“Nathan, I’m begging you, please, behave yourself! You are no longer a kid for Christ sake, you are a 25 year old man and not a 15 year old boy kaya kung pwede lang, umayos ka!” pabulong na sabi ni papa habang nasa kotse kami papunta sa country club na pagdadausan ng family camp week. Every year kasi ay may ginaganap ang grupo nila na ganitong event para makapagbonding lahat ng pamilya ng shareholders at ng makilalang mabuti ang bawat isa para mas lumaki ang contacts at lumago lalo ang negosyo, ayon sa sabi nila. Nangyayari ito for a week hanggang magsawa na siguro ang lahat sa pagmumukha ng bawat isa.
“Dad, I will so don’t worry. Atsaka if I know, halos lahat na naman dun eh nagging ex ko na-” “Nathan! You better apologize to each one of them” singit na sabi ni papa. “Dad, don’t be ridiculous! Why would i?” natatawa ko nalang sabi na tiniim-baga niyang tinititigan. “Fine, fine. I will, happy?” sabi ko naman na at nanahimik nalang ako para hindi na magreklamo ito.
Nakarating kame sa countryclub ng payapa dahil sa pagtahimik ko at pagsang ayon kay papa. Pagkababang pagkababa namen ay agad kameng sinalubong ng mga kumpanyero ni papa na agad sinamaan ako ng tingin dahil mga anak nila ang mga napaiyak ko. Kaya naman pagkatapos makipagplastikang ngitian sa kanila ay madali akong pumunta sa kwarto ko na nasa pangapat na palapag ng hotel. Dala-dala ang sarili kong luggage ay dahan-dahan akong naglakad habang hinahanap ang aking kwarto.
D24. Bawat pinto ay pinagmamasdan ko kung iyon na nga hanggang makaabot ako sa D23 at doon ay may narinig akong boses ng babaeng kumakanta at tumutugtog ng gitara. Hindi ko maiwasan ang macurious if sino ang babaeng eto kaya sinamantala ko na ang medyo nakaawang na pintuan niya at doon medyo sumilip ako. Nakita ko ang isang dalagang may mahabang buhok at katamtamang katawang nakatalikod at may hawak ng gitara. Nakaharap siya sa bintana at wari mo’y parang hinaharana ang hangin sa ganda ng boses.
Patuloy lang ako sa pakikinig hanggang tumigil siya sa pagtugtog. Dun ko namalayang almost 15 minutes na pala akong nakatayo sa pintuan niya kaya naman mabilis pa sa alas kwatro ay lumakad ako sa tabing pintuan na kwarto ko at pumasok.
Doon ay hinawakan ko ang puso kong daig pa ang marathon ng kabayo sa bilis ng tibok. I’ve never felt this way before. I mean, I still haven’t had a chance to see her face but there something about this girl that really captivates me. Maybe it’s her voice, her angelic voice that soothes my soul. Ibang klase, I mean, ewan. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko now, ito ba yung sinasabi nilang “crush?”. B*llsh*t! crush your face, ililigo ko nalang to, mawawala rin yan!
Matapos maligo ay agad kong tinawagan ang kaibigan kong si Clint at Gretchen na alam kong nasa countryclub din. Unang sumagot si Gretchen. “Hey, Gretch, where are you? Kasama mo ba si Clint?” tanong ko. “Yes, we’re actually here nearby the pool, kasama namen sila Wilson at Fred, nasan kaba?” sabi naman niya. “Ah, wow, that’s good, I just took a quick shower. I’ll be there. Wait for me” sabi ko naman sabay bihis at labas.
Ilang sandali pa ay naabutan ko ang apat na nagtatawanan habang nagiinuman. “Oh Nathan! Nice to see you bro!” yakap na bati sakin ni Wilson. “You too bro” sagot ko naman. “Mukhang heavy ang work out naten ah, laki ng katawan mo ngayon” bati naman ni Fred. “Oo eh, stress reliever ko ang paggym, lam mo naman sa business naten, kung magpapadaig ka, tatanda tayo agad, buti nakauwi ka from abroad ngayon” ani ko. “oo nga eh, actually, sinundo ko kasi yung little sister ko from Australia kaya napauwi ako ng wala sa oras. Sila mom and dad kasi, as usual, they still suck in their parenting kaya eto babysister muna ako sa kanya habang ang aming mga magulang ay out of the country. Ditto na kasi sya magaaral” paliwanag naman niya. “I’ve never knew that you have a little sister, kala ko solong anak ka lang” sabi naman ni Gretchen. “Yes, I have. Sa Australia lang lumaki kasama ng mga lolo at lola namen and then every two years siya nagbabakasyon ditto, eh everytime naman siyang nandito, hindi naglalabas-labas ng bahay kaya di nyo nalalaman.” Sabi naman ni Fred sabay lagok ng natitira niyang tequila. “talaga? Wow? Where is she? I want to meet her. Maganda ba siya? Naku! Meron na kong makakasamang girl sa grupo naten!” masayang sabi naman ni Gretchen. “I think she’s here somewhere, sabi niya bababa na siya eh. o wait there she is! Rebecca!” tawag ni Fred sa isang babae.
Sabay-sabay kameng apat na napatingin sa direksyong tinatawagan niya. Isang babaeng nakasuot ng white dress at floral hat ang lumingon at ngumiti. My heart skips a beat when I saw her long black hair, her sun kissed skin and her beautiful eyes. Kung may epitome ng Filipina beauty; I may consider her as one.
Lumapit ang dalaga sa lugar namen at doon ay malapitan ko siyang napagmasdan. Grabe! Ang ganda niya. Let me clear this okay? Sa tanang buhay ko, marami na kong nakitang nagagandahan at nagsesexihang babae but this girl stood out from the rest and I cant pin point why? Her beauty is simple. Walang make up or cheche bureche. Her body is not even that full grown then but her beauty is captivating like a Picasso’s art work.
“Guys, this is my little sister Rebecca” pakilala ni Fred sa amin. “Hi po” sabi naman niya sabay ngiti. Hindi ko maintindihan pero parang may kiliti sa kaloob-looban ko ng marinig ko ang boses nya. “So Rebecca, this is Gretchen, Wilson, Clint and Nathan” pagtuntong sa akin ay ngumiti pa siya lalo na lalo ring nagpatibok sa puso ko. “Hi Rebecca, your so pretty naman, how old are you na?” tanong ni Gretchen. “Im 16 po, turning 17 this September” ngiti nyang sagot.
Para namang naguho ang mundo ko ng marinig ko ang edad niya. “16 ka lang?” ulit kong tanong. “Opo” ngiti naman niyang sagot. 16? Well, alam kong babaero ako and everything but if I’m going to pursue a girl, one thing is for sure, she’s definitely have to be legal to do things that you-know-what-I-mean. Parang nawala lahat ng pagasa ko sa mundo ng malaman kong etong bagong natitipuhan kong babae ay isang menor de edad. Mukhang makakasuhan pa ko ng pedophile kung ipupursue ko to.
“So may boyfriend ka na?” tanong naman ni Clint na halatang nakikita rin ata ang nakikita ko. “Naku po! Bata pa po ko kaya aral na muna bago yun” mahinhin naman niyang sagot. “Atsaka patay sakin ang manliligaw ditto sa kapatid ko, nakita mo ba tong muscle na to? Naku! Di tatalab!” biro namang hirit ni Fred. “Oy, Nathan! Diba medyo malapit edad nila ni Miguel, oh em! Bagay sila non” dagdag naman ni Gretchen na kinikilig sa ideya niya. “Miguel?” tanong naman ni Rebecca. “Yes, may kapatid si Nathan na nagaaral sa Harvard, and I think you two will be cute together” sabi pa ni Gretchen. “Hindi no? hindi sila bagay, mukhang unggoy yun” singit ko naman na halatang naaburido sa sinasabi ni Gretchen. “Ang gwapo kaya ng kapatid mo, mas gwapo pa nga sayo eh” asar naman ni Gretchen. “Ewan ko basta Rebecca, di kayo bagay non. Hahanapan na lang kita ng mas bagay sayo” ngiti ko naman sa dalaga na sinagutan niya ng nahihiyang ngiti.
Matapos ang mahaba-habang kwentuhan at asaran ay tinawag na kameng lahat para sa salo-salong tanghalian. “Oh kain na raw” sabi ni Wilson at sabay-sabay kameng nagpunta sa may tent kung saan nakaset up ang buffet. Habang naglalakad ay sinadya ko talagang tabihan ang dalaga. “So, first time mong umuwi ditto sa Philippines?” tanong ko. “Ahmm, hindi po,every othe year umuuwi ako but this year, I will be staying for good” sabi naman niya. “Ah so ditto ka na talaga, di ka na babalik sa Australia?” tanong ko ulit. “Ahm, yes, parang ganon nga po pero magbabakasyon naman ako dun siguro pag bakasyon sa school ganon, nandun po kasi yung lolo at lola ko kaya kelangan ko talagang bumalik” sagot naman niya. “Ahh I see” pagdating namen sa tent ay naghiwalay na kame ng daan dahil dinarag ni Fred si Rebecca papuntang bandang kaliwa samantalang ang father ko naman ay nasa kanan at agad kumaway sakin para sabihing dun ako tumabi sa kanya.
Dumerecho na ako sa buffet table at kumuha ng cordon bleu, sour cream, rice at orange juice sabay derecho sa table nila Clint at ng papa niya kasama ang papa ko. Busying busy naguusap ang dalawa tungkol sa mga taktika sa kani-kanilang negosyo samantalang kame naman ni Clint ay busy rin sa pagkain. “Bro, nakita mo na ba si Bianca? I’ve heard from Wilson’s cousin na si Jeffrey, may kasama raw na bagong lalaki ah?” sabi nito habang patuloy sa pagnguya. “Talaga? Well good for her” tanging sabi ko lang sabay subo ulit ng kanin. “Lupit mo talaga, e nakita mo na ba yung pinsan ni Margarette? Ganda bro,o wait yun nga ata yun oh, Chelsea raw pangalan!” sabay turo nito sa isang babaeng mababa ang neckline at may blondieng buhok at nakasuot ng napakaikling short. “I don’t know why but I’m not in the mood to mess around with someone ngayon” sabi ko naman na ikinagulat niya. “Nathaniel Lopez? Ikaw ba yan?” tanong niyang natatawa pa. “loko! Im just saying bro, gusto ko munang magrest ngayon sa womanizing ko, my old man is not really happy about my love life kaya medyo lie low muna” kahit ako nasamid sa sinabi ko. “Totoo? I mean, for real?” loko niya pang sabi. “for real”.
BINABASA MO ANG
A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)
RomanceSi Nathaniel Lopez ay isang well-known playboy. Masasabing na sa kanya na lahat maliban sa magandang ugali pagdating sa mga babae. Hindi siya ang ordinaryong babaero na halos ibigay na ang lahat para sa mga babaeng nakakadate niya, para sa kanya, an...