Hindi mawala sa isipan ko ang bulaklak na natanggap ko ‘nung isang araw at kahapon.
Sa lalim ng aking iniisip ay nabangga ko ang isang estudyante. Umuklo ako para kausapin siya.
“Pasensiya kana ha? May masakit ba sa’yo?”
“Wala naman po, Ma’am.”
“Mabuti naman kung ganoon.”
“Ah, Ma’am.”“Bakit?” nakangiti kong tanong sa kanya.
“Nanggaling po ako sa Faculty Room at may inilagay sa lamesa ninyo.”
Nawala ang ngiti ko sa narinig.
“Bulaklak ba ang inilagay mo doon?”
“Opo. May nagpapabigay po.”
“Ganoon ba?”
“Opo. Sige po, Ma’am, aalis na po ako.” paalam ng estudyante.
Tumatakbong umalis ang bata papunta sa mga kaklase niya at nakisali sa laro nila.
Dali-dali akong pumunta sa Faculty Room at naabutan sina Mrs. Fuentes at Mrs. San Rafael sa kaniya-kaniya nilang mesa at may ginagawa.“Good Morning.” bati ko sa kanila.
“Good Morning din, Elaine.” sabay nilang bati pabalik sa akin. “May bulaklak ka nanaman.” sabi ni Mrs. Fuentes.
“Dinala dito kanina ng batang babaeng estudyante.”
“Opo. Nabangga ko pa siya kanina sa labas.” sabi ko nang makarating sa sariling mesa at sinuri agad ang bulaklak kung may post card na naiwan at tama nga ako.
Agad kong kinuha ang post card at binasa ang nakasulat.‘Good Morning, gorgeous. Have a nice day ahead. -M’
“M. Sinong M?” bulong kong tanong. “Imposibleng si Min Su ito. Ikalawang beses ko pa lamang siya nakita nang malapitan. Pero wala naman akong kakilala na lalaking nag-uumpisa ang pangalan sa M. Imposible talaga.”
“Anong imposible, El?” napaangat ako ng tingin sa biglang nagtanong sa akin.
“Ai?”
“Hmm? Anong imposible?” tanong niya ulit saka naupo sa kaniyang mesa na katabi ko lang.
Wala sa sariling tumingin ako sa kanya.
“Imposibleng si Min Su ang nagpapadala ng mga bulaklak na ito, Ai. Napakaimposible.” mahina kong sabi sa kanya.
“Si Min Su? Bakit siya ang naisip mong nagpapabigay ng bulaklak sa’yo?”
Ipinakita ko sa kanya ang dalawang post card na kasama sa bulaklak. Binasa niya ang mga nakasulat dito.“The first time I laid my eyes on you?” patanong na binasa ni Airyn ang unang sinabi nang sumulat. “Noong unang beses ka niyang makita? Kailan nangyari ‘yon?”
“Iyan din ang tanong ko.”
“Pero may mga kakilala ka ba na nag-uumpisa sa M ang pangalan?”

BINABASA MO ANG
Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)
RomanceWould I successfully run away from him or totally fall for him?