“Siya ba talaga ang daddy ‘nung kambal?” tanong agad sa’kin ni Airyn pagkarating ko. Ni hindi man lang ako pinaupo muna.
“Oo nga.”
“OMG talaga!”
“Bakit?”
“Ang gwapo.”
“Ewan ko sa’yo. Sumbong kaya kita kay Peter?”
“Haha. Ito naman parang hindi ka na mabiro. Pero seryoso, gwapo siya, kamukhang-kamukha ni Minjoon. Anong gagawin mo kapag nagkita sila?”
“Hindi ko alam. Hindi naman niya siguro malalaman na nabuntis niya ako diba?”
“Sabagay, hindi nga niya alam kasi nga tumakbo kana. Pero magkamukha talaga sila.”
“Bahala na. Hindi ko naman siguro siya makikita ulit diba? Nagkataon lang kahapon.”
“Sana nga.”
Inayos na namin ang mga gamit namin saka kami pumunta sa kanya-kanya naming classroom.
Naging tuloy-tuloy ang naging klase ko simula noong Miyerkules hanggang ngayong biyernes at simula noongMiyerkules din ay panay ang reklamo ni Airyn tungkol sa klase niya na maiingay daw, mga makukulit, mga pasaway, may natutulog, may nagtsi-tsismisan. Hagard na siya tuwing hapon.
“Naku, ano nanaman ang nangyari, Airyn?” tanong ni Mrs. Fuentes, Grade II adviser. Apat nalang kasi kaming naririto ang isa ay si Mrs. Puerto, Grade IV adviser, na nakangiting nakatingin kay Airyn.
“Ano na naman ang kwento mo, Airyn?” tanong ko.
“’Napakaswerte ko talaga sa klase ko.” sarkasmo niyang sabi.
Tumawa kami.
“Bakit ba? Anong nangyari?” tanong ni Mrs. Puerto.
“Naghabulan lang naman kami saka nagtaguan.” sagot niya.
“Huh? Naghabulan at nagtaguan sa loob ng classroom?” gulat kong tanong.
“Oo. Kaya natagalan ako kasi nakita ni Ms. Principal ang nangyari.”
“Anong sinabi ni Ms. Principal?” tanong ni Mrs. Fuentes.
“Ayun, pinagalitan sila. Nang lumabas si Ms. Principal ay pinagsabihan ko rin sila.”
“Huwag kang mag-alala. Magiging matino na ang klase mo.” sabi ni Mrs. Puerto.
“Sana nga.”
“Magiging maayos din sila. Titino rin ang mga iyan.” sabi ko sa kanya. “Tara na. Umalis na po tayo, 4:15 pm na.” yaya ko sa kanila.
Sabay-sabay kaming apat na lumabas ng faculty room at umuwi.
Nauna nang umuwi sina Mrs. Fuentes at Mrs. Puerto. Nasa iisang daanan lang kasi sila kaya kami niAiryn ay hinintay si Peter, susunduin daw siya, kaya niyaya nalang niya ako na sumabay sa kanya.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Peter.
“Hop in.” sabi niya.
BINABASA MO ANG
Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)
RomanceWould I successfully run away from him or totally fall for him?