Sorry, ngayon lang ulit nakapag-update.
Happy reading.
***
Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay buwan na nang Disyembre. Magiging abala kaming lahat sa buwan na ito. Kailangan naming matapos lahat ng pag-gagrado sa mga projects ng mga bata. Kailangan bago ang Chirtsmas break ay matapos na namin lahat para wala na kaming gagawin pa sa buong month ng December.
Naging matiwasay ang araw na ito.
"How's your day?" tanong ni Airyn nang makapasok siya sa Faculty Room. Kakatapos lang ng klase niya.
"Maayos naman. Walang naging pasaway ngayon."
"Good. Same with mine. Himalang naging mabait sila. Sumusunod pa sa sinasabi ko."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Baka nadala na sa nangyari nakaraan. Remember? Noong naghabulan ba kayo 'nun?"
"Ahh, yes. Maybe natakot na sila kay Ms. Principal."
"Baka nga."
Wala na kaming pinalampas na pagkakataon. Agad naming inaayos ang mga gamit namin saka nagpaalam sa mga co-teachers namin na mauuna na kaming umuwi.
"Anong dinala mong mga gamit?" tanong ni Airyn nang makaupo kami sa bench. Susunduin daw kasi siya ni Peter ngayon at niyaya ako. These past days kasi mas naging busy si Peter kaya hindi na niya nansusundo si Airyn. Company Matters. Habang naghihintay kami kay Peter ay mag-uusap na lang muna kami.
"Quizzes at exams ng mga estudyante ko. Dito ako mag-uumpisa. Madali lang kasing e-record at baka 2-3 days lang matatapos ko na ito. Ikaw ba?"
"Hmm. Bukas na ako mag-uumpisa. Magpapahinga na muna ako ngayon. Tapos na rin naman ang lesson plans na ginawa ko."
"Pagod ka?"
"Yup. Hindi ko nga lang alam kung bakit pagod ako ngayong araw kahit na hindi naman naging masakit sa ulo ang mga estudyante ko."
"Ano bang ginawa mo kahapon?"
"Nagsulat lang naman ng lesson plan. But after that, I am not that tired. Nakapanuod pa nga ako ng movie kagabi."
"Anong oras ka ba natulog kagabi?"
"Hmm? Past 10 pm? Yeah, past 10."
"Himala, maaga kang natulog."
"Yeah. Kahit nga nang sinabi ko iyon kay Peter hindi rin naniwala. Tumawag daw siya around 11. Hindi raw ako sumasagot."
Natawa kaming pareho sa sinabi niya. Hindi na namin natuloy ang pag-uusap nang may tumigil na kotse sa harapan namin.
"Hey, ladies. Hop in." Si Peter pala.
Agad kaming sumakay ni Airyn.
"Shopping?" tanong ni Peter saka pinausad ang kotse.
"Nah. Straight home." mahihimigan ang pagod sa boses ni Airyn.
"You tired?" nag-aalalang tanong ni Peter.
"Kinda."
"Okay. We'll head straight home."
"Okay."
Naging tahimik ang biyahe namin pauwi. Nang makababa ay kumaway lang ako kay Peter. Nakatulog ata si Airyn. Sobrang pagod nga siguro siya. Ano naman kaya ang ginawa niya para mapagod nang ganoon?

BINABASA MO ANG
Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)
RomanceWould I successfully run away from him or totally fall for him?