Dalawangpung kaligayahan

26 12 0
                                    

Bugnot na bugnot akong pumasok. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako kay Kristopher. Pagkatpos ko siyang tulungan nung na sprain siya ganito lang igaganti sa akin.

Pamiss-miss pa na lalaman!! Miss-missin ko mukha niya eh!!

"Bakit na kabusangon ang mukha mo?" Napatalon naman ako sa gulat.

"I-ikaw p-pala frangco" utal na saad ko.

"Nitong mga nakaraang araw napapansin ko na parang umiiwas ka sa akin" puna niya at sumabay sa akin sa paglalakad.

"Ahh-ehh- madami kasing ginagawa nitong mga nakaraan pasensiya ka na frangco" sinungaling ka aaliyah!

"Ganun ba wag ka sana mailang dahil lang doon mag kaibigan pa rin naman tayo diba?"

Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

"Kahit na matagal mag aantay ako sa sagot mo.. Ahh eto nga pala chocolate cake napadami kasi yung pag bake ni mama kaya naisip ko na dalhan ka." Paliwang nito. Kaagad ko naman kinuha sa kaniya ito.

"Maraming salamat siguradong masarap ito!" Masiglang sabi ko.

"Sige alis na ako may training pa kasi kami." Paalam niya.

"Wag ka masiyado sa soccer mag focus baka mamaya mapabayaan mo ang pag aaral mo at isa magiingat ka!" Paalala ko sa kaniya.

"Oo naman hindi ko makakalimutan yun ma'am" kinurot niya saglit ang pisngi ko at tumakbo papintang soccer field.

Paano ko kaya ito sasabihin kay Valerie? Siguradong magagalit at malulungkot siya sa akin.

Ayoko masira ang matagal nilang pagkakaibigan dahil sa akin.


Habang papunta ako sa silid aralan. Naririnig ko mga mumuting tilian ng mga babae. Ano meron? Bakit ang ingay?

Naningkit ang mata ko ng makita ang isang lalaking nakasandal sa pader sa labas ng silid aralan.

Anong ginagawa ng lalaking ito sa labas ng klase namin?

Talaga bang hindi mabubuo ang araw niya ng hindi niya ako naiinis!!

"Babae nandyan ka na pala!" Salubong niya sa akin ng makita niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?!" Inis na sabi ko sa kaniya.

Inilahad naman niya sa akin ang isang kahon. Laman nito ay chocolate.

"Anong gagawin ko dyan?" Pagtataray ko.

Kinuha niya naman ang kamay ko at nilagay ito doon.

"Iyan! Pinabibigay sayo ni jacob! Sabi niya ibigay ko daw sa iyo iyan pero wag ka maingay na alam mk na kung sino ang nagpapabigay ah!"

"Hindi ko ito matatanggap" ibabalik ko sana ito sa kaniya pero lumayo siya sa akin

"Tanggapin mo na lang sayang naman iyan napagod din ako pupunta dito tapos di mo kukunin yung binigay nga sayo na cake ni eman kinuha mo!" Reklamo nito.

"Sinusundan mo ba ako?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Asyumera ka din pala hindi kita sinusundan nag kataon lang nung mapadaan ako sa inyo nagbibigay si eman ng cake" Dahulan niya. Ano bang napasok sa isip mo at tinanong mo iyon? Mali ka naman dapat ang tinanong mo bakit mo alam?! Ang syunga ko talaga!

"A-ah sige papasok na ako may klase pa ako! Umalis ka na bago mag init ang ulo ko sayo!" Saad ko at tumakbo sa loob ng classroom.

Nang nakapasok ako sa silid hindi pa ako nakakaupo ng dumugin ako ng samot saring mga tanong. Ano yan? Artista lang ang peg!

Ngiti (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon