FINAL CHAPTER

423 16 6
                                    

(REBECCA)

Simula ng magkaroon kame ng confrontation ni kuya ay nagbago na ito ng pakikitungo sakin. Naging medyo maluwang na siya at hinahayaan niya na kong magdecide para sa sarili ko. “Becc, Are you really sure of this?” tanong ni kuya habang nagaantay kame sa airport. “Yes kuya” tanging sabi ko. Hinalikan niya ko sa noo ko at sabay niyakap ako.

 

(NATHANIEL)

“Ano ba Nathan? Kahapon ka pa namen sinabihan bakit ngayon ka lang kikilos?” nagmamadaling sabi ni Gretchen habang pasakay kame sa kotse. “Sorry, nawala sa isip ko na ngayon ang flight niya!” sabi ko naman. Hindiko na ulit makikita si Rebecca kung hindi ko siya maabutan at hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mangyari yun.

 

(REBECCA)

“Kuya, bibili lang akong coffee ,want some?” tanong ko kuya. Nabobored na rin kasi ako sa pagupo. Mga 1 hour pa naman bago ang boarding kaya naman napagdesisyunan ko munang maglakad-lakad. Binigyan ako ni kuya Fred ng pera at umalis na ko para bumili ng kape at ng makakain.

(NATHANIEL)

“Clint! Wala na bang ibibilis yan?” tanong kokay Clint na nasa driver seat. “May ibibilis pa to pero ang traffic wala!” sigaw naman niyang pabalik. “Gretch! Anong oras ang flight niya?” tanong ko naman. “6:30” sabi ni Gretch. “Anong oras na?” tanong ko ulit. “6:00” sabi naman niya. “shit! This is impossible”

(REBECCA)

“kuya, here’s your coffee!” abot ko kay kuya Fred. “Thanks Becc, oh, lagi kang magiingat ha? wag mong kalimutang tumawag sakin o magskype sakin if you need anything” paalala pa niya. “Yes kuya, I wont” ngiti ko naman.

(NATHANIEL)

Takbong pang action film ang gawa naming tatlo pagkarating namen sa airport. Para lang kameng nasa gag show na running man sa bilis ng paghahanap namen kay Rebecca. Kahit sinong may mahabang buhok hinihila ko na para makita kung siya nga ba yun hanggang makita ko na nga ang hinahanap ko.

(REBECCA)

“Rebecca!” rinig kong tawag sa akin. “Nathan?” taka kong tanong. Nakita kong nakatayo sa gitna ng maraming tao si kuya Nathan at halatang hingal na hingal niya. Sa likod niya ay sina ate Gretchen at kuya Clint na hingal na hingal rin. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.

(NATHANIEL)

“Nandito ako para pigilan ka!” sabi ko sa kanya kahit kinakapos pa ko sa hininga ko mula sa pagtakbo. “Pigilan?” Tanong ni Fred na ngayon ay nakatayo na sa likod ng kapatid niya. “Oo, pigilan!” sagot ko naman.

(REBECCA)

“Anong ibig mong sabihing pigilan?” tanong ko namang nagugulohan. “Pigilan ka bago ka bumalik ulit sa Australia. Becc, I know you are still young and I know im 8 years older than you. I know you’re smaller than me and I’m bigger than you. I know we have a lot of differences but there’s one thing I know that we have in similarity. The love we have. Sorry if natakot akong ipursue ka after the camp, sorry if naduwag ako matapos kitang halikan dahil honestly I don’t know what to do after that. I don’t have any background in courting or making pacute effect to girls just to gain their love and attention because I’m so used to girls chasing after me but when you came, I don’t know, Everything’s changed. But that is what I love and that is why I want you to stay.” Sabi niya na ikinagulat ko.

(NATHANIEL)

“Nathan” tanging nasambit niya. “I know na bata ka pa kaya I’m willing to wait for you. Just like what they said, kapag mahal mo, mahihintay mo and baby, you are worth the wait” sabi ko sa kanya na ikinaluha niya lang. “So wont you stay with me?”tanong ko.

(REBECCA)

“Nathan, of course  I will!” sabi ko naman sa kanya. Agad siyang tumakbo at niyakap ako. “really?” tanong niya. “Oo naman!” sabi ko naman. “Eh pano na flight mo?” tanong pa niya. “Flight ko? Wala akong flight ngayon, si kuya Fred ang aalis, magbabakasyon sya ng dalawang linggo sa Australia” sabi ko naman.

(NATHANIEL)

“Si Fred? Bakit si Fred? Akala ko ikaw?” tanong ko naman. “Nope, I will be staying for good nga ditto diba? Bakit naman ako aalis ulit” sabi naman niya. Napatingin ako sa dalawang kasama ko na ngingiti-ngiti. “Sorry Nathan, akala naman kasi kahapon ka magigising sa katotohanang mahal mo siya, hindi naman naten alam na ngayong umaga ka aamin ng nararamdaman mo!” natatawang asar ni Gretchen.

(REBECCA)

Natatawa ako sa naririnig kong mga rebelasyon. Lumapit si kuya Fred kay Nathan. “dude, sorry for what happened between us nung camp. Alam mo naman, I’m just being too protective sa sister ko”sabi ni kuya Fred. “No dude, it’s my fault, alam ko namang bata pa si Rebecca pero ginawa ko pa rin and I’m sorry. I’ll promise na magiging good boy ako from now on” natatawang sabi naman ni Nathaniel. “dude, keep your promise, kaw na bahala sa kapatid ko ha? pag nalaman ko talagang pinaiyak mo to, babalatan kita ng buhay!” ngiti namang pagbabanta ni Kuya Fred. “Ano ba kayo guys, nagpapatawaran ba talaga kayo o magsisimula kayo ulit ng away?” biro ko naman.

(NATHANIEL)

Dumating na ang oras ng departure ni Fred. Isa-isa kameng namaalam kahit alam naman naming babalik din siya kaagad. “Hey guys, uhmm Clint and I have something to do pa kasi kaya mauuna na kame” sabi ni Gretchen habang todo ang ngiti saken. “Ah ganon po ba? sige po. Ingat po kayo!” sabi naman ni Rebecca. Pagkaalis nila ay naiwan nalang kameng dalawang nakatayo sa airport. Alam kong hindi ko na mababago ang nararamdaman ko at alam kong panibagong yugto at challenge ang kahaharapin ko, pero alam ko rin na basta kasama ko si Rebecca, ayos lang kung ano man ang mangyari sa hinaharap.

“Uhmm hi, I’m Nathan” sabi ko sa kanya sabay abot ng kamay ko. Nalilito man ay napangiti rin siya sa gusto kong iparating.

“Hello, Im Rebecca” ngiti niya.

 

A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon