Buong araw ay walang ginawa ang mata ko kundi hanapin si Rebecca pero not like the others, itong batang to ay napakahirap hagilapin. Nakakatwenty encounter na ko sa mga ex ko kaya naman talagang kanina pa ko umaani ng mga pilantik ng mga mata at katakot-takot na pananaray. Hanggang sumapit na ang hapon at nagive up na ko sa paglibot sa buong country club. Para makalayo sa encounter with my exes again ay minabuti ko nalang na humanap ng spot kung saan madalang ang mga tao.
Sa isang malaking puno sa may likod ng isang building ako nagpahinga muna. Maganda ang paligid at kitang kita ang alaga ng mga namumuno ditto sa mga garden. Kahit ang mga bulaklak ay halatang yumayabong sa ganda. “Siguro pag nagdalaga pa lalo si Rebecca, magiging ganyan din siya kaganda” Agad kong winaski sa utak ko ang kaisipan. Hanggang ba naman nagsosolo ako ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang batang yun? Tsk. Iba na to.
Kaya tumayo na ako sa pagkakaupo ko para humanap ng libangan ng marinig ko ang boses ng babaeng kanina ko pa hinahanap, si Rebecca. Naglakad akong paderecho sa isang malaking gazebo sa may tabi ng isang man-made pond at doon naabutan ko ang dalagang tumutugtog ng gitara habang kumakanta. Sinubukan kong lumapit pa pero napatigil ako ng makaapak ako ng mga tuyong dahon. Gumawa ito ng ingay kaya napatigil si Rebecca at napalingon sa direksyon ko. “Kuya Nathan?” tanging nasambit niya. Para hindi mahalatang kanina ko pa siya hinahanap at patay na patay akong makita siya ay kunwari ay nagjajogging ako. “Oy, nandito ka pala!” sabi ko naman. “Opo eh, tahimik kasi ditto kaya ditto nalang ako tumatambay, kayo po? Bakit kayo nandito?” tanong niya. “Ah-eh, nagjajogging ako kaya napadpad ako ditto, lam mo na? stay healthy” ngiti ko naman sabay upo sa may tabi niya. “Anong tinutugtog mo?” dagdag ko naman. “Ah, wala lang po. Kung ano-ano lang, pampatanggal boredom. Wala naman po kasi akong kakilala sa mga taong nandun eh, si kuya naman kasama sila ate Gretchen kaya wala rin akong makakausap at mao.op lang ako” sabi naman niya habang nilalaro ang mga strings ng gitara. “Ah, e kung wala kang makausap e nandito naman ako, pwede mo kong tawagan o sabihan kung nabobored ka at ako bahala sayo” ngiti ko naman. “salamat kuya, don’t worry, I’ll keep that in my mind” ngiti nya namang sagot.
Pagkatapos non ay nanahimik kameng pareho at pinagmasdan lang ang paligid namen. Dahil sa ayokong maging awkward ang pagsasama namen kaya ako na ang naunang bumasag ng katahimikan. “So, narinig kitang kumakanta ah? Ang ganda ng boses mo” sabi ko naman na nginitian niya. “Salamat po, kayo po ba mahilig din kayo sa music?” tanong naman niya. “Uhm, let me think. When I was still a kid, my father hired a piano, violin, cello, guitar and even harp teacher pero in the end nobody lasted. Lahat sila nagresign within a month, hindi kinaya ang powers ko eh”natatawa kong kwento sa kanya. “Ha ? bakit? Anong ginawa mo?” tanong naman niya. “Let’s just say masyado akong mabait at binibigyan ko sila ng napakagandang experience kapag kasama nila ako” ngiti kong sabi. “ikaw talaga kuya, siguro nung bata ka lang non, ngayong matanda ka na, baka nagbago ka na, siguro?” ngiti niya pa sakin. “Haha , siguro”
Umabot ng ilang oras ang mga kwentuhan namen hanggang sumapit na ang gabi. Sabay kameng naglakad papuntang tent hall kung saan nandun ang buffet. Habang naglalakad kame ay patuloy pa rin an gaming kwentuhan.
“Basta Rebecca, don’t forget tomorrow okay? Teach me how to play guitar” paalala ko sa kanya. Kinompromiso ko na kasi siya na turuan akong magitara ng sa gayon e makakuha ako ng oras na makasama siya habang nandito kame sa camp. “Yes kuya Nathan, don’t worry, I wont forget” ngiti naman niya. “don’t call me kuya, Nathan nalang, feeling ko kasi tumatanda ako lalo eh, 25 pa lang ako uy!” sabi ko naman ng pabiro. “Ok, Nathan, tomorrow” sabi naman niya sabay pasok sa tent.
BINABASA MO ANG
A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)
RomanceSi Nathaniel Lopez ay isang well-known playboy. Masasabing na sa kanya na lahat maliban sa magandang ugali pagdating sa mga babae. Hindi siya ang ordinaryong babaero na halos ibigay na ang lahat para sa mga babaeng nakakadate niya, para sa kanya, an...