V & F

40 8 0
                                    

(Valerie Montfort)

Hanggang ngayon sariwa parin sa alaala ko ang pangako namin noon ang ganda naman talaga ng bitwin dito gustong gusto pumunta dito ni eman dati. Siguro kong hindi kami nagkaproblema noon masaya kaming magkasama ngayon at nakatingin sa kalangitan. Malamig dito kaya nakamakapal ako na jucket. Ang saya saya ko. Maya-maya hindi ko na napigilan ma umiyak.

"Bakit ba kasi ang sakit-sakit isang beses lang naman ako nagmahal pero bakit ganito?!" Sigaw ko.

"Bakit ba hindi na lang kami?!! Ang TANGA ko kasi pinalaya ko siya. Masaya na tuloy siya ngayon sa iba tapos ako nasasaktan dapat pala ipinagdamot ko na lang siya noon noh!! Potek naman kasi masiyado ako mabait!! Hiniwalayan ko siya sinaktan ko siya para sa ikabubuti niya!! Ayoko magaya siya sakin!! Potek na yan!!" Hinalungkat ko yung bag ko. Mabuti na lang at may dala akong alak siguradong magiging masaya ito.

"Ngayon magsasaya ako. Nasaan na ba iyon? Bakit ba kasi andami kong gamit na dala?" Pinanlabas ko ang gamit ko kaya naman pala mabigat kasi ang dami kong anik anik.

"Ayun nakita din kita nandyan ka lang pala sa pinakailalim." Nilabas ko ito.

"Saya-saya talaga ng buhay!!" Bubuksan ko na sana iyon ng umagaw sa akin at tinapon ito paibaba ng bundok.

"Ano ba naman iyan sayang naman iyon!! Minsan lang ako maginom tinapon pa!!" Himarap naman ako sa taong iyon.

"Ikaw!!!" Napahinto ako sa panduro sa kaniya ng makita ko si emanuel ito!! Syete paano niya nalaman na nandito ako!! Wala akong pinagsabihan kung nasaan ako!!. Hala baka narinig niya yung mga pinagsasabi ko kanina nakakahiya.

"Anong ginagawa mo dito??" Gulat na gulat ma tanong ko.

"Nandito ako para pakasalanan ang taong mahal ko." Naluha naman ako ano ba yan kaylangan pa talagang ipamukha sakin na may iba na siya. Kita naman niya na nasasaktan ako.

"Congrats sayo!! Masaya ako para sa inyo ni heril.. sige aalis na ako" aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya at hinalikan niya ako. Nakakadala ang halik niya. Miss na miss ko na siya. Miss ko na itong halik niya. Miss ko na ang lahat sa kaniya. Di ko mapigilan mapaiyak huli na ito kaya susulitin ko na hinalikan ko din siya pabalik.

Matapos iyon ay hingal na hingal kami.

"Alam kong hindi mo sinasadiya iyon-

"Hindi sinandiya ko yun valerie. Nandito ako dahil mahal din kita. Ikaw lang ang mahal ko at ikaw lang ang papakasalanan ko! Wag mo na ako ipagtulakan pa palayo sayo alam ko na lahat! Hayaan mo na manatili lang ako sa tabi mo habang buhay kahit mahirap basta nandito ka sa tabi ko kasi hindi ko na kaya na wala ka ng iwan mo ako nahirapan ako bumalik sa dati hanggang ngayon hirap na hirap pa rin ako kasi wala ka sa tabi ko."

"Paano si heril?" Wag kang ganiyang eman baka agawin kita kay heril at di na kita ibalik. Mali man pero gagawin ko iyon.

"Valerie walang kami ni heril wala akong girl friend kasi simula ng nakilala kita sayo lang itong puso ko ikaw lang wala ng iba ang makakapalit sayo dito." Napayakap na lang ako sa kaniya.

"Mahal na mahal kita eman noon pa man!!" Sobrang saya ko ngayon. Bigala naman may nagsiputukan sa langit tinignan ko ito iba't ibang liwanag. At hindi ko alam kung paano nangyari iyon nag create sila ng words at ang nakalagay.

Ngiti (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon