Dalawangpu't apat

18 10 0
                                    

Hanggang makarating kami ng camp site ganun lang sila tahimik at hindi nagkikibuan. Naninibago ako sa kinikilos nila.

Nakakainis bakit parang wala ata akong kaalam alam?

Ngayon nakapagbihis na kami merong tatlong tent kaya hinati namin iyon sa amin. Magkasamang matutulog si jacob at frangco sa isang tent. Sa isa naman ay si Kristopher at rence at kaming tatlo ay mag share sa isang tent maliliit naman kami ni Valerie at marice kaya siguradong kasya lang kami doon. Nakita na din namin ang ibang mga gamit na nawala sa kanila. Nagulat nga kami ng pagdating namin ay may isang lamesa na puno ng pagkain pero kahit gutom kaming lahat walang ni isa ang kumain sa halip ay kaniya kaniya kami ng ginagawa si marice ay sumama sa akin mukhang may tampuhan pa sila.

Nasa harap kami ngayon ng pagkain lumubog na ang araw kaya naman ang isang apoy lang ang nagsisilbi naming liwanag.

Tahimik lang sila at hindi nagiimikan. Wala talagang balak magsalita ang mga ito.

"May nililihim ba kayo sa akin?" Takang tanong ko.

Lahat sila ay nakatingin sa akin maliban lang kay rence na tutok sa pagkain.

"Ahh... Inaantok na ako mauuna na ako sa tent ali" paalam ni Valerie at tumakbo agad ito.

"Magpapahangin lang ako" saad naman ni jacob at tumayo.

"Busog na ako jen! Hehehe punta lang ako doon!! Bye!" Tumakbo din pati si marice

Si frangco at Kristopher naman ay tinignan ko.

"May nalimutan pala ako kunin sa bag ko" dahilan ni frangco

"Wala akong kinalaman dyan inaantok na ako matulog na din ako." Humikab ito na ani mo'y inaantok nga.

Napairap na lang ako walang gusto mag salita lahat sila ay nagiiwasan.

"May lihim sila sa akin.." Nasabi ko na lang.

"Totoo mo ba silang kaibigan?" Tanong sa akin ni rence tumingin ako sa kaniya at sinabing.

"Oo"

"Ganun naman pala edi mag tiwala ka sa kaniya." Oo nga tama si rence kung ano man ang lihim nila malalaman ko din iyon dapat magtiwala lang ako sa kanila. Kahit naman minsan ay nagaaway kami nagkakabati din naman kami.

Wala akong nagawa kundi pabayaan na muna silang makapagisip. Bukas na lang siguro kami maguusap.

Kaylangan na lang muna namin itulog ako bukas siguro naman maganda na ang mga mood nila at mag kaayos na kami.








Kinaumagahan maaga ako nagising naglibot libot lang ako. Malapit kami sa isang dagat. Saan kaya kami napadpad. Wala naman kasing sinabi sa amin kung saan kami dadalhin. Ngayon ko lang napansin na dalampasigan.ng buong lugar na ito napakatahimik at madadama mo ang kalayaan. Natatanaw ko dito anh isang dagat kaya naisipan ko na pumunta doon.

Naglakad lakad lang ako sa dalampasigan. Nakakapagpagaan ng pakiramdam anh hampas ng alon ng dagat.

"Jen!! Nandyan ka lang pala!!" Sigaw ni marice at tumakbo palapit sa akin.

Hindi ko pala namalayan ang oras.

"Hinahanap ka nila!! Akala nila nawawala ka na!!" Saad ni marice habang naglalakad kami papunya sa camp site.

"Ganun ba? Pasensya na.."

"Naku bilisan na lang natin baka nagaaway away na sila doon"

Pagdating namin.. Hindi sila nag aaway pero sobrang tahimik nila.

"Pasensya na masiyadong napasarap ang pagtambay ko sa dalampasigan. Maaga kasi ako nagising kaya naisipan ko na maglakad lakad." Napukaw ko naman ang kanilang pansin agad na yumakap sa akin si Valerie na bigla naman ako umiiyak siya. Ganun ko ba siya napagalala masiyado?

"Hala!! Wag ka umiyak Valerie!! Nagalala ka ba sa akin!! Naku sorry na!!" Sabi ko habang inaalo siya.

Umiling iling siya. At umiyak lang.

Si marice ay nawala sa tabi ko pumunta siya sa mesa at linantakan ang mga pagkain nandoon.

"Ate!! Masiyado mo naman kami pinagalala iyan tuloy nung--" hindi natapos ang sasabihin niya ng tinakpan ni jacob ang bibig niya. Nagpupumiglas naman si rence.

"Pinagalala mo kasi masiyado si Valerie kaya iyan umiiyak!!" May binulong naman siya kay rence at natigil ito.

"Pasensya na talaga kasalanan ko! Hindi ko naman kasi alam na magaalala kayo!"




Matapos ang nangyari kanina ngayon naman ay namomoblema kami sa aming kakainin ngayong ganghalian dahil ubos na ang mga pagkain namin.

"Ang takaw mo kasi maricar kaya iyan ubos na ang pagkain natin!!" Inis na sabi ni jacob inirapan lamang siya ni maricar.

"Bakit ba lagi ka na lang galit kay maricar?! Masama na ba ngayon ang kumain hindi lang namab siya ang ubos nun!!" Pagtatanggol ni rence.

"Eh sa kasalanan naman niya kung hindi lang siya matakaw!!"

"Walang kasalanan si maricar!!" Natagisan sila ng titigan walang gusto magpatalo.

"Kung pumunta na lang kami sa kakahuyan at doon humanap ng makakain natin." Suwesyon ni frangco

"NO! Hindi pwede baka mapahamak kayo!" Tutol agad ni Valerie.

"Pero iyon na lang ang paraan para makakain tayo! Kaya namin ang sarili namin!" Saad naman ni Kristopher.

"Tama si Valerie manatili na lamang kayo dito hindi natin alam kung ano ang nandyan sa kakahuyan baka mapahamak pa kayo at maligaw!" Sabi ko.

"Anong gusto mo mamatay tayo sa gutom dito?!!" Sigaw sa akin ni Kristopher.

"HINDI MO KAYLANGAN NA SIGAWAN SI JEN!! nagaalala siya sa inyo!! Totoo naman yung sinabi nila at isa pa wag na kayo pumunta sa kakahuyan meron akong nakita sa mesa na sulat" ipinakita niya ito sa amin.

Binasa naman namin ito. Nakalagay dito ang isang bagay na gagawin namin. Kaylangan namin magsorry sa taong nasaktan namin ng lubos sa grupo. Pag nagawa namin ito makukuha namin ang lunch namin.

Umupo kami pabilog at humarap sa isa't isa. Lahat sila ma pride at walang tumatayo para humingi ng paumanhin.

Kaya ako na lang ang mauuna.

Tumayo ako.

"Pasensya na sa inyong lahat. Paumanhin sa mga kasalanan na ginawa ko at gagawin ko pa lamang. May kasalanan ako Sa inyong lahat siguro sa tamang panahin masasabi ko din iyon pero hindi muna ngayon sana ay mapatawad niyo ako." Di ko mapigilan ang luha ko. Nagsinungaling ako si Valerie gusto niya si frangco sinabi niya ito sa akin ngunit si frangco ay may gusto sakin parang sinira ko na rin ang pagkakaibigan namin tapos pwede din mag away kami ni marice dahil napapansin ko na may gusto siya kay jacob eh may gusto din sa akin si jacob hanggang sa mag away si jacob at frangco si Kristopher na ayae din sa akin. Tapos wala na ako na ang nakasira ng pagkakaibigan namin.

Ako ang makakasira ng pagkakaibigan namin. Maiintindihan kaya nila ako.

------------------------------------------------------

5:41pm

Saturday, September 22, 2018

-majoy

------------------------------------------------------

Ngiti (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon