Nawawalang kabanata1

25 8 0
                                    

Francisco Emanuel

(Matapos ang paguusap namin at pagkakabati sa restaurant)

Laking pasasalamat ko na kahit na malaki ang kasalanan ko kay liyah tinanggap niya pa rin ako.

Oo totoo yun ginamit ko siya nung una para pagselosin si Valerie pero ngayon totoo na ang nararamdaman ko sa kaniya mahal na mahal ko na siya. Napagtanto ko na sobrang mali ang ginawa ko maling mali yung dumating sa punto namawawala na ang mga kaibigan ko at mahal ko.

Ngayon na kauwi na sila kaming dalawa na lang ang naiwan ni liyah di pa kasi siya nakauwi dahil naghahanap siya ng masasakyan. Nilapitan ko siya kahit nag aalangan ako.

"Liyah maaga pa naman mag lakad lakad muna tayo. Pangako ihahatid kita pagkatapos may sasakyan naman ako." Aya ko sa kaniya.

"Sige ba hindi na tayo nakakapag usap nakakamiss din ang kakulitan mo" ngumiti siya sa akin na para bang gaya ng dati na walang problema.


Naglakad lakad lang kami dito sa daan madaming mga tao ang naglalakad din may iilan ilan din nasasakyan na nagdaraan.



"Salamat" nasabi ko na lang. Napatingin naman siya sa akin.

"Salamat saan?" Naguguluhang tanong niya.

"Sa lahat"

"Okay ka lang ba? Ikaw ba iyan? Bakit ang seryoso mo ata ngayon? Hala baka nakuha si frangco ng alien at iba ang kaharap ko ngayon?!" Natawa naman ako.

"Hala bakit mo ako tinatawanan?!"


"Ang cute mo kasi" nangunot naman ang noon niya.


"Ang lakas mo mambola nako!" Hinapas niya pa ako sa braso.

"Pinupuri ka na nga ayaw mo pa!"

"Ewan ko sayo frangco kumain ka lang naging ganyan ka na. Pero salamat kung sino man ang sumapi sayo" napangiwi naman ako lagi na lang siyang ganyan sakin.

May nakita naman akong nagbebenta ng sorbetes.

"Gusto mo ng ice cream?" Alok ko.

"Oo ba basta libre mo!"

Binilhan ko siya ng paborito niyang flavor ng ice cream ube. Ako naman chocolate.

Nang mabigay ko sa kaniya ang ice cream kaagad niya naman ito nilantakan. naupo kami sa isang upuan dito sa tabing kalsada.

habang kumakain siya nakatingin lang ako sa kaniya na maganang kumakain nakakatuwa siyang pagmasdan nalala ko sakaniya noon si Valerie mahilig din sa ice cream kaso ang kalat niya kumain kaya ayun lagi ko pinupunasan ang bibig niya gamit ang paniyong dala ko natitigilan siya pagginagawa ko iyon. minsan naiisip ko minahal ba talaga ako ni valerie?

oo  minahal niya nga ako kaso hindi ko iyon naramdaman, minahal ko rin naman siya.... mahal na mahal yung aabot sa puntong kayo ko kalimutan ang kaibigan ko para sa kaniya. sa totoo lang hindi ako naniniwala nung sinabi niyang mahal niya ako na minahal niya ako. paano ako maniniwala kung ang ginawa niya lang naman nung panahong mahal ko pa siya ay ipagtabuyan ako. siguro ay hindi kami para sa isa't isa simula nung minahal ko siya wala ng ibang nangyari sa kundi gulo at away minsan nakakapagod na. oo nakakapagod na nakakasawa kaya minabuti ko na lang bumitaw na.

Ngiti (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon