CHAPTER 4: REBECCA

307 3 0
                                    

            Malaking bahagi ng buhay ko ang musika. Musical oriented kasi sila lolo at lola kaya naman pati ako nahawaan ng kahiligan nila sa musika. Aminado akong hindi naging magaling na magulang ang mga parents namen ni kuya Fredkahit sagana kame sa pera pero my lolo and lola done their job as my guardian sa Australia with flying colors. Napalaki nila ako na puno ng pagmamahal. 5 years old ako ng pinapunta ako nila papa at mama sa Australia while 12 years old naman si kuya noong pumunta siya sa lolo at lola namen sa side ni papa sa Canada. Lumaki kameng pareho sa pangangalaga ng aming mga grannies which I applaud my parents naman. Mas mabuti nga namang lumaki kame sa poder ng mga lolo at lola namen kesa naman lumaki kame sa bahay namen sa Philippines na walang nagbabantay at mapariwara pa ang buhay dahil wala sila para guide-dan kame. Mga bata pa raw sila ng mabuo nila si kuya kaya naman kahit may mga anak na sila, they still want to enjoy the freedom and act like that they don’t have any children. Responsible man sila sa kanilang mga businesses pero they are the most irresponsible jerks to be a parent.

Sinubukan kong humiga pero parang hindi pa din ako mapakali kaya kinuha ko ang gitara ko at umupo sa harap ng bintana. Binuksan ko ang glass window para pumasok ang sariwang hangin. Talagang namimiss ko na ang lolo at lola ko kaya naman automatic na kumalabit ang mga daliri ko sa saliw ng kantang “Temporary home ni Carrie Underwood”.

Unti-unti ay nawawala ang sakit ng ulo ko at homesickness ko ng may nakita akong reflection ng isang lalaki sa aking bintana na nakadungaw sa may pintuan kong nakalimutan kong isara. Agad akong tumigil sa pagtugtog at pinagmasdan lang ang kanyang pigura. Mukhang nahalata ng lalaki na nahalata ko na siya kaya mabilis siyang umalis sa pagkakadungaw.

Agad kong tinext si kuya Fred na pababa na ako para masamahan niya ako sa lunch. Sinuot ko ang white dress ko at floral hat ko para maprotektahan ako sa medyo dumudungaw na araw. Habang pababa ako ay patuloy ang paghanap ko hindi kay Kuya Fred kundi sa lalaking kaninang nakadungaw sa kwarto ko. Kahit Malabo kasi ang reflection niya sa bintana, hindi naman maitatangi na gwapo yung lalaki. Maganda din yung built ng katawan niya at hello? Teenager here, kaya naman agad akong kinilig ng makita ko siya sayang nga lang at agad siyang umalis. Pagtingin ko naman sa labas ng kwarto ko ay wala na siya kaya naman nagbabakasali akong makita ko siya somewhere around here if bumaba ako.

Patuloy akong naglakad papunta sa garden kung saan sabi ni kuya Fred ay kasama niya ang mga kaibigan niya. “Rebecca!” narinig kong tawag sakin. Agad akong napalingon at doon nakita ko ang kuya kong kumakaway kasama ang grupo ng tatlong lalaki at isang babae. Agad akong lumapit.

“So Rebecca, this is Gretchen, Wilson, Clint and Nathan” pakilala ni kuya Fred sakin sa mga kaibigan niya. Pagrating sa lalaking nagngangalang Nathan ay hindi ko naiwasang mapangiti pa lalo. “Siya yun! Siya yung lalaking nakadungaw!” sabi ko sa isip-isip ko. “Hi Rebecca, your so pretty naman, how old are you na?” tanong ng babaeng maganda na katabi ni kuya,Gretchen ata pangalan. “Im 16 po, turning 17 this September” ngiti ko namang sagot.

Halata sa mukha ng lalaking nakadungaw sa kwarto ko ang pagkabigla na ikinakilig ko naman “16 ka lang?” ulit niyang tanong. “Opo” ngiti  ko namang sagot. “So may boyfriend ka na?” tanong naman ng lalaking may kaputian at kasingkitan ang mata, Clint ata ang name niya. “Naku po! Bata pa po ko kaya aral na muna bago yun” sagot ko naman na lalong nakapagpahiya saken. “Atsaka patay sakin ang manliligaw ditto sa kapatid ko, nakita mo ba tong muscle na to? Naku! Di tatalab!” biro namang hirit ni Kuya Fred. “Oy, Nathan! Diba medyo malapit edad nila ni Miguel, oh em! Bagay sila non” baling ni ate Gretchen kay Nathan na ngayon ay hindi pa rin matanggal ang mata sa pagkakatitig sakin . “Miguel?” tanong ko naman. “Yes, may kapatid si Nathan na nagaaral sa Harvard, and I think you two will be cute together” sabi pa ni ate Gretchen. “Hindi no? hindi sila bagay, mukhang unggoy yun” singit namanni Nathan na halatang naaburido sa sinasabi ni Gretchen. “Ang gwapo kaya ng kapatid mo, mas gwapo pa nga sayo eh” asar naman ni ate Gretchen. “Ewan ko basta Rebecca, di kayo bagay non. Hahanapan na lang kita ng mas bagay sayo” ngiti naman niya sakin. Hindi ko tuloy napigilang kiligin at mapangiti rin.

Matapos kameng magkwentuhan ay tinawag na kame ng mga waiters dahil ok na raw ang lunch. Naglakad na kame papunta sa white tent kung nasaan nandun ang buffet.

. Habang naglalakad ay tinabihan ako ni Nathan, hindi ko nalang pinahalatang kinikilig ako. “So, first time mong umuwi ditto sa Philippines?” tanong niya.Grabe! Ang gwapo niya pala talaga sa malapitan. Ang tangos ng ilong, ang ganda ng mata, tipong hindi mo alam kung chinito ba siya o katamtaman lang, ang lips niya namumula hays! Ang cute cute niya. “Ahmm, hindi po,every othe year umuuwi ako but this year, I will be staying for good” sabi ko naman sabay bawi ng tingin ko sa kanya. “Ah so ditto ka na talaga, di ka na babalik sa Australia?” tanong niya naman ulit. “Ahm, yes, parang ganon nga po pero magbabakasyon naman ako dun siguro pag bakasyon sa school ganon. Nandun po kasi yung lolo at lola ko kaya kelangan ko talagang bumalik” sagot ko naman. “Ahh I see” tanging sabi niya lang. pagkarating namen sa tent ay naghiwalay na kame ng daan dahil dinarag na ko ng kuya ko papuntang table malapit sa mga iba pa niyang kaibigan.

A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon