labing-pitong kaligayahan

22 11 0
                                    

Di pa rin ako makapaniwala. Nagtapat sa akin si frangco. Bakit di ko man lang na halata sa kilos niya na may gusto siya sa akin. Akala ko magkaibigan lang kami.

Umamin sa akin si frangco na may gusto siya sa akin tapos si Valerie umamin din sa akin na may gusto siya kay frangco. Paano na ito? Ayoko masira ang pagkakaibigan namin. Akala ko pa naman magagawa ko yung plano ko na paibigin si frangco kay Valerie para malimutan niya na yung babaeng dahilan ng kalungkutan niya. Mukhang ako pa ata ang dadagdag sa pagkalungkot ng kaibigan ko.

Lutang lang ako na naglalakad sa pasilyo.

Kagabi pa ako binabagabag ng pagiisip ko halos wala akong tulog kagabi dahil dito.

Ang tanong na laging pumapasok sa isip ko ay ano ang gagawin ko?

Patuloy lang akong nag lalakad. Kung buong araw akong lutang baka hindi ko maintindihan ang buong aralin namin nito!!

Huminto ako at huminga ng malalim magagawan ko din ito ng paraan!

Napalingon naman ako sa kanan ko. Wahhh!! Nakalagpas ako sa classroom namin!!


Napatakbo ako sa pabalik siguradong huli na ako sa unang klase ko.

"Prof am sorry am late!" Paumanhin ko habang humihingal.

"You may come in" buti na lang si prof. Jun ang guro namin ngayon kaya naka pasok ako.

Pagkaupo ko ay napalingon ako sa kanan ko. Wala si frangco balik na ulit sila sa training nila. Mabuti na din iyon ng makapagisip isip ako. Hindi pa ako handang makaharap siya.

Nung matapos ang pangumaga kong klase ay pumunta ako ng clinic buong umaga ko iniiwasan ang makita ang kahit isa sa kanila pakiramdam ko pagnakita ko ang kahit isa sa kanila ngayon malulungkot ako maliban na lang kung si Kristopher iyon wala naman iyong pake alam sa mundo alam lang ata gawin nun magyabang. Pag nakita ako nung tao na iyon siguradong maiinis lang ako. Pupunta ako ng clinic para may maidahilan ako sa kay marice kaninang umaga nung break time hindi ako nakasama sa kanila ang dinahilan ko may tatapusin ako na activity pero ang totoo tumambay lang ako sa silid aklatan ni yung librong hawak ko ng di ko man lang ito nabasa. Ngayon naman lunch eto pupunta ako ng clinic.




"Eto paracetamol" inabot ko ito kay kent 2nd year collage, kursong kinukuha accounting.

"Salamat po" tinanggap niya ito at nginitian ako.

"Bago mo inumin iyan siguraduhin mong kumain ka, kung hindi mo kayang pumasok sa mga klase mo pwede ka namang umuwi mag sabi ka lang." Paala ko sa kaniya.

"Ok lang po ako ate. Maraming salamat po ulit alis na po ako." Paalam nito.

Kalahating oras din ako namalagi sa clinic walang duty ngayon si doc chess tuesday, Wednesday at friday lang siya nandito. Meron din kasi siyang mga ginagawa sa labas ng paaralan.

Napatingin naman ako sa pintuan ng bigla itong marahas na nag bukas. Pumasok si-si Kristopher na buhat buhat ng dalawang lalaki. Pinaupo siya sa kama ngumingiwi naman ito sa sakit.

"Aray ko naman dahan!dahan!" Sigaw nito.

"Sorry captain!" Paumanhin ng isa.

Lumapit naman sa kanila.

"Anong problema?" Tanong ko.

"Ahh.. Ako nga pala pau na sprain kasi ang paa ni captain kaya kaylangan magamot ito.." Paliwanag nito.

"Diba estudyante ka din dito.. Nasaan si doc chess?" Tanong nung isang lalaki sa akin. Taka ko lang siyang tinignan.

"Ako nga pala si yuan."

"Ano ba kaylangan ko ng doctor!! Ngayon pa kayo nag kilala sa harapan ko!! Mamaya niyo na iyan gawin pag wala ng masakit sa akin." Nakapikit na sabi niya na halatang iniinda ang sakit.

"Nasaan ba ang doctor?!" Galit na sigaw nito at dumilat ito kaya otomatikong napunta sa akin ang atensiyon niya. "Anong ginagawa mo dito babae?!"

"Ako nga pala si aaliyah pwede niyo akong tawaging ali.. At kung tinatanong niyo kung nasaan si doc chess wala siya ngayong araw. Ako lang ang nag babantay dito at umaasikaso ng mga nangangay langan kay doc chess."

"Huh? Pero estudyante ka lang dito" takang sabi ni pau.

"Hahaha.. Wag kayong mag alala madami akong alam sa panggamot ng iba't ibang uri ng karamdaman. Kumukuha ako ng kursong medisina. Ako na ang gagamot sa kaniya."

"Hoy!! Hindi ko ipagkakatiwala sayo ang pilay ko!! Baka mas lalo lang ito lumala!!" Matapos niya ito uminda nanamn siya sa sakit.

"Wag ka nga masiyado magalaw kristopher!! Saglit lang at kukuha ako ng cold compress.." Umalis ako sa tabi nila at pumunta sa refrigerator kinuho ko doon ang ice cube at nilagay ito sa malinis na tela. Pumunta na ako sa harap ni Kristopher kumuha ako ng maliit na upuan at doon naupo. Dahan dahan kong inangat ang kaliwang paa ni kristpher ngumiwi naman siya pinatong ko ito sa hita ko.

"Dahan-dahan kong tatanggalin ang sapatos at mediyas mo."

"Dahan-dahan lang" kunot noong saad niya.

"Opo bossing dahan-dahan lang" inirapan ko na lang siya para naman itong bata.

"Ahh.. Captain iwanan na po namin kayo dito." Paalam ni yuan.

"Oo nga po mukhang alam naman ni ms. Ali ang ginagawa niya."

Umalis sila at iniean kaming dalawa dito.

Nang maalis ko ang sapatos at medyas niya ay agad kong nilagay dito ang cold compress.

"Mag aantay ako ng ilang minuto bago ko ito hilutin. Pag ito namaga sa mga dadating na araw kumunsulta ka sa doktor baka mamaya ay may nabali na buto dito." Sabi ko.

"Di mo na ako kaylangan gamutin alam ko naman na inis na inis ka sakin. Baka mamaua palalain mo pa iyan" napaangat ako ng tingin.

"Sa tingin mo ba gagawin ko sayo iyon?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo?" Di sigurado niyang sabi.

"Nagkakamali ka mr. Kristopher kahit na kaaway kita may puso din naman ako hindi ko kayang manakit ng iba. Napaka babaw naman ng dahilan ko para gantihan kita. Inaasar mo lang naman ako." Seryosong wika ko sa kaniya. Napahinto siya.

"At ayaw ko din papangitin ang imahe ni doc chess siya pa naman ang nagtiwala sa akin na kaya ko gawin ng maayos ang mga gawain niya dito habang wala siya."

"Sorry" pabulong niyang sabi...

"Anong sabi mo?" Tanong ko na kunwari walang narinig.

"Hays! Kaylangan ko pa ba ulitin!" Inis na sabi niya.

"Ano nga ulit yung sinabi mo?" Ulit na tanong ko.

Napabuntong hininga siya.

"sorry... (Ano hindi ko marinig lakasan mo pa?) SORRY!! para naman itong bingi!!" Galit na sabi nito.

Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Yieeee.... Marunong ka naman pala mag sorry!!"

Napakamot naman siya ng ulo niya.

"Ngayon lang yun!!"

------------------------------------------------------

8:42am

Wednesday, September 12. 2018

-majoy

------------------------------------------------------










Ngiti (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon