CHAPTER 9: NATHANIEL

286 4 0
                                    

Maaga pa lang ay bumangon na ko para makapajogging. Dahil sa lamig sa tagaytay, dinagdagan pa ng mga fogs ngayong umaga kaya napajacket at jogging pants ako ng wala sa oras na malayo sa nakagawian kong sando at shorts.

            Yesterday was our first day and yet parang ang dami ng nangyari. I could say that this camp could be the best and my favorite one. Nagpatuloy lang ako sa pagjajog ko habang nagiisip ng iba pang taktika kung paano ako makakalapit kay Rebecca. I must say, I like the challenge to be with her, I mean, I’ve been with a lot of girls since I was young but this is the first time I would ever exert effort just to be with a girl.

“Hey Mr. Lopez! Can I join you?” from far ahead ay nakita ko ang isang babaeng sobrang sexy na patakbo sa direksyon. “Hey, Chelsea right?” ngiti ko naman. “Well, I must say, I’m quite impressed, I’m a newbie here yet you find ways to know my name, I’m pleased” sabi naman nito sabay tabi sakin. “Well, there’s this little bird that tweet your name to me yesterday kaya nalaman ko” sabi ko naman habang nagstrestretching. “Ah ganon ba? That little bird sure knows who to spy on. Anyway, are you going to jog again? Care if I join you?” sabi naman niya. “No, its okay, lika na?” at nagsimula na kameng magjog all through out the club.

Ang mga tulad ni Chelsea ang tipo ng babae ko bago ang kahapon. Sexy, malulusog ang hinaharap, matambok ang pwet at talagang porselana ang kutis. Maganda talaga siya, pang FHM ang ganda kung tutuusin pero I feel no attraction aside from my pants attraction to her. Dapat ngayon pa lang nakascore na ko ditto pero parang may pumipigil sakin. “Mali na to!” nasambit ko. “Ha? anong mali?” tanong niya habang nagpapahinga kame mula sa pagjajogging. “A-ah wala, mali yung routine ko today is what I mean, nakalimutan kong mag jumping jack” sabi ko nalang ng makalusot. “Ahhh. So much training for the Almighty Nathaniel Lopez huh?” sabi naman niya na binili ang palusot ko.

Alam ko sa the way akong tingnan at hawakan ni Chelsea ay talagang type ako ng girl na to. Hanggang umabot kasi kame sa tent to get our breakfast ay wala siyang ginawa kundi idikit sakin ang hinaharap niya which no offense kinda turns me off instead of turns me on. I’m so used to this kind of girl, trying to do everything just to gain my attention. Halos mawalan na rin ako ng gana kumain ng hindi siya tumitigil sa pagsunod sakin sa lahat ng ginagawa ko hanggang makita kong pumasok sa tent si Rebecca kasama ang kuya niyang si Fred.

Napakaganda talaga ng batang eto lalo na sa suot niyang sleevelss na floral dress na kulay asul. Kahit wala siyang suot na kahit anong make up ay siya pa rin ang masasabi kong pinakamaganda sa kwarto ngayon. Agad kong kinawayan si Fred para ayaing sa table namen sila kumain na agad naman niyang sinanga-ayunan ng makita si Chelsea.

“Hey,good morning! Good morning din sayo, your’e Margarette’s cousin right?” bati agad ni Fred pagkarating sa table namen na agad si Chelsea ang pinansin. Para-paraan rin. “Yes, and you are Fred if di ko nagkakamali?” sagot naman niya. “Yes I am” at nagsimula ng tumabi si Fred kay Chelsea sabay kwento ng mahaba-haba habang si Rebecca naman ay nahihiyang umupo sa may harap ko.

“Good morning Rebecca” bati ko sa kanya. “Good morning Nathan” sagot naman niya na nahihiya pa rin. “Ah, toasted bread and omelette, napakakonti naman niyan, hindi ka nagrarice?” tanong ko para may masabi lang. “Ahm, hindi naman, medyo hnidi lang ako masyadong gutom today, anyway, how’s your telephone, nagfufunction na?” tanong niya habang sumusubo ng omelette. “a-ah-eh, ok na siya, ginawa na nila kahapon” natatawa kong sabi na tyinempuhan pa ng pagdating ni Clint sa tent at derecho samen. Biglang nanlaki ang mata ko dahil alam ko kung anong sasabihin ni Clint. “Hoy Nathan, anong kalokohan na naman ang--” agad akong nagkunwaring nachochoke para makuha ang attention ng lahat at di matuloy ni Clint ang sasabihin niya na bumenta naman sa tatlo.

“Nathan are you okay?” tanong ni Chelsea habang hinihimas ang likod ko. “Water you want?” tanong naman ni Rebecca na napatayo na sa nerbyos. “Ang sugaba kasi kumain eh” side comment naman ni Fred. Pagbigay ni Rebecca ng tubig ay kunwari nagging ok na ko. “Ok na, salamat. Nachoke lang ng onti” sabi ko naman na sabay dilat kay Clint na parang may sinesend na message na mukhang nagets naman niya.

 

            Pagkatapos ng breakfast ay agad akong nilapitan ni Clint. “Hoy, sino na naman ba yang bago mong bibiktimahin at talagang napatawag ka kagabi” tanong niya. “Wala yun, don’t mind that” sabi ko naman habang tinatry kong itago ang katotohanan. “wow! That’s a shocker, bro, sa tanang buhay mo wala kang sikretong naitago sakin especially when it comes to girls, kahit nga mga 1 night stand mo alam ko so ano na namang kababalaghan yang ginagawa mo at kelangan mong magsikreto sakin?” tanong naman nito. “Fine, fine, I give up! But please don’t tell anyone. Remember Fred’s little sister,Rebecca? I kinda like her. Ok na?” sabi ko naman sa kanya. “ Rebecca? Bro! that girl is still a kid! Ano bang pumasok sa isip mo na yan ang gawin mong target ngayon?” sabi naman niya na halatang namomroblema. “Dude let me explain first, first, this is not what I planned. Kilala mo ko dude, hindi ako pumapatol sa bata pero this girl, I don’t know, there’s something about her” sabi ko na habang hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. “Dude, are you sure about this? Are you even serious, we’re talking about an innocent girl hindi siya katulad ng mga exes mo na halos pagpasa-pasahan na, she’s different like you said” sabi naman ni Clint na alam kong tama. “Ewan ko dude, second day pa lang naman eh, kaya hindi ko pa alam, malay mo, summer blues lang to, I still don’t know” sabi ko naman. “Ok, basta ipromise mo na you wont mess with her until you find your answer dahil pag nalaman ko dude na gumawa ka na ng move pero di ka pa sure, wala kong magagawa kundi isumbong ka sa kuya” sabi naman ni Clint. “Sure bro, your call”

A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon