Dalawangput anim

30 10 0
                                    

Tahimik lang ako na nakaupo sa upuan ko katabi ko si rence ayoko ko makasama ang kahit sino sa kanila. Galit ako galit na galit hindi ko matanggap na kinaibigan lang ako ng dahil doon...

Nahimasmasan na siguro sila. Pilit akong kinakausap ni marice pero hindi ko siya pinansin. Kahit si Frangco at iba pa pero parang hangin lang sila sa akin. Tanging si rence lang ang kinakausap ko.

Pabalik na kami yung mga kasama namin sa bus nunh isang araw di nasila nagbabangayan masaya na sikang naguusap mukhang epektibo ang ginawang aktibidad ng paaralan saamin lang di tumalab. Pero kung hindi ata nangyari itong aktibidad na ito siguro hanggang ngayon mananatili parin akong walang alam.

Pag karating namin sa paaralan sumalubong ang iba't ibang sasakyan. Kaagad ako bumaba ng bus.

"Jen!!" Tinawag ako ni marice pero di ko siya pinakinggan nag tuloy-tuloy lang ako sa pagalis.

Wag muna ngayon.

Pagdating ko sa bahay sumalubong sa akin ang kararating ko lang din na kapatid na si Andrew tinignan ko lang siya wala ako sa mood ngayon makipagasaran sa kaniya. Nagderederetso lang ako sa kwarto at ng makapasok ako sinarado ko aagad ang pintuan at ni lock ito. Pumunta ako sa kama ko at nahiga.

Kumatok naman ang kapatid ko.

"Ate kumain ka na ba? May pagkain dito kung magutom ka man lumabas ka na lang dito. Aalis ako may pupuntahan lang ako." Paalam nito di ko na siya sinagot bala siya. Mabuti na rin na umalis siya ng mapagisa naman ako dito sa bahay.

Buong maghapon lang ako nagmukmok sa kwarto ko. Bigla na lang ako nawalan ng gana sa lahat. Panay tunog nga ng cellphone ko pero pinatay ko kasi lalo ako naiinis. Sa totoo lang kahit na ganun kalaki ang kasalanan nila sa akin hindi ko magawa magalit sa kanila di ko alam kung bakit. Kaya naiinis ako sa sarili ko yung kahit na alam ko naman na sinaktan nila ako ng sobra-sobra hindi ko magawang magalit.

Nagtalukbong ako ng kumot. Matutulog na nga lang ako.




Nalimpungatan ako ng sunod sunod ang katok ang narinig ko mula sa labas ng pintuan. Ano ba iyan?! Kitang natutulog ako pagod na pagod ako sa biyahe.

"Anak! Anak! Sumagot ka! Anong ginagawa mo dyan sa loob! Anak alam kong may problema ka pero nandito lang naman kami!" Narinig ko na parang umiiyak si mama. Anong nangyayari?

"Ate kung hindi ka pa lalabas dyan mapipilitan kaming pwersahang bukasan ito!! Bibilang ako paghindi ka pa pumabas dyan" Ano bang pinaggagawa nila.

"Isa........

Dalawa.....

Tatlo......."

Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nagulat naman ako ng tatlo pala silang nakasandal sa pintuan kaya pag bukas ko lahat kami ay na out of balance.

"Ano ba kasing pinaggagawa niyo? Bakit kayo sumisigaw?" Inis na sabi ko at pinagpag ang damit ko tinulungan ko tumayo ang mama ko.

"He-he-he kanina pa kasi kami anak dito sa labas tinatawag ka para kumain di ka naman sumasagot.." Pakamot kamot sa ulo na sabi ni papa

"Oo nga akala namin kung ano na nangyari sayo pano ba naman kasi itong kapatid mo matamlay ka daw kanina at maghapon nag kulong lang sa kwarto." Saad ni mama.

Napatingin naman ako sa kanila.

"Napagod lang po ako sa camping ko at sa biyahe kaya ganun. At isa pa po mag hapon po ako natutulog lang." Paliwanag ko

"Ito kasing nanay mo masiyangdong negatibo mag isip sinabi lang ng kapatid mo na para kang may problema inisip niya na magpapakamatay ka. Ok naman siya oh masiyado ka lang nagaalala." Saad ni papa

"Hehehe alam mo naman sa panahon ngayon anak masiyadong emosyonal ang kabataan ayoko na maisip mo na walang nagmamahal sayo nandito kami." Na-touch naman alo sa sinabi ni mama. Niyakap ko silang tatlo.

"Bait-bait naman talaga ng mga mama at papa ko pati na rin ang aking kapatid na touch ako. Wag kayo mag alala di naman ako magpapakamatay hahaha!"

"Ate ang sikip di ako makahinga." Reklamo niya. Tinanggal ko naman ang pagkakayakap sa kanila at hinampas sa braso ang kapatid ko. "Panira ka talaga."

"O siya kumain na tayo wag niyo na pagintayin ang pagkain sa hapag." Saad ni papa.

Kumain lang kami tapos natulog na ulit pero syete naman ehh di ako matulog maghapon ako natulog tapos ngayon matutulog nanaman ako. Sobrang likot ko sa kama paiba iba ako ng posisyon pero umabot na lang ng alasdos di parin ako makatulog napatayo ako sa pagkakasalampak sa kama. Ano bang pwedeng gawin ko para makatulog ako.

Nakita ko yung cellphone kaagad ko naman itong kinuha at binuksan. Bumungad naman kaagad sa akin abg tadtad na tawag at call nila. Hays pano ko ba sila haharapin?

From: marice

Jen.... Alam kong galit ka parin sa mga nagawa namin sayo pero hindi ko o namin intensiyon na magtago ng sikreto sa iyo. Tatanggapin ko lahat ng galit mo mapatawad mo lang kami sa mga nagawa naming kasalanan sayo. Gagawin ko ang lahat mabalik lang ang tiwala mo. Totoo lahat iyon totoong kaibigan ang turing ko sayo wag mo sana ako pagdudahan. Makinig ka muna sa amin wag mo sana isarado ang pandinig mo para pakinggan ang aming mga paliwanag. Pasensiya na hindo kita pipilitin kung ayaw mo kami makausap basta kung handa ka na nandito lang kami.


Hays pakikinggan ko naman sila eh kaso hindi muna ngayon. Kaibigan ko pa rin naman sila at taon ang pinagsamahan namin kaya meron parin silang puwang sa buhay ko.

Napatingin ako sa kabinet ko nakadikit doon ang mga larawan namin nila marice, frangco at sa maikling panahong kasama ko si Valerie, jacob, Kristopher meron na din kaming picture doon na magkakasama.




Minsan dumadaan talaga sa buhay natin na magiging kaaway natin ang mga kaibigan natin pero kahit na ganun kung totoo kayong magkakaibigan kahit malaki pa iyang away niyo magagawan niyo ng solusyon magkakasundo kayo. Hindi kawalan ng pride ang paghingi ng paumanhin dito natin na sasabi na takot ka mawala ang importanteng tao para sa atin.

------------------------------------------------------

1:59pm

Saturday, October 06, 2018

-majoy

------------------------------------------------------

Ngiti (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon