Sorry for the super late update. Hope you like it.
***
December 25. Christmas Day. Excited ang mga bata na pumunta sa bahay nina tito Ryan. Ito kasi ang unang Christmas na makakasama namin ang buong pamilya ko. They stayed with us until now. Ayaw kasi ni mama na iwan kaming tatlo na kami lang kaya nanatili sila hanggang ngayong araw.
"Everyone, ready?" tanong ni mama.
"Yes, grandma!" sigaw ni Mirai.
"Okay, let's go."
Sabay kaming lumabas sa bahay at sumakay sa sasakyan. May dala kaming bag. Hanggang bukas kasi kami sa bahay nina Airyn. Iyon ang napag-usapan nina mama, papa, tito at tita.
"Tita Airyn!" sigaw agad ni Mirai nang makababa sa sasakyan at nakita si Airyn.
"Hello there my dear niece." sinalubong naman ng yakap ni Airyn si Mirai.
"Good Afternoon." bati ni papa kay Airyn. "Where're your parents?" tanong ni papa. Si Airyn lang kasi ang sumalubong sa amin.
"Inside, tito. Tinutulungan si kuya sa mga gamit niya. Ngayon lang kasi nag-ayos. Pagdating kahapon sa bahay nagpahinga lang saglit saka natulog. Hindi na namin ginising. Kaya ngayon lang sila nag-aayos."
"I see."
"Let's go inside."
Pumasok kami sa loob ng bahay nina Airyn. Ito ang ikalawang beses na nakapasok ako. The first time was tita's birthday. Pero hindi naman ako nakaikot sa buong bahay nila.
"Sa garden po muna tayo, para makapagpahinga kayo." dinala kami ni Airyn sa garden nila. Namangha ako nang makarating kami roon. Napakalawak ng hardin nila. Triple sa laki ng bahay namin at doble sa laki ng garden nina mama. "Ano pong kakainin ninyo? Mukhang matatagalan sina mama, papa at kuya sa pag-aayos."
"Wine please, how about you, hon?" tanong ni mama kay papa.
"Wine as well."
"Orange juice." sabi ni Erick.
"Kape na sa akin, Ai. Namiss ko uminom ng kape."
"Okay. How about the kids?"
"Pineapple juice for me, tita Airyn." sabi ni Mirai. "And a cake, do you have one?" dagdag ni Mirai.
Natawa si Airyn sa tinanong ni Mirai. "Of course, we have. What flavor do you want?"
"Hmm? Can I have chocolate flavor?"
"Sure, how about you , Minjoon?"
"Pineapple as well, tita, and uhm. D-do you have, ahm."
"What is it? Tell me."
"Uhm, I-ice cream? Cookies and Cream flavor."
"Okay, noted." nakangiting sabi ni Airyn. "How about po sa inyo? Any deserts?"
"Anything will do." nakangiting sagot ni papa.
"Alam mo na kung anong sa akin, Ai."
"Yep."
Umalis si Airyn na may ngiti sa labi.
Hindi rin naman nagtagal ay bumalik si Airyn na kasama ang mga maid nila at bitbit ang mga ni-request namin.
"Pakilapag na lang dito. Salamat."
Inilapag naman ng mga maid ang kanilang mga dala. Agad na kinuha ni Mirai ang kanyang pineapple juice at chocolate cake saka naunang kumain. Natawa kaming lahat na nakakita sa ginawa niya.

BINABASA MO ANG
Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)
RomanceWould I successfully run away from him or totally fall for him?