ispesyal na kabanata 1.

30 12 0
                                    

Francisco Emanuel castelian

Ilang taon ang nakaraan bago ang kasalukayang panahon.

Bata pa lang ako may gusto na ako kay Valerie Montfort napakaganda niya unang makilala ko siya sa 7th birthday party ni Jacob Limuel Miliarez kababata ko at isa sa mga kaibigan ko.

Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon.....

Nasa birthday party ako ni jacob. Nagkakasiyahan silang lahat samantalang kaming tatlo ni jacob at Kristopher nandito lang sa isang table kumakain.

"Ano bang klaseng birthday party eto jacob? Halos tatlo lang tayong bata dito. Lahat ng mga kasama natin dito puro matatanda at hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila" inis na sabi ko kay jacob. Nag paparty pa siya kung di naman masaya tapos puro negosyo lang naman ang inaatupag ng mga taong dumalo sa kaarawan niya.

"Oo nga jacob wala na ba tayong ibang gagawin dito kundi ang tumunga nga at kumain" pagsang ayon naman ni Kristopher sa sinabi ko.

"Pasensiya na kayo. Kayo lang naman ang prayoridad ko sa lahat ng kaibigan ko yung iba ko kasing kaibigan alam ko naman na ayaw naman talaga nila sa akin kaya ipinaubaya ko na lang kay mommy kung sino ang mga dadalo kaarawan ko. Di ko naman alam na ganito pala ang mangyayari." Paliwanag ni Jacob.

"Ok lang iyan jacob nandito naman kami" saad ni kristopher

"Oo nga! Kaya wag ka na malungkot. Buksan mo na lang yung mga regalo namin sayo" masayang wika ko.

"Sige ano bang laman ng mga ito?" Nagtatakang tanong ni jacob habang hawak ang regalo ko.

"Buksan mo na" masayang sabi ni Kristopher

Bubuksan niya na sana ito ng may isang boses ng babae ang nagsalita sa harapan namin.

"Hello, sino ba sa inyo si jacob?" Nakangiting tanong ng isang mala anghel sa ganda na babae sa aming harapan. Lahat kami ay napatingin sa kaniya. Mukhang kasing edad lang din namin siya payat siya, maputi, nakatrintas ang kulay brown niyang buhok. Naaakit ako sa abo niyang mga mata nakakalunod itong titigan.

"Ako" sagot ni jacob

"Happy 7th birthday jacob inimbitahan ako ni tita sa birthday mo. Mukhang tayo lang ang mga magkakaedad dito. Pwede bang maki upo?" Maliwalas ang mukha niya habang nagsasalita. Hindi ako agad naka sagot nun dahil masiyado akong nakatitig sa mukha niya.

"Hello!" Winagayway niya yung palad niya sa mukha ko doon ako natauhan at napakurap-kurap
"Uulitin ko pwede bang umupo sa tabi mo?" Tanong nito.

"Sorry may iniisip kasi ako. Ok lang naman" paumanhin ko at napaiwas ng tingin.

"Ang sabihin mo nagandahan ka sa mukha niya." Pang aasar ni Kristopher.

"H-huh? H-hindi a-ahh" utal na sabi ko.

"Hahaha.eto nga pala regalo ko sayo sana ay magustohan mo. Ako nga pala si Valerie Montfort 6 years old. Nagaaral ako sa Imperial Crown Elementary school." Pakilala niya. Valerie isang napakagandang pangalan.

"Doon din kami nag aaral pero bakit hindi ka namin nakikita?" Tanong ni jacob.

"Sandali lang di pa tayo magkakilala maayos ako nga pala si Kristopher Madson" pakilala ni Kristopher at nakipagkamay. Napatingin naman sila sa akin.

"Ako nga pala si Francisco Emanuel castelian." Nakipagkamay ako sa kaniya. Naramdaman ko ang kakaibang boltahe na dumaloy sa kaming mga kamay kaya napabitaw kaming dalawa.

Ngiti (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon