M & J

17 5 0
                                    

Love Story of:
Maricar Icelyn Castelion
And
Jacob limuel Miliarez

(Maricar Icelyn Castelion)


"Marice" napatingin naman ako sa taong tumawag sa akin isa lang ang kilala ko na tinatawag ako nga ganyan si jen. Anong ginagawa niya dito? Ang alam ko may klase pa siya

"Sabi na dito lang kita mahahanap sa canteen eh!" Nakangiti niya sabi at umupo sa upuan sa harapan ko.

"Nako parang di mo ako kilala dalawang lugar lang naman ang pinupuntahan ko dito. Hm! di ako kagaya mo kaylangan ko pa libutin ang buong campus para mahanap ka!"  Inis na sabi ko sa kaniya ng maalala ko nung hinanap ko siya dati.

"Eto naman" nilapag niya ang dala niyang mga gamit. Pinagpatuloy ko na lang ulit ang pagkain ko.

"Jen! Akala ko ba may klase ka pa. Himala na di mo kasama si cousiny ko."

"Wala kaming teacher ngayon may absent may sakit eh. Si frangco naman bumili ng makakain" napatango tango na lang ako.

Nagusap lang kami ng ilang minuto ni jen ng dumating eman ay eksaktong kaylangan ko na umalis kaya naman nag paalam na ako sa kanila baka mahuli pa ako sa klase ko nako ang hirap pa naman mag nursing nakaka stress ng utak pero mag nakaka stress talaga yung pagdodoktor.

Nang malapit na ako sa silid aralan namin napansin ko na maingay. Hindi naman sila nag kakagulo pero para silang bubuyog mga nagbubulungan kaya yun  ang ingay malakas pa naman ang pandinig ko. Napatingin naman ako sa lalaking nasa gilid lang. At anong ginagawa dito ni jacob? Hindi pa ba sapat ang pang bwibwisit niya sa akin tuwing umaga? Nung makita niya ako kaagad kong nakita ang pamilyar na ngisi niya. Hindi ko alam kung anong balak niya at kung may ano man siya kalokohan na gawin niya ngayon sisiguraduhin ko na di ako papadaig. Ever since na makilala ko sila na kaibigan pa dati ng pinsan ko di na ako nilubayan ng jacob na ito. May lahi sigurong tuko!

Lumapit siya sa akin.

"Hello baby" ngising sabi niya sa akin at akmang yayakap pero agad ko siyang tinulak kaagad kong narinig ang singhapan ng mga taonh tyismosa sa paligid.

"Ano nanaman bang problema mo jacob?!" Inis na tanong ko.

"Baby naman sinasaktan mo nanaman ang damdamin ko. May klase ako ngayon pero mas pinili ko pumunta dito para makita ka." May paawa effect pa siya. Nako napakagaling na impostor akala mo talaga mabait DEMONIYO naman!

"Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo ngayon jacob. Tumabi ka sa dadanan ko at papasok na ako may klase pa ako!" Nangagagalaiti kong saad sa kaniya.

Napahinga ako ng maluwag ng gumilid siya. Hay salamat naman. Akmang aalis ako ng matigil ako sa sinabi niya.
"Ganun na lang ba yun baby? ayaw mo ba talaga sa akin? Akala ko ba tayo na? Nung isang araw sinagot mo ako tapos ngayon ginaganito mo na lang ako? Ginawa ko naman lahat? Pero mukhang ayaw mo naman ako na maging boyfriend.." nagulat naman ako sa sinabi niya nababaliw na ba siya. Kaagad naman natigilan ang mga tao sa paligid shet nakakuha siya ng madaming atensiyon at ayoko nung tingin nila sa akin.

Ang galing talaga umarte nitong kupal na toh!
"Hindi kita boyfriend!!! Kaya tigilan mo na ang kaartehan mo!! Nababaliw ka na!!" Tumalikod ako sa kaniya at deretso na pumasok sa silid aralan narinig ko pa yung sinabi niya.
"See kinakaila mo na boyfriend mo ako!" Nakakahiya siya.

At eto tayo pumasok ako sa lahat ng subject ko pero ni isa wala ako naintindihan dahil sa mga kaklase kong babae na masamang nakatingin sa akin na ani mo'y may nagawa akong kasalanan sa kanila. Masiyado ata silang nadala sa kaartehan ni jacob. Oh naalala ko sikat nga pala ang bwisit na lalaking yun kaya madali sa kaniya na ganunin ako. Makakaganti din ako sa kaniya. Inis na nilamukos ko ang papel na hawak ko.

Pero ng maalala ko na eto pala yung essay ko na ilalagay ko pa folder kaagad ko itong binuklat shet talaga uulit ako!!!!

Kasalanan talaga lahat ito ni jacob limuel Miliarez magbabayad talaga siya!! Wag lang siya magpapakita sa akin ngayon pa lang pinapatay ko na siya sa isipan ko.

Padabog na tumayo ako sa upuan ko ako na lang mag isa dito sa silid aralan umuwi na yung mga kaklase ko. Pumunta ako sa parking lot at kaagad na sumakay sa sasakyan ko. Wag kayo mag alala di ako anga-anga mag drive marunong ako at may lisensiya.

Paguwi ko nakita ko si mommy sa kusina nag luluto kasama si yaya eming. Napatingin ako sa niluto niya kawawang pagkain itatapon din naman kasi palpak ang pagkaluto ni mommy sunog. Ewan ko ba kay mommy pilit na nagaaral mag luto kahit wala siyang talent doon buti na lang di ko na mana kay mommy iyon. Pinuntahan ko siya at si yaya eming.

"Oh nandiyan ka na pala baby girl!" Masayang bati ng mapansin ako. Kaagad ako lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Kamusta ang school baby girl?!" Parang batang tanong ni mommy.

"Mommy please stop calling me baby girl! Am big girl now! Okay lang naman ako sa school medyo may disaster lang na nangyari kaya medyo inis ako. Ikaw mommy kamusta pagluluto?" Balik na tanong ko.

"Eto wala pa din" malungkot na saad niya. Niyakap ko naman siya.

"Nako mommy sinabi ko naman sayo wala talaga pag asa eh nagsasayang ka lang ng pagkain" kaagad naman siya kumawala sa pagkakayakap sa akin at pinalo ako sa braso.

"Ikaw ang sama mo sakin! Babawasan ko baon mo!" Inis na sabi niya.

"Mommy alam mo hindi naman basehan sa pagiging ina kung marunong ka man mag luto o hindi. Nako kahit di ka naman marunong mag luto mahal pa rin kita"

"Swete ko naman sa anak ko nako naman anh sweet!! Pero walan2 epekto sakin yan umakyak ka sa taas at mag bihis na maghahapunan na din tayo mamaya pag dating ng daddy mo. Nako mukhang hihirit ka pa ata ng dagdag na allowance." Natawa na lang ako at umakyat sa kwarto ko upang mag bihis.



______________________________________

8:58pm

Wednesday, May 08. 2019

-marjovioleta11
______________________________________

Ngiti (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon