Nawawalang kabanata2

20 8 0
                                    

Kristopher Madson

Kasalukuyan akong nasalabas mg bahay ni aaliyah nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Nagkanda ligaw ligaw ako kakahanap ng bahay nila mabuti na lamang at kilala siya ng ibang mga napagtanungan ko at tinuro ako sa isang hindi naman kaliitan at sa tingin ko naman ay sakto lang ang laki na bahay. Kung nagtataka kayo kung anong gagawin ko sikreto. Saan ko nakuha ang address kay marice nahirapan pa akong kunin ang address niya kay marice.

Biglang may lumabas na isang pamilyar na lalaki si andrew.

"Andrew!" Tanong ko.

"Bakit anong kaylangan mo sa ate ko?" Kunot noong tanong niya sa akin.
"Wala siya dito eh."

"Ang totoo hindi siya ang sadya ko dito......" Buti naman at wala si aaliyah baka yung plano ko masira.
"Ang magulang mo ang gusto ko nakausap"

"Kung ganun pasok ka nandito sila mama at papa." Binuksan niya ang gate at agad akong ginayak sa loob..

"Kamusta na kuya kristopher?"tanong niya.

"ok lang naman" tipid na sagod ko.

"hahaha paano mo pala nahanap ang bahay namin? buti di aka naligaw" pagkapasok ng bahay nila ay kaagad niya ako pinaupo simple lang ang bahay nipa mukhang sakto lang ito para sa kanila.

"ahh kilala naman kayo dito kaya yung mga napagtanungan ko dito kaagad ako tinuro."

"Mama!!! Papa!!! nandito si kuya kristopher yung kaibigan ni ate" Sigaw ni andrew

"Saglit lang!" Sigaw ng isang babae siguro ay mama ni aaliyah

Kinakabahan naman ako habang nakaupo sa upuan. Pinagkiskis ko ang kamay ko.

"Ah wala si ate nasa trabaho siya ngayon pero nandito naman si mama at papa. Pwede mo silang makausap. Saglit lang dyan ka lang kukuha lang ako ng inumin." Umalis naman siya. Napatingin naman ako sa isang aparador. Nakalagay doon ang iba't ibang larawan ni aaliyah merong kasama niya ang buong pamilya. Napangiti naman ako ng makita ko ang isang cute na baby picture niya. May mga medalya din na nakasabit dito di na ako mag tataka matalino kasi siya.

Napaayos naman ako ng dumating ang papa niya di gaya nung una naming pagkikita mas nakakatakot na siya ngayon. lalo na at aakyat ka ng ligaw.

"Sa mukha mong yan alam ko na agad ang pakay mo kaya dederetsohin na kita di ako makakapayag na ligawan mo siya." Tumingin siya ng masama sa akin pero napawi din ng biglang may pumaltok sa kaniya.

"Ikaw naman!! Bakit mo tinatakot ang bata?! Malaki na ang anak natin alam niya na ang mga gagawin magtatapos na nga siya simula noon walang nanligaw sa kaniya wahhh!! Iho botong boto ako sayo nako wag mo pansinin itong asawa ko akala niya siguro bata pa si liyah! unang kita ko pa lang sayo alam ko na may something ka sa anak ko!" Nakangiting sabi ng nanay ni aaliyah.

"Huh!! Sinong manliligaw kay ate!!" Lumabas naman mula sa tingin ko ay kusina si andrew may dalang baso na may laman na juice.

"Sa tingin ko po alam niyo na ang pinunta ko. Mag papaalam lang po sana ako aakyat po ako ng ligaw kay aaliyah. Wala siyang alam sa ginagawa ko kaya wag niyo po sana siyang sisihin. Totoong mahal ko po siya kaya po kahit po ipagtabuyan niyo po ako handa po akong ipaglaban siya. Nirerespeto ko po ang desisyon niyo." Salaysay ko.

Ngiti (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon