V & F

11 6 0
                                    

(Valerie Montfort)

Masaya ako makita ka muli Emmanuel. Masaya ako na maganda na ang buhay mo ngayon na hindi ako kasama. Gusto sabihin sayo na mahal na mahal pa rin kita pero wag ka magaalala di kita aagawin kay heril. Gusto ko lang talaga ito sabihin sa huling pagkakataon at never mo na ulit ako makikita pa muli. Gusto sabihin iyong mga kataga na iyon pero hanggang sa isip ko na lang.

"Ahh hindi na ako magpapaligoy ligoy pa nandito lang ako para ibigay sayo ang paniyo. Madami kasi akong gagawin ngayon." Paliwanag ko at iniabot sa kaniya ang paper bag.

"At may isa pa akong ibibigay sayo bago ako umalis." Kinuha ko ang malaking box na dala ko at nilagay ko sa table. "Nasasayo kung itatapon mo o hindi ang laman ng box na iyan. Maraming salamat sa lahat." Tumayo ako at hindi ko siya hinayaan na magsalita. Tinakbo kung saang kotse nakaparada ang kotse ko ng makapasok ako kaagad ko itong pinaharurot paalis.

Pagdating ko sa bahay ng masarado ko ang pintuan kaagad ako napaupo sa sahig. Iniiyak ko lahat-lahat.

Kinabukasan mugto ang mata kong bumangon sa kama nagkalat ang ilang bote ng alak sa kwarto. Nagpakalasing ako kagabi ang totoo niya hindi ko ugali mag inom nag iinom lang ng alak pag malaki ang problema ko gusto ko lang malimutan ang problema ko kahit sandali lang kaso hindi ito tumalab kagabi. Kaya ngayon mugto na nga ang mata ko masakit pa ulo ko. Bigla naman may tumawag sa cellphone ko kaya pasuray suray na lumapit ako sa mesa kung saan nakalagay ang cellphone ko.

Nakita ko na tinatawagan ako ni mommy pinatay ko na lang ang tawag niya. Pagkapatay ko bumungad sa akin ang sandamakmak na massage di na ako nagabala tignan kung kanino galing iyon. Tinawagan ko na lang si Disnie kaagad naman siya na sumagot.

"Disnie lahat ng schedule natin sa mga kliyente natin wag mo na ituloy tapos yung mga gown na order satin lahat nagawa ko na ibibigay mo na lang pagkatapos magbakasyon ka muna di ko muna bubuksan ang shop may mahalaga akong pupuntahan." Deretsong sabi ko.

"Okay po ma'am. Ahh.. ma'am may tanong lang po ako.."

"Sige lang sasagutin ko." Tugon ko.

"Ahh... Ma'am may problema po ba ikaw??  Basta po pag di mo na po kaya lagi mo alalahanin nandito lang po ako para sayo." Napagaan niya onti ang kalooban ko dahil sa sinabi niya.

"Salamat disnie.. tatawagan na lang kita kung kaylan ulit tayo magbubukas pero sa ngayon hindi na muna ako tatanggap ng kahit anong magpapagawa pero may sahod ka parin wag ka magalala. Saglit lang naman ako mawawala kaylangan ko lang pumunta sa isang malayong lugar." Napangiti naman ako ng maisip ko kung anong lugar ang pupuntahan ko.

"Magiingat po ikaw ma'am maging masaya sana po ikaw sa pupuntahan mong lugar. Wag mo po kakalimutan ang pasalubong ko ah."

"Oo sige baba ko na mag iimpake pa ako ng gamit ko. Bye."

Pagkababa ko ng cellphone ko. Kinuha ko ang maleta ko at nilagay doon ang mga gamit ko. Madami akong dinala kasi feeling ko magtatagal ako sa lugar na iyon.

Napatingin ako sa plain ticket ko mabuti na lang nakahabol pa akong bili nito nung isang araw. Alam kong nagako ako sa kaniya na pupunta doon ng hindi magisa pero siguro ganon nga talaga hindi lahat ng pangako natutupad.

Pagkababa ko ng taxi kaagad ako na pumunta sa baggage station kung saan kinikilo yung mga bag niyo at tinitignan ang plain ticket ko tapos  papasok ka na eroplano. Nang matapos kiluhin ang bag ko pinapasok na kami ng eroplano hinanap ko pa ang sit ko na medyo nasa dulo ng bahagi ng eroplano.

Masaya naman ang buong biyahe kaya nakarating ako kaagad. Sumakay pa ako ng taxi ng makalabas akong eroplano patungo sa lugar kung saan ako mananatili. Nakahanap na kasi ako ng appartment bago ako pumunta dito na pansamantala ko tutuloluyan. Pagdating ko deretso ako sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame.

Estril City ito ang minsan namin pingarap na puntahan ni eman nung kami pa. Kasi doon sa lugar na iyon kita ang mga star yung parang sobrang lapit mo lang dito. Gusto ko akyatin yung bundok doon na tinatawag na hera mataas daw ito at sobrang ganda ng tanawin doon. Minsan namin na pingako sa isa't isa na sabay kami pupunta doon pero hindi na mangyayari yun kasi ako na lang ang aakyat doon. At pagnaakyat ko yun ang una kong gagawin sisigaw ako iiwan ko doon lahat ng pagmamahal ko para sa kaniya yun na lang ang tanging paraan para tuluyan na ako magising sa katotohanan at kalimutan ko ma siya.

Ilang milya lang ang layo ko doon sasakay lang ako ng isang beses tapos nandoon na ako sa estril kasi ngayon kasalukuyan ako nasa oxfort city dito muna ako mamalagi hanggang bukas ng umaga kasi aakyat kasi ako agad ng bundok kinabukasan eh. Sobrang excited ako para bukas.

At dahil sa labis na pagod nakatulog ako.

Kinabukasan kaagad ako na nagayos sobrang maayos ang tulog ko. Naligo ako at nagalmusal pagkatapos ay umalis na din ako ayoko na magtagal. May piyesta din kasing magaganap sa estril kaya suguradong masaya yun.

"Eneng bilhin mo na ito bilhin mo na itong kwintas sweswertehin ka sa pagibig pag binili mo ito." Napatingin naman ako sa matandang nakaupo lang sa gilid ng daan. Nandito na ako sa estril lahat ng tao ay nagsasaya nag kalat ang nagbebenta ng pagkain at kung ano pa. Nagkalat din ang mga palamuti at mga tao na dumayo at tumitingin tingin.

"Nako po hindi po ako naniniwala sa ganiyan." Pagtanggi ko. Nakangiti siya sakin mukha siyang pulubi dahil sobrang dumi ng damit niya.

"Ikaw talaga na bata ka tanggapin mo na ito." Ibinigay niya sa akin ang kwintas gold ito na heart shape mukhang simple lang pero sa tingin ko mamahalin ito dahil sa diamond nito sa gitna. "Wag na po mukhang mamahalin ito." Pagtanggi ko pa.

"Regalo ko na iyan sa iyo kasi nalalapait na ang kasal mo. Nandyan lang sa tabi mo ang makakasama mo habang buhay wag mo na siya ipagtulakan pa palayo." Napahinto ako sa sinabi niya hindi ko siya maindindihan ano ba siya manghuhula.

"Sige na aalis na ako magiingat ka." Hindi ko namalayan na kalayo na pala siya sa akin at hawak ko pa rin ang kwintas na ibinigay niya. Hahabulin ko sana siya para ibalik itong kwintas kaso bigla siya nawala.

Si manang talaga..

---------------------------------------------------------

11:00 am

June 18, 2019

-marjovioleta11

---------------------------------------------------------

Ngiti (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon