Kalalabas lang ni kuya Nathan sa kwarto ko pero amoy ko pa din ang pabango nyang suot. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin sa thought na magkatabi lang pala ang mga kwarto namen. Kaya naman pala nung araw na nakadungaw siya sa kwarto ko ay mabilis siyang nawala ng tumingin ako sa labas kasi nasa tabi lang pala ang kwarto niya.
“Hay! Ang swerte swerte mo talaga Rebecca! Ang pogi pogi niya!” sabi ko sa sarili ko habang nagtatalon sa tuwa. Sinadya nya kaya talagang pumunta ditto sa kwarto ko para makita ako? “Ay! Ano ka ba Rebecca? Assumengera lang? syempre baka talagang naubusan siya ng twalya at sira telephone niya. Wag kang feeling, sa lalaking ganong kapogi, bakit niya naman pagaaksayahan ang katulad mong bata” panira naman ng utak kong sobrang talino pagdating sa pagibig.
“Basta ako, makita lang siya ngayong gabi, nahawakan niya lang ang telepono ko at naupuan niya lang ang kama ko, masaya na ko! Masarap na ang tulog ko neto! Yahoo!” patuloy ko pang pakikipagusap sa sarili ko habang patuloy sa pagtalon at pagsayaw. I know, I’m crazy! Crazy in love!
BINABASA MO ANG
A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)
RomantikSi Nathaniel Lopez ay isang well-known playboy. Masasabing na sa kanya na lahat maliban sa magandang ugali pagdating sa mga babae. Hindi siya ang ordinaryong babaero na halos ibigay na ang lahat para sa mga babaeng nakakadate niya, para sa kanya, an...