Matapos ang lunch ay napagpasiyahan ni kuyang magchillax muna kameng dalawa dahil pahinga muna daw siya sa paghabol sa mga magagandang babae. “oh kuya, what’s eating you?” tanong ko sa kanya habang nagsasalin ng orange juice sa baso. “Wala lang, naisip ko lang kung gaano ka nonsense tong camp na to” sabi naman niya sabay hithit ng sigarilyo niya. “Oh, bakit mo naman nasabi?” tanong ko. “this is a family camp but we don’t even have a whole family”sabi naman niya. “Ano ba yan? Mas ikaw ang walang sense, yes we do have. I have you, you have me and as far as I can see nageenjoy ka naman sa camp na to,eh. Grabe nga sipag mo sa paghabol sa mga magagandang chika bebe ditto eh ”natatawa ko naman sabi sa kanya sabay akbay . “Haha. Such a lucky lad I am to have you as my little sister”.biro naman niya. “Me too kuya now if you may, lets quit this drama and let’s just enjoy our time” sabi ko naman na nginitian niya lang. “So kuya, maiba tayo, gaano mo na katagal kakilala sila ate Gretchen, I mean sila kuya Nathan?” singit ko naman. Alam mo naman, kapag may crush ka, gagawin mo lahat ng pwede mong gawin para may malamang impormasyon ka tungkol sa taong natitipuhan mo.
“Sila Greta? Siguro bata pa kame, mga grade 6 ganon. Bakit mo natanong?” sagot naman niya. “wala lang, close kayong lahat eh. Ang cute lang” sabi ko naman. “Ahh. Kilala mo na siguro si Wilson kasi siya ang bestfriend ko hindi ba?” sabi niya na tinanguan ko lang. “Si Greta naman, yung nagiisang babae samen egirlfriend nung chinitong lalaking kasama ko, si Clint. Si Clint naman bestfriend nong lalaking lamang lang sa akin ng isang ligo sa kagwapuhan, si Nathan” biro naman niya. “Ahh. Si kuya Nathan? May girlfriend na siya?” tanong ko na pakunwari wala akong pakealam sa magiging sagot. “Yun, naku! Wala sa bokabularyo non ang matinong girlfriend, pinakamatagal na ang isang buwan dun! Pinakamabilis isang oras atsaka walang karomantiko-romantiko sa katawan yun. Parang alalay nya lang lahat ng mga babae na nagiging gf niya. Nangunguna yun sa mga listahan ng mga gago sa mundo eh. Take note, 50% siguro ng mga kababaihan ditto ngayon sa camp naging ex niya na kaya ikaw! Magingat ka ha? lumayo layo ka dun. Gusto ko siyang kaibigan, ayos naman sya eh pero ayokong baka pati ikaw mabiktima rin niya. He’s the definition of ass” sabi naman ni kuya na nakapagpatahimik lang sa akin. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng narinig ko ang sinabi ni kuya sakto namang may dumaang pusa kaya may nasabi akong rason para makaalis at makapagisip-isip.

BINABASA MO ANG
A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)
RomanceSi Nathaniel Lopez ay isang well-known playboy. Masasabing na sa kanya na lahat maliban sa magandang ugali pagdating sa mga babae. Hindi siya ang ordinaryong babaero na halos ibigay na ang lahat para sa mga babaeng nakakadate niya, para sa kanya, an...