“Nathan” katok ni Clint at Gretchen sa office ko. Magdadalawang linggo na ng matapos ang camp. Nauna na kong umalis at hindi ko na hinintay ang kinabukasan. Sa lahat ng babaeng hinalikan ko ng walang paalam, kay Rebecca lang ako nahiya. Hindi ko alam, parang nakonsensya ako sa ginawa ko. Napakabata pa niya pero parang nanakawan ko agad siya ng isang bagay na pinahahalagahan niya.
“Yes, nadalaw kayo?” tanong ko naman sa dalawa habang papasok sa office ko. “Well, we just want to ask you if you want to go out? magdadalawang linggo mo na kasi kameng hindi kinakausap, dalawang linggo ka ng nagpapakabusy-busyhan atsaka dalawang linggo mo na rin kameng hindi sinasagot” sabi ni Gretchen. “Sagutin ang alin?” tanong ko. “Kamusta ka?” sabi nito. “Ok lang” sagot ko naman. “Liar! Tell us the truth Nathan! We’re no longer kids ok, so don’t tell us your bullshits cause we wont believe that! Tingnan mo nga hitsura mo, mukhang hindi ka pa nakakapagsuklay at nakakapaghilamos sa loob ng dalawang linggo tapos sasabihin mong okay ka?” patuloy naman ni Clint. “Ano bang gusto nyo saken?” tanong ko pa. “we want you to tell us the truth!” sabi naman ni Gretchen. “Anong truth?” tanong ko pabalik. “The truth that you fell in love with that 16 year old girl, na you love her so much but naduwag ka lang ipaglaban, na sa dalawang linggong hindi mo siya nakikita pero siya pa rin ang nasa isip at puso mo at ang katotohanang nabago ng batang yun ang isang Nathaniel Lopez!” tuloy-tuloy na sabi ni Gretchen na inirapan ko lang.
“that’s not the truth” sabi ko naman. “Really? Then enlighten us, what is the truth Nathan? Ano nga ba ang nangyayari sayo?” patuloy naman ni Clint. “I don’t know okay” pagsuko ko sa dalawang ito na grabe ang pang iipit sa akin. “Even your father, he is really concerned, I think you should talk to him” dagdag naman ni Gretchen. “He is just concerned na baka maapektuhan ang kumpanya niya” I said with bitterness in my tone. “Nathan, he is concerned because he knows what you feel” sabi naman ni Clint. “Bullshit, you know guys, let’s get over this na. wala na naman eh, I told you Clint, it’s only for a week and I don’t have any plans of pursuing Rebecca” sabi ko naman. “Really? Well, we will respect your decisions but we hope na hindi mo pagsisihan ang desisyong yan.” Sabi naman ni Gretchen. “Anyways, Rebecca will go back to Australia tomorrow, so yeah, alis na kame, sorry sa distractions” sabi naman ni Clint habang palabas sila ng pinto. “Ha? she will?” tanong ko. “Yep, as far as we know kasi nagaway sila ni Fred the night that you did that kiss kaya napagdesisyunan ni Fred na pabalikin nalang siya sa Australia para ilayo ang kapatid niya sa kamandag mo” sabi pa ni Clint. Natahimik lang ako sa kinatatayuan ko. “So, as we are saying, we will go na! see you later” paalam ng dalawa. Naiwan akong nakatulala sa hangin sa office ko.
Matapos kong malaman ang tungkol sa pagalis ni Rebecca agad akong napagisip-isip. Minabuti kong iwanan muna lahat ng trabaho ko sa office at umuwi muna sa bahay namen imbes na sa condo ko. Pagkabukas ko sa pintuan ay ang papa ko agad ang nakita kong nakaupo sa may salas namen.
“Oh, napadalaw ka?” sabi niya. “Ahh, wala lang. napadaan lang ako” sabi ko naman. Hindi ko naman kayang magalit ng lubusan sa papa ko. Simula kasi ng mawala ang mama ay si papa na ang nagsisilbing nanay at tatay sameng magkakapatid. Pinagsabay niya ang trabaho niya at ang pagaalaga samen kaya malaki ang respeto ko sa kanya. Siguro yun din ang dahilan kung bakit ganon nalang din ang tingin ko sa ibang babae. Nakita ko kasi kung paano magsuffer ang papa ng umalis at sumama sa ibang lalaki si mama kaya naman simula pagkabata ko ay tinatak ko ng wala talagang magagawang mabuti sa buhay mo ang tinatawag na pagibig.
“kamusta ka?”tanong niya. Naglakad ako papunta sa upuang nakaharap sa kanya at doon ako umupo“Maayos naman po ako. Pa, what I did there in the camp-” “No, Nathan, you really don’t have to explain” sabi niya. “no dad, I’m really sorry. Mali talaga ang ginawa ko, she’s young I mean the girl is only 16 years old” sabi ko naman. “Do you love that girl?” tanong niyang ikanagulat ko naman. “po?” tanging nasagot ko. “Son,the truth is, these past few months, I’ve been observing you. I know how you treat girls and I know one big factor of you being like that is because of your mom. That’s why I’ve been so worried about you, natatakot kasi akong ang pagkakamaling nagawa namen ng mama niyo ay maging rason para hindi ka na magkaroon ng sarili mong pamilya. Son, your mom and I was just not that compatible as we hope to be, she fell in love with someone and maybe the cause is maybe my own fault din. I’ve always been to focus on my business and sometimes I have my own wrong doing with other women kaya naman siguro sa huli nag give up na rin ang mama mo. I didn’t tell you before because you were too young to understand but as I saw you three grow old, I know it’s time but I didn’t have a chance to tell you.” Paliwanag ni papa na ikanabigla ko. “kaya anak, I don’t want you to make the same mistake that your papa did. Ayokong pakawalan mo yung taong mahal mo dahil sa ego mo at dahil sa pagpapabaya mo. I know the girl is too young but patience is a virtue my child. You don’t have to tell me. I have been observing you all throughout the week nung nasa camp pa tayoand as far as I can see, you really like this girl” sabi niyang nakangiti. “Dad” sabi ko namang gulat pa din sa pinagsasabi ng papa ko. “I know you son, I know how you treat all your girls kaya naman ng makuha ko ang mga picture nyo ni Rebecca-” “Dad, you hired someone to stalk to me?” gulat kong tanong. “Anak, lahat gagawin ko para malaman ko mga pinagagawa nyong tatlo kahit wala ako sa tabi niyo” sabi naman niyang parang nagpapalusot. “But dad, that is against my privacy! Our privacy!” sabi ko naman. “I know pero anak, let’s go back to the real point. I know how you treat all the other girls before. You treat them like trash, you don’t hold hands or akbay or anything, you just treat them like as I said, basura. But this girl, why sudden change?” tanong niya sakin. “Dad, let’s not talk about it” sabi ko naman. “Son, let’s talk about it” sabi naman niya. “Dad, it’s been only a week, I cant say anything about it, everything came too fast” sabi ko naman. “Son, when you met someone, whether its too young or too old, whether you’ve only known them for a day or years. Whether mas malaki o mas maliit sila, malalaman mo kung mahal mo sila the instance that your heart skips a beat. a week is composed of 7 days, 168 hours, 10080 minutes and 604,800 seconds which proves the speculation that every second counts kaya wag mo saking irason na isang linggo lang yun”ngiti niya sakin. “dad” tanging sambit ko lang. “Son, I just want you to be happy” ngiti niya sakin. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya.
As of now, I’m still clueless on what, when, how am I supposed to do this decision of mine, but there’s one thing I’m sure of. She’s not my karma, she’s my blessing.
BINABASA MO ANG
A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)
RomansaSi Nathaniel Lopez ay isang well-known playboy. Masasabing na sa kanya na lahat maliban sa magandang ugali pagdating sa mga babae. Hindi siya ang ordinaryong babaero na halos ibigay na ang lahat para sa mga babaeng nakakadate niya, para sa kanya, an...