CHAPTER 6: REBECCA

284 2 0
                                    


Matapos ang lunch ay agad kong kinuha ang gitara ko para may magawa naman ako. Dahil sa ayoko ng matengga sa kwarto ko at wala rin naman akong makausap dahil ang kuya ko ay busyng busy sa pagiging loverboy sa lahat ng babaeng makita niyang maganda ay naiwan akong magisa. Naglakad-lakad ako at talaga namang hindi ko maitatangi ang ganda ng lugar. Green na green ang mga damo at talagang napakayabong ng mga puno. Swerte namang may nakita akong isang gazebo sa may tabi ng isang man-made pond na punong puno ng water lily at mga koi. Tumingin muna ako sa paligid kung may mga tao at swerte namang wala.

Hindi naman sa may pagka anti-social ako pero mas komportable ako pag ako lang magisa kasama ang gitara ko. Mas nakakarelax kasi eh,walang pressure. Kapag musika lang ang kasama mo, hindi mo kinakailangang makisama, hindi mo na kinakailangang magpretend na iba kang tao o maconscious sa hitsura mo compare kapag kasama mo ang maraming tao. Lahat pressure, ang daming expectation kaya naman mas gusto kong ako na lang magisa.

Masaya akong tumutugtog ng gitara ng may marinig akong ingay. Nagulat ako ng makita ko si kuya Nathan na nakatayo sa likod ko na mukha ring gulat na gulat. 

            “Kuya Nathan?” tanging nasambit ko.“Oy, nandito ka pala!” sabi naman niya . “Opo eh, tahimik kasi ditto kaya ditto nalang ako tumatambay, kayo po? Bakit kayo nandito?” tanong ko naman sa kanya. Medyo malayo-layo kasi to sa mga event places kaya nakakapagtaka talagang nandito rin siya, “Ah-eh, nagjajogging ako kaya napadpad ako ditto, lam mo na? stay healthy” ngiti naman niya sabay upo sa may tabi ko. “Anong tinutugtog mo?” tanong naman niya.“Ah, wala lang po. Kung ano-ano lang, pampatanggal boredom. Wala naman po kasi akong kakilala sa mga taong nandun eh, si kuya naman kasama sila ate Gretchen kaya wala rin akong makakausap at mao.op lang ako” sabi ko naman na habang inaatake na ko ng hiya. “Ah, e kung wala kang makausap e nandito naman ako, pwede mo kong tawagan o sabihan kung nabobored ka at ako bahala sayo” ngiti naman niya na sobrang nagpakilig sakin. Kitang-kita kasi ang pantay-pantay na mapuputing ngipin niya na lalong nagpagwapo sa kanya.

 “salamat kuya, don’t worry, I’ll keep that in my mind” ngiti ko nalang sagot sabay iwas ng tingin ko sa kanya. Baka kasi mahalata niya ang namumula kong pisngi.

Hindi ko malaman pero bigla nalang kameng parehong nanahimik, nagpapakiramdaman siguro. Pero dahil sa sobrang hiya ko na rin sinabayan pa ng kilig ko ay wala rin akong nagawa kundi manahimik na rin pero siya ang unang bumasag nito. “So, narinig kitang kumakanta ah? Ang ganda ng boses mo” sabi naman niya na nagpapaalala sakin ng ginawa niyang pagdungaw sa kwarto ko. “Salamat po, kayo po ba mahilig din kayo sa music?” tanong ko nalang sa kanya para maialis sa utak ko ang nakakatawang pangyayaring yun. “Uhm, let me think. When I was still a kid, my father hired a piano, violin, cello, guitar and even harp teacher pero in the end nobody lasted. Lahat sila nagresign within a month, hindi kinaya ang powers ko eh”natatawa naman niyang kwento. “Ha ? bakit? Anong ginawa mo?” tanong ko naman. “Let’s just say masyado akong mabait at binibigyan ko sila ng napakagandang experience kapag kasama nila ako” ngiti pa niya. “ikaw talaga kuya, siguro nung bata ka lang non, ngayong matanda ka na, baka nagbago ka na, siguro?” sagot ko naman sa kanya. “Haha , siguro"

A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon