LAI 20

27 3 0
                                    

Sorry for the delay. Nawalan po kasi kami ng connection. More than 2 weeks kaming walang connection. So here's the first update for you.

***

Naunang nagising ang mga bata sa akin. Sobrang excitement siguro ang naramdaman nila. Hinihintay na namin si Airyn para makaalis na kami patungo sa bahay ng mga magulang ko. Bukas kami uuwi. Nasabihan ko na rin naman si Mhel, nagpaalam siya at pinayagan ng kanyang mga magulang.

"Who's excited?" tanong ni Airyn pagkababa niya ng kotseng gagamitin namin papaunta doon at lumapit sa amin.

"Me!" sigaw ni Mirai at nagtatatalon pa.

"I can see that." natatawang sabi ni Airyn.

Inilagay na namin ang mga gamit sa compartment at sumakay na sa kotse. Si Airyn ang magda-drive, ako naman sa front seat at nasa likod ang kambal kasama si Mhel, pinagitnaan nilang dalawa ni Minjoon si Mirai. May bag naman sa gilid ni Minjoon para iiwas siya sa pintuan. Kampante naman ako sa naging posisyon sila.

Habang nasa biyahe ay panay ang kwento ni Mirai tungkol sa school nila. Marami raw ang nagka-crush sa kakambal niya.

"Not only to me, Mira. Marami rin ang nagka-crush sa'yo. Kaya nga hindi kita iniiwan mag-isa."

Nagugulat ko silang nilingon.

"Really? Totoo ba iyan, Minjoon?"

"Yes, mom."

"Hindi na kataka-taka iyan, El." napatingin ako kay Airyn nang sabihin niya iyon. "Maganda ka't gwapo ang ama. So, no doubt." natawa siya sa sinabi niya. Well, can't argue with that.

Tumigil rin naman ang pagkukwentuhan nila dahil nakatulog ang dalawa pati na rin si Mhel. Isa't kalahating oras ang biyahe namin kaya may oras pa para umidlip.

"Bukas ka rin ba uuwi, Ai?"

"Yup. I told Peter about it. Well, ayos lang naman sa kanya, magiging busy siya for 2 days eh. Hindi pa rin kami magsasama."

"Mabuti naman kung ganoon. Mukhang mahihiya pa ako sa kanila."

"Bakit naman?"

"You know, ngayon ko lang sila makakasama ng dalawang araw, straight. Kaya baka medyo awkward."

"Masasanay ka rin. Mababait kaya sina tito't tita." ngumiti na lang ako sa kanya.

Sana nga ay hindi maging awkward. Hindi na ako nagsalita ulit. Kaya naging tahimik ang biyahe namin pero kalaunay umingay ulit dahil nagising ang kambal.

Nang dahil sa kwentuhan at tawanan na pinangununahan ni Mirai ay naibsan ang kaba ko.

"We're here." anunsyo ni Airyn nang makapasok sa isang village. Papasok ay parang walang mga bahay na nakatira iyon pala ay nasa loob pa. Matatayog na mga puno at magaganda't iba't ibang klase ng bulaklak ang nadaanan namin. Parang paraiso.

Pumasok pa kami sa loob at doon nakita ko na may mga bahay na dito. No, it's not just a simple house but a kind of house na unang tingin palang alam mong mayayaman ang nakatira.

'So, they live here?'

Ilang bahay, no, mansion pa ang nadaanan namin bago kami makarating sa bahay ng mga magulang ko.

"This is their house." sabi ni Airyn saka pinark ang sasakyan sa harap ng gate ng bahay nina mama at papa.

Hinintay muna naming bumukas ang gate bago pinausad ulit ni Airyn ang kotse. Napanganga ako nang tuluyan na kaming nakapasok, kagaya nang nadaanan namin kanina nang papasok kami ng subdivision ay mga mga nakahilira ring iba't ibang klase ng bulaklak. Daisies, Roses, Tulips, Sunflowers, Ixora's, etc. Napakaganda ng pagkakatanim sa kanina. Alagang-alaga.

Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon