ika-apat na kaligayahan

41 11 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong gumayak papunta ng paaralan. Pag katapos ko ihanda ang sarili at mga aking gamit ay agad akong lumabas ng kwarto at nagpaalam sa aking kapatid, mama at papa.

"Ma!pa! Aalis na po ako!" Paalam ko ar humalik sa kanilang mga pisngi.

"Magalmusal ka muna liyah bago pumunta na school!" Alok ni mama

"Hindi na po ma! Nagmamadali po ako. Doon na lamang ako magaalmusal sa school. Mahuhuli na po kasi ako sa aking klase. Sige po aalis na po ako."

"Magiingat ka anak" bilin ni papa

"Opo" dali-dali akong tumakbo at lumabas ng bahay.
Pumara agad ako ng jeep at sumakay.

Pagdating ko sa school kaagad akong sinalubong ni Marice

"jen! Good morning!" Sigaw niya kaya napatingin sa kaniya ang dumadaan. Nakangiting lumapit ako sa kaniya. Nasanay na ako sa boses niyang parang nakalunok ng microphone sa sobrang lakas.

"Good morning din" nakangiti kong bati. Sumabay naman ito sa aking paglalakad.

"Jen alam mo ba dumating si eman sa bahay kagabi sabi niya dito na daw siya magaaral" kwento ni marice

"Si frangco! Nasaan na siya? Nakauwi na siya galing Europe!" Gulat na sabi ko

Si fransisco emanuel castelion siya ang seatmate ko nung unang tapak ko dito sa paaralan na ito. Siya din ang una kong naging kaibigan sobrang bait niya lagi niya ako tinutulungan sa mga lesson at sa mga project ganun din ako sa kaniya kaya sobrang napalapit din ako sa kaniya. Tatlong buwan lang kami nagkasama dahil umalis siya sa IU para pumunta ng europe at doon mag-aral ng medisina. At oo nga pala pinsan ni marice si frangco. Tinatawag pala siyang eman pero mas gusto ko na tinatawag siyang frangco nakasanayan ko na din siguro.

"Kagabi lang siya dumating. Nagulat nga ako. Tapos sabi niya dito na lang daw siya mag-aaral. Baka nga maging kaklase mo siya"

"Che! Wala na akong pake sa kaniya pagkatapos niya umalis ng walang pasabi babalik balik siya na parang walang nangyari. Di niya ba alam na nagaalala ako sa kaniya! Isang linggo siya umabsent tapos! Malalaman ko nasa europe na pala siya!" Inis na sabi ko.

"Ay grabe siya! Matagal na iyon girl hanggang ngayon inis ka parin sa cousin ko."

"Sige na aalis na ako pupunta pa ako sa journalism room alam mo naman malapit na magsimupa yung club lunching syempre isa ako sa mga gagawa ng article" paalam ko.

"Sus! Umiiwas ka lang...... Sige na alis na din ako may klase pa ako"

Naghiwalay na kami at agad akong nagtungo sa journalism room agad kong nakita si kelly na nagtitipa sa computer board. Nagsusulat nanaman siguro siya. Kelly Montfort ang presidente ng club namin. Maganda naman si kelly kaso nahaharangan ang mukha niya ng mahaba niyang bangs at malalaki niyang eye glasses mayaman din ang pamilya niya. Mahiyain ito kata madalas na tahimik.

"Magandang umaga kelly!!" Bati ko sa kaniya at naupo sa tabi niya.

"A-ahh G-good m-morning" utal na sabi niya.

"Ano ba iyang ginagawa mo? Siya nga pala pinatawag ako ni prof. Nasaan siya?" Tanong ko.

"Wala ito... Si prof jane po ba? Kakaalis niya lang po nagmamadali siya kasi may meeting daw po siya" sagot nito.

"Hala! Sabi pa naman niya sa akin may ipapagawa siya!"

"Meron pong bilin si prof. Sabi niya daw po meron kasi tayong gagawin na mini article na ipapamigay bago ang club lunching at ikaw po ang naatasan na mag cover nito patungkol po ito sa pagpili ng club. Makakatulong ito para malaman ng mga magaaral kung ano-ano ang laman ng bawat club at makapili sili ng maayos at isa din po ay medyo magikayat din po ang ibang magaaral na sumali sa club natin." Napatango tango na lang ako sa mga sinabi niya.

"Wahhhh!! Talaga!! Sige magsisimula na ako ngayon kaylan ko ba ipapasa? Bukas ba? O sa sunod na araw?"

Andami ko nanaman blessing!! Maraming salamat kay lord! Lalabas nanaman ang pangalan ko sa isang article hahaha sa totoo lang onti lang ang miyembro ng club namin wala pa kaming bente kaya halo halo ang ginagawa namin kadalasan kasi na sinasalihan ng mga estudyante ay kung saan kasali ang mga sikat na estudyante. Ilang taon na dib ako kasali sa journalism kaya bihasa na ako at isa pa hobby ko na talaga ang pagsulat at pagbabasa gusto ko din ang pagkuha ng larawan . sa mga dyaryo na ginagawa namin lagi special mention ang pangalan ko kahit di ako kilala sa mukha kilala ang pangalan ko sa buong paaralan sa paggawa ng magagandang article. Pag naglalabas kami ng dyaryo ng school laging sold out dahil na din siguro nandoon ang mga article ng mga kilalang estudyante dito sa paaralan.

"In 2 days po kaylangan mo matapos iyan kasi kaylangan na po iyan sa Thursday para sa Friday na ipamigay na po iyan ni carlo at dan kasi po sa monday ang club lunching." Paliwanag ni kelly

"Maraming salamat! Pahiram muna ako ng camera! Ibabalik ko na lang mamaya!" Paalam ko at lumabas

Paglabas ko ay agad ako nag libot sa boong school para makakuha ng magagandang litrato ng mga magaaral.

*click*click*click*

Haggang napunta ako sa filled. Kung saan may mga puno at madaming bench kung saan  madaming estudyante ang tumatambay. Napangiti ako dahil sobrang aliwalas ng panahon, napakapresko ng hangin.

Naeengganyo ako kuhaan ng litrato ang magandang tanawin kaya hinawakan ko ang kamera na nakasabit sa leeg ko at ipinusisyon ko ito. Kita ang malawak na filled na parabang kalapit lang ng langit. Umurong ako onti para sakto lang ang layo kaso di ko alam na may bato pala kaya sa natisod ako ipinikit ko ang mata ko siguradong sobrang sakit ng pagkakabagsak ko inantay ko na bumagsak ako.

1
2
3
4
5

Bat ang tagal ko naman ata bumaksak. Idinilat ko ang mata ko at unang sumalubong sa akin ang isang sobrang gwapong mukha ni kristopher ANO?? Kristopher!!!!

Nataranta naman ako. Agad ako lumayo sa kaniya

"Nako pasensya na Hindi ko sinasadya...pasensya na talaga" nakayukong sabi ko nakakahiya ako.

"Ok lang"

"Pasensya talaga sige aalis na ako" paalam ko ng hindi tumitingin sa mata niya agad akong tumakbo.

-----------------------------------------------

9:14pm

Monday, August 27. 2018

-majoy

------------------------------------------------

Ngiti (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon