CHAPTER 2: REBECCA

461 2 2
                                    



    (REBECCA)

        “Rebecca!” tawag sakin ni Kuya Fred na mukhang kanina pa naghihintay sa pagdating ng flight ko. “Kuya!” ngiti ko sabay takbong payakap sa kanya. Almost 2 years na rin simula ng huli kong makita si kuya Fred. Dahil dalawa lang kameng magkapatid kaya naman close na close kame but due to the weak health of my lolo and lola na nakadestino sa Australia kaya minabuti ng mga magulang namen na samahan ko sila doon imbes na pauwiin sila sa Philippines at siguro para makatakas sa responsibilidad na palakihin ako on their own. Nanghihinayang kasi sila sa benepisyong nakukuha nila mula sa gobyerno kaya naman mas pinili nilang magstay nalang para hindi na raw makabigat kila mama at papa kahit hindi naman lingid sa kaalaman nilang may pera naman ang aming pamilya. My father owns maybe 3 hotels and 2 hotels in process sa Philippines kaya naman ever since I was a kid, I’ve never actually had a bonding time with my parents. Busy kasi sila sa business nila at sa paglibot sa buong mundo. Katulad ngayon, pinauwi nila ako para makapagaral ulit dito sa Philippines para raw hindi naman talagang maging malayo ang loob namen sa kanila pero nasan sila? Nasa Europe, such a bull to do.

“Wow! Dalaga ka na ah?” ngiti ni kuya habang pinagmamasdan akong mabuti. Nakasakay na kame sa kotse niya papuntang Tagaytay. Dahil wala ang mga magulang namen kaya kameng dalawa ang naatasang pumunta sa shareholders family camp ng organisasyon nila papa bilang representatives. Ayoko man dahil I hate socializing pero napilit nila ko dahil sabi nila “masaya dun”. “Oo nga kuya eh, parang nung dati lang uhugin pa ko” natatawa ko namang sagot na tinawanan niya rin. “Haha. Ikaw talaga, dalaga ka man pero wala ka paring pinagbago” sabi naman niya.

Pagkarating na pagkarating namen sa country club ay agad akong pumanhik sa kwarto ko. Wala akong ganang tumingin tingin sa paligid at maamaze sa kagandahan ng lugar. Ever since kasi na tumira ako kasama ang mga lolo at lola ko, nasanay ako sa simpleng buhay.  I mean, not that simple pero walang payabangan at pabonggahan pero as far as I can see here, punong puno ng mga taong walang ginawa kundi ipakitang mayaman sila at maganda sila which for me is irritating. “Hey, you’re ok?” tanong ni kuya Fred habang dala-dala ang mga luggage ko. “Yep, jetlag lang” sabi ko naman. “Ah, better stay here in the room, I’ll text you when the lunch is prepared na ok?” sabi niya sabay halik sa noo ko. “Yes kuya!” ngiti ko naman.

A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon