin pinaalam sa ina mo dahil paniguradong pupuntahan ka niya. Pinaunti-unti ko. Nang nakita ko kung nasaan ang dating maid na iyon ay agad ko siyang pinahuli at pinakulong."

"Pagkatapos noon ay sinabi sa akin ng ama mo ang mga ginawa niya. Noong una ay nagalit pa ako sa kanya kasi hindi niya agad sinabi sa akin. Pero kalauna'y naintindihan ko naman kasi ipinaliwanag niya sa akin. Magkaedad kayo ni Airyn." dugtong ng ina ko. Nanliliit ang mga mata ko habang tinitingnan ko sila.

Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon