dalawangput walo

20 10 0
                                    

Umgang umaga naririnig ko ang pagtatalo ni mama at papa tungkol sa nabasag na baso ng kapatid kong si andrew pano ba naman kasi hindi natingin sa dinadaanan nasagi yung baso kaya ayun basag. Eto naman si mama siya ang naglinis ng baso eh kaso si mama hindi nag iingat kaya iyan nasugatan at dahil nasugatan si mama si papa ayun nagkandarapa dahil reyna niya daw si mama at ang reyna hindi dapat hinahayaan na masugatan at dahil nga nagkarapa si papa hindi niya alam ang gagawin ayun hindi niya naasikaso kaagad si mama. Parang mga ewan lang.

"Masakit! Dahan dahan naman sa panggagamot! Baka ikaw pa pumatay sa akin!" Bulyaw ni mama kay papa.

"Sorry naman bakit hindi ka kasi nagiingat. Kawawa naman ang kamay ng magandang asawa't reyna ko." Ang corny. Nakakasuka ang aga-aga si mama naman agad namula ang mukha ng hipan ni papa ang daliri niya. Parang mga dalaga't binata.

"Ehem-ehem" nakakahiya naman di ba nila nakikita may tao dito.

"Oh anak gising ka na pala diba ngayon yung umpisa ng trabaho mo bilisan mo na magasikaso ka na at baka mahuli ka idaan na kita sa clinic baka kasi maligaw ka." Ginawa pa akong bata ni mama.

"Mama diba dapat ako nagsasabi sa inyo na mag ayos na mahuhuli na kayo parehas ni papa di pa po kayo naliligo." Saad ko.

"Hala oo nga tapos itong tatay mo di pa rin naliligo" tumingin siya kay papa. At ito namang si papa may makahulugang ngiti habang nakatingin kay mama.

"Ohh? Anong tingin iyan?" Nagtatakang tanong ni mama.

"Bakit di na lang tayo sabay maligo?" Wahhh!!

Kaagad siyang binatukan ni mama.

"Aray ko naman! Suwesyon ko lang naman yun eh! Grabe ka sakin ako na nga itong nag mamalasakit dahil mahuhuli na tayo!" Inis na sabi ni papa habang hinihimas ang binatukan ni mama.

Pero pakipot lang pala si mama.

"Ikaw naman kasi....binibigla mo ako.." Pabebeng wika ni mama.

Ay bweset kay aga-aga!!

"Tama na iyan mama at papa di na kayo nahiya sa amin!!" Sigaw ni andrew at may patakip takip pa ng tenga.

"Kadiri!" Sabi ko na lang at pumasok ng kwarto. Di ko na kakayanin ito okay pa yung seryoso at strikto sila wag lang yung ganito! Mababaliw ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
At pag katapos ng kalahating oras. Nakaalis din kami!

"Uyy andrew ikaw lang magisa dito kapag aalis ka naman ikandado mo ang pintuan." Bilin ni mama.

"Opo...opo.. Alam ko po kanina ka pa po paulit ulit. Kabisado ko na po." Tamad na sabi ng kapatid ko.

"Basta wag magpapasok ng di kilala. Ikandado ang pinto. Kumain ka may pagkain dyan." Sabay na sabi ni andrew at mama. Hahaha kabisado talaga ng kapatid ko kung sabagay kanina pa talaga paulit ulit si mama.

Kaylan ba kami makakaalis?

Nang maihatid ako ni mama umalis din siya kaagad dahil mahuhuli na siya sa trabaho. Ang pagtratrabahuhan ko ay klinika para sa mga bata.

Pumasok ako kaagad at nakita ko kaagad ang doktora. Nagpakilala siya siya si doktora sanya ang bait niya at ang ganda ganda. Naka kwentuhan ko din siya habang nag tratrabaho nalaman ko na malapit na siya magpakasal. Nakakatuwa dahil inimbitahan niya ako diba mag kaibigan na kami kaagad.

Napukaw ang atensyon ko sa isang bata na umiiyak. Sa lahat ng bata ngayon siya lang ang nakita ko na umiyak.

"Mama takot po ako sa injection.. Ayoko po!" Takot na takot na sabi  ng batang babae sa kaniyang ina.

Naalala ko ang sarili ko sa kaniya nung unang punta ko din sa doktor ganyan na ganyan di ang reaksyon ko tungkol sa injection.

"Anak kaylangan iyon para gumaling ka" inalo siya ng kaniyang ina pero di parin ito tumigil. Kaya naisipan ko lumapit dahil siya na din ang susunod.

"Hello baby girl anong pangalan mo?" Tanong ko.

"Vibvien"

"Wow vibvien ang gandang pangalan. Ako naman si ate aaliyah pero pwede mo akong tawaging ate ali. Wag ka na umiyak. Narinig ko na takot ka sa injection. Wag ka matakot parang kagat lang ng langgam iyon. Saglit lang iyon." Nakita ko ang hawak niyang laruan.

"Paborito mo si sailor moon. Ang ganda naman niyan ako din paborito ko din si sailor moon kasi wala siyang kinakatakutan. Kaya dapat ikaw din dapat matapang ka. Wag ka matakot isa pa nandyan ang mama mo para protektahan ka. Para din sa ikabubuti mo ang injection. Gagaling ka at lalakas. Ayaw mo ba nun di ka na mahihirapan."

"Gusto po." Nginitian ko siya at pinunasan ang mga natirang luha sa mukha niya.

"Mama wag mo po ako iiwan ah" niyakapan niya ang mama niya. Tumingin naman ang mama niya sa akin at sinabing. "Maraming salamat." Tinanguan ko naman siya.

"Sige na po pasok na po kayo. Si vibvien na po ang susunod." Pumasok sila kasunod ko.

At dahil matapang si vibvien naging okay ang pagturok sa kaniya.

"Hindi naman pala masakit tama ka nga ate ali! " nakangiting saad ni vibvien.

"Sabi ko naman sayo at dahil very good ka may little gift ako sayo ito." Binigyan ko siya ng lollipop.

"Yehey! Salamat ate ali!" Nagulat ako ng niyakap niya ako gumanti din ako ng yakap sa kaniya.

"Aalis na po kami doktora sanya. Salamat. Ali maraming salamat din. Halika na dito vibvien. Magpaalam ka na kay ate ali"

"Bye ate ali. Maraming salamat!" Kumaway siya sa akin.

Hinawakan ako sa balikat ni doktora sanya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Napakagaling ng ginawa mo ali. Pwede ka na maging doktor!"

"Hahaha salamat po napakabait po na bata ni vibvien. Naalala ko sa kaniya ang sarili ko kanina nung umiiyak siya." Natatawang saad ko.

"Pwede kita irekominda sa ibang hospital! Siguradong madaming kukuaa sayo kasi ang galing galing mo!" Masiglang sabi niya.

"Naku hindi naman po.." Nahihiyang wika ko.

"Sus pa humble ka pa" siniko niya ako at kinindatan pumasok na ulit siya sa loob.




Matapos ang nakakapagod na araw. Nakauwi na ako sa bahay. Nadatnan ko sila mama, papa at kapatid ko na nanobood ng t.v

"Ginabi ka ata" bungad ni papa kaagad naman ako nag mano sa kanila at naupo.

"Kamusta naman ang unang araw anak?" Tanong ni mama habang kumakain ng chitchirya.

"Masaya po ang bait po ni doktora ganundin ng mga pasente niya!" Masayang sabi ko.

"Talaga ate buti wala kang napaiyak na bata doon." Pangaasar ng kapatid ko.

Sa inis ko hinagis ko sa kaniya yung unan sa sopa at ayun kapul.

"Nakakainis ka! Panira ka! Syempre wala akong pinaiyak doon. Ang sama mo talaga sakin! MAHAL KONG kapatid." Inirapan ko siya at sumimangot.

"Kaylan ba kayo magkakasundong dalawa lagi na lang kayo nag aaway" saad ni papa

"Ewan ko ba dyan sa mga anak mo pinalaki naman natin ng tama iyan. Pero parang feeling ko nagkulang pa ata tayo sa pangabgaral sa kanila.." Pagdradrama ni mama.

Nagakatinginan kami ng kapatid ko.

"MAMA DI BAGAY!" sabay na sabi namin ni andrew.

"Psh. Akala ko pa naman tatalab" maktol ni mama.

Napatawa na lang kami.

------------------------------------------------------

2:19pm

Sunday, October 28, 2018

-Majoy

------------------------------------------------------

Ngiti (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon