Umabot na kame sa last night ng camp at nakagawian ng grupo nila dad na magdaos ng isang thanksgiving party na kumpleto sa gowns at suit and tie. Eto na ang last night namen sa country club, tomorrow, we are back again to the real world. And I know, this may be the last time that I would be with Rebeccaif wala akong gagawing action. Habang inaayos ko ang tie ko sa harap ng salamin ay may kumatok sa kwarto ko. “Sino yan?” sigaw ko. “Clint to!” sagot naman. “Oh pasok, bukas yan!” sabi ko naman sabay pasok. Nakablack tuxedo din ito at talagang umaastig ang pormang naglakad papunta sa tabi ko. “you look good bro!” sabi ko. “Kaw din, same as usual!” sabi naman nya. “Oh bakit ka napadaan?” tanong ko naman. “Wala lang, just checking you out” sabi naman niya sabay upo sa malapit na couch sakin. “well, that’s the first! I’ve never thought that you are that thoughtful” biro ko naman sa kanya as I offer him some wine na kinuha naman niya. “Well, the truth is Gretchen noticed something and what I mean of something is about you and Rebecca” sabi niya. “So?” tanong ko naman. “Sabi niya she’d never seen you like that daw before” patuloy naman ni Clint. “bakit naman niya nasabi yun? Is it a bad thing to be nice to a girl?” tanong ko naman. “Hindi nga eh, kahit ako dude nagulat ako. The way you treat her noong nagala tayo, it was really something. Dude! Never kang naging mabait sa mga babae, ikaw kaya ang pinakatarantado sa lahat saten. Sa tinginko dude, hindi mo lang siya like or crush or something.Dude this is serious! I think you love her” sabi niyang tinawanan ko lang.
“haha. I don’t know man, I mean” nawala tawa ko at napaseryoso ang pagsasalita ko. “honestly this is the first time I felt this way” nagugulohan kong pagamin sa kanya. “Its ok dude, ganyan din ako dati nung nainlove ako kay Gretchen, it sucks right?” natatawa niyang sabi sabay akbay sakin. “Yeah, totally. Pero ewan, she’s young pa kasi eh, lam mo yun? How would I continue this I mean, would I even have the courage to wait for her and this will be the last night? After this, eto pa rin ba kaya ang magiging feeling ko?” tanong ko sa kanya. “Dude, the answer to all your questions lies within you, hindi ako makakasagot niyan but this I know, if you truly love someone, age is just a number, Years are fast to come by and waiting is just an easy act. Kung mahal mo, kahit gaano pa katagal mahihintay mo” sabi niya sabay akbay sakin.
Pagkarating namen ni Clint sa may conference hall ng hotel ay halata mo na ang dagsa ng tao. Mga kababaihang kumukutikutitap sa mga suot na gowns at alahas at mga lalaking pataasan ng baba sa lakas ng loob. Habang naglalakad para hanapin ang table nila Gretchen ay naglalakbay din ang mata ko para hanapin si Rebecca ngunit bigo akong makita siya.
“Hi loverboy?” tawag saking likod. Doon ay nakita ko si Chelseang halos wala ng saplot sa gown niyang kita ang dibdib at kita ang likod. “Hi Chelsea, you look lovely tonight” sabi ko sa kanya. “I know, so later, let’s dance ok or if you want we can do more than dancing in my room?” sabi niya sabay kindat na nginitian ko lang saktong mula sa pintuang nasa likod ni Chelsea ay lumabas ang babaeng kanina ko pa hinahanap. “Excuse me Chelsea, I’m just going to get some punch” paalam ko ditto na lubos na ikinadismaya niya. Mabilis akong naglakad papuntang way ni Rebecca.
Talaga namang nangingibabaw ang ganda ni Rebecca sa suot niyang gold na gown na binagayan pa ng make-up at mga alahas niya. Nagmistula siyang prinsesang naligaw sa event na ito. “Hi ms. beautiful!” bati ko sa kanya na nginitian niya lang. “Hi mr. wow-you-look-handsome-with-that-tux” ngiti niyang bati. “Akala ko may prinsesang naligaw ditto sa may event na to, ikaw lang pala” biro ko sa kanya na tinawanan niya lang. “pagbigyan mo na,minsan lang naman to eh” natatawa niya namang sabi. “Care if I ask you to dance?” tanong ko sa kanya sabay alok ng kamay ko. “Pero wala pang sumasayaw?” sabi naman niya habang nagmamasid sa buong paligid. “Walang sasayaw kung walang mangungunang sumayaw so can you give me the honor to be your first dance?” tanong ko ulit na nginitian niya lang sabay abot ng kamay.
Halo-halong emosyon sa mga mukhang mga tao sa paligid namen nang daragin ko sa gitna si Rebecca. “nakakahiya” sabi niya habang nakatungo. “don’t worry, I’m here, kung mahihiya ka isipin mong may kasama kang gwapong gwapong lalaki na sinasayaw ka sa gitna ng mga pangit na to” sabi ko naman na tinawanan niya lang. nang magsimula kameng sumayaw ay nagsimula na rin ang orchestrang tumugtog. For once, it is me and her. It is like a fairytale, a fairytale leaded by the prince and not by the princess. Alam kong corny at alam kong bawal pero for once, as I look at this beautiful girl in front of me, I know, my heart is ready to love. It feels strange. like I’m a teenager again, yung tipong bumata ako dahil sa kilig na nararamdaman ko habang sinesway ko siya, habang nagtatawanan kameng sumasayaw at kahit maraming tao sa paligid namen ay siya pa rin ang nagiisang nakikita ko. Alam kong this will be my last time to be with her if wala akong gagawin kaya I chose to do the risky thing. Kahit nakapaligid ang maraming tao samen ay agad kong hinawakan ang kanyang leeg at binigyan siya ng isang halik sa labi.
Nagulat siya sa ginawa ko at napatigil sya sa kanyang kinatatayuan. Namulat siyang napatitig sakin ngunit lumipas pa ang ilang sandali ay pumikit rin siya at parang hinayaan lang ang labi ko salabi niya.
“Anong kagaguhan ang ginagawa mo?” sigaw ng isang boses at ng malingon ako, isang suntok ang inabot ko na nagpabagsak sakin sa sahig. “Nathan!” sigaw ni Rebecca sabay alalay saken. “F*ck Nathan! You’re my friend but you still tried to mess with my sister. Ganyan ka na ba kagago?” galit na galit na sabi ni Fred. Nagsimula ng magtipon ang mga tao sa paligid namen kasama na sila Clint at Gretchen na umaawat samen. “Fred, let me explain!” sabi ko habang inaalalayan ako ni Rebeccang makatayo. “Explain, dude! She’s only 16! Marami naman ditong babaeng pwede monglandiin bakit sa kapatid ko pa ha? nauubusan ka na ba?” duro niya pa sakin. “Fred, it’s not like that” sagot ko pa. “Anong kagulohan to?” nahati ang crowd ng dumaan ang papa ko na halatang walang kaalam-alam sa kagulohang nangyayari. “Tanungin nyo yang anak nyo!” sagot ni Fred sabay hila kay Rebecca na ngayon ay takot na takot at nagugulohan sa mga nangyayari.
“Nathan? What have you done this time?” tanong ni papa pero imbes na sagutin siya ay mas pinili ko nalang na tumakbo palayo. “Nathan!” tawag ni Clint sabay takbo papunta saken.
BINABASA MO ANG
A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)
RomansaSi Nathaniel Lopez ay isang well-known playboy. Masasabing na sa kanya na lahat maliban sa magandang ugali pagdating sa mga babae. Hindi siya ang ordinaryong babaero na halos ibigay na ang lahat para sa mga babaeng nakakadate niya, para sa kanya, an...