labing-walong kaligayahan

21 12 0
                                    

Habang hinihilot ko ang paa ni Kristopher nakatingin lang ito sa akin kaya naiilang ako sa kaniya.

Bakit ganiyan naman siya makatingin sa akin?? Hindi!! Wag ka asuymera Aaliya sa paa niya ito nakatingin hindi sa akin.

"Wala ka bang pasok?" Takang tanong nito sa akin.

"Ahh.. Meron kaso ayaw kita maiwan mag isa dito." Sabi ko at hinilot parin ang paa niya.

"Yieee.. Bait bait mo naman."

"Sus dati pa ako mabait sama lang talaga ng ugali mo kaya nasusungitan kita. At isa pa binabayaran ako ng paaralan kaya tungkulin ko na pangalagaan lahat ng estudyanteng may sakit." Simpleng sabi ko.

Napatango naman siya sa sinabi ko.

"Aray! Aray! Masakit dahan-dahanin mo naman ang paghihilot! Pag iyan namaga malalagot ka talaga sa akin!" Nakangiwing saad niya sa akin.

"Sus! Arte mo!" Inis na wika ko.

"Wait... May na aalala ako.." Kumunot ang noo nito at tumingin sa akin.

"Bakit ano bang naalala mo?" Tanong ko.

"Yung pangalan mo kasi parang pamilyar sa akin..."

"Paanong pamilyar?"

"Alam ko na!" Pinaningkitan niya ako ng mata.. "Ikaw yung laging nag susulat ng article tungko sa sports at kadalasan mo isulat ay tungkol sa soccer!!" Binigyan niya naman ako ng mapaglarong ngiti.

"Ano?!" Inis na sabi ko.

"Siguro may gusto ka talaga sa akin at kaya ka sumali sa journalism dahil madalas mo ako makikita.. Ganun ba!!"

Wahhhh!! Nabuko niya ako nabuko niya ako!! Pano ko ba ito malulusutan!! Hindi pwede!! Itanggi mo maging masungit ka!!

"Wow!! Ang kapal mo talaga!! Gusto ko na talaga dati pa ang pagsusulat kaya sumali ako sa pagiging journalist!!" Pagkasabi ko noon ay umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko para itong nakikipagkarerahan sa loob.

"Sus! Palusot ka pa! Sa gwapo kong ito di mo ako mapapansin!! Ehh halos lahat nga ng article mo laman ay ako!!" Mayabang na saad niya.

"Hahaha!! Hangin!!" Umakto pa ako na pumapaypay. "Syempre ikaw lagi ang star player kaya lagi ka talaga nandoon!! Hindi pogi ang hanap ko!! Yung may utak!!"

"Ok.. May utak din naman ako" pabulong na sabi niya pero rinig ako.

"Anong sabi mo?!"

"Wala!! Itatanong ko lang sana kung anong gusto mo sa lalaki?!"

"Gusto mo talaga ng sapak!! Lakas ng trip mo!!" Galit na sabi ko kahit deep in side kilig na kilig talaga ako. Nako po wag ka mahuhulog aaliyah siguradong paasa lang ang isang ito at gusto lang makuha ang loob mo.

"Eto naman seryoso ako si-si si JACOB oo si jacob nga may gusto sayo kaya pinapatanong niya kung ano gusto mo sa lalaki?!" Kunot noo ko siyang tinignan. "Uyy wag mo sasabihin na sinabi ko sayo baka magalit iyon sa akin!" Bulong na sabi niya.

"Bahala ka sa trip mo.. Ang gusto ko sa lalaki yunh hindi nanakit ng babae, matalino, hindi basagulero, hindi gwapo at hindi rin panget, may sense of humor kapag kinakausap! Higit sa lahat hindi masiyadong PDA! Iyan ok na ba?!"

"AY ang harass mo naman.. Uyy wag mo sasabihin kay jacob ah." Dahan-dahan ako tumayo at inilagay sa upuan ang paa niya.

Lumapit ako sa lababo at naghugas ng kamay. Di naman ako maarte pero amoy langis ang kamay ko at malagkit kaya nag hugas ako.

Ngiti (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon