CHAPTER 11: NATHANIEL

312 3 0
                                    

    Matapos ang dibdibang usapan namen ni Clint ay minabuti kong magswimming muna. Habang palakad ako ay napatigil ako ng nakita kong nandun si Bianca kasama pa ang iba kong mga exes. Dahan-dahan akong nagstep back pero sa kinamalas-malasan ay nasa likod ko pala si Chelsea na on the way din sa pagswimming.

“Hey Nathan? You’re going to swim too? Lika sabay na tayo!” sabi naman nito sabay pulupot sakin. “Ah, nawalan ako ng gana, sumakit tiyan ko, nahihilo pa ko kaya wag muna” palusot ko. “Ha? sayang naman! Lika na!” sabi pa nito. Habang patuloy ako sa paghindi kay Chelsea ay hindi ko namalayang nakita na rin ako nila Bianca. “Hey womanizer, scared to swim?” tanong nito na agad nginitian ko. “No, why would i? sabi ko sabay lagay ng twalya sa balikat ko. “leggo Chelsea?” aya ko at sabay kameng pumunta sa swimming pool.

Awkward man e nilakasan ko loob ko. I’m the man so I should not be afraid of these little petty devils este ladies. Masama ang tingin ng bawat isa samen ni Chelsea na halatang over sa paglandi sakin. Maya’t maya ang hawak niya saking dibdib at kung minsan ay nagpapaturo pang magswimming na tinatawanan lang nila Bianca. “So how are you my dear beloved ex?” tanong nito sakin sabay inom ng alak. “Well, im okay my dear beloved ex” sabi ko naman habang pakita pa din ng confidence na tinarayan lang ni Bianca. Nakarinig din ako ng sunod sunod na ubo ng “asshole” “Douchebag” “playboy” “go to hell”sa mga kasama ko sa pool. Nagging patibayan ang nagging laban namen, unang umalis ibig sabihin siya ang pinakahindi pa nakakamove on kaya naman kahit awkward na ang katahimikan ay wala talagang umaalis.

Im starting to enjoy the feeling na nabibigay ko sa kanila kaya mas dinecidedan kong magstay ng makita ko si Rebeccang dumaan na parang may hinahanap habang dala-dala ang gitara niya sa likod nya. Kahit ayoko pang umalis dahil baka isipin nilang ako ang pinakaweak samen ay ginawa ko pa rin. “So ladies, nice to see you again and bye” sabay alis ko na sinimangutan nilang lahat.

Takbo akong humabol kay Rebecca habang nagpupunas pa ako ng sarili ko. Agad kong sinuot ang tuyo kong tshirt at sumabay sa kanyang paglalakad. “Hey!” sabi ko . “Hey, hmm. Swimming ?” tanong niya habang naglalakbay padin ang mga mata niya. “Yes, and you?” tanong ko naman. “Im searching for this little white cat I’ve seen a while ago” sabi naman niya. “Ahh kaya ka pala mukhang may hinahanap!” sabi ko naman na parang nagkaepiphany ang reaksyon. “Uhmm. Mind if you help me?” tanong naman niya. “sure, why not?”

At dun nagsimula ang search for the missing cat namen. Bawat sulok ng buong villa ay tiningnan namen, kahit sa pinakatuktok at pinakababang lugar sa club ay pinuntahan namen hanggang makita namen sa may sulok ng isang bubong.

“Oh, Nathan ayun siya!” sabi niya. “Ok, ako na bahala” sabi ko naman sabay kuha ng isang upuang kahoy. Unstable man ay sinubok ko pa rin abutin ang pusa. “Ayan, konti pa!” cheer naman niya na ikinatuwa ko. “Wait lang, hey mingming, here, meow meow” sabi ko naman habang inaabot ang pusa na parang natakot sa presensya ko. Nakatodo na ang liyad ko para lang maabot ko at saktong pagkakuha ko sa pusa ay nawalan ng balance ang upuan at natumba ako sa mga upuang sira-sira narin.

“Ohmygosh! Are you okay?” agad na tanong sakin ni Rebecca pagkatumba ko. “I think” sabi ko naman na hindi pa din mabuksan ang kaliwa kong mata. “Oh my! You cut your left eye, there’s blood! Wait lang, let me get a first aid kit” sabi naman nya na nagpapanic na. “Calm down, its okay. It’s just a cut” sabi ko naman habang hinahawakan ang laki ng sugat ko. “No it isn’t, lika punta tayo sa may clinic” sabi naman niya habang inaalalayan niya kong tumayo. “No, its okay, no need to go to clinic” sabi ko naman. “Ok, ayaw mo ng first aid kit ayaw mo din ng clinic, anong gagawin naten jan?” tanong naman niya. “first aid kit is better”sabi ko naman. “Ok, let’s go to my room and let’s clean that up, ok na?” sabi naman niya. “much better”

Pagkarating na pagkarating namen sa room niya ay agad siyang kumuha ng alcohol, betadine, cotton at bandage. “sorry ha? dahil saken kaya nagkasugat” sabi nito habang nilalagyan ng alcohol ang cotton. “Ouch! I mean ok lang” Napatingin ako sa kanya habang pinupunasan niya ang sugat ko. Mga 5 inches lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko kaya naman kitang kita ko ng malapitan ang kagandahan niya. Ang mata niya ay parang pusa din pala, napakaamo at napakaganda. Ang ilong niyang maliit ay bumabagay sa maganda niyang labi. “Ang ganda mo pala talaga kahit malapitan” hindi ko mapigilang sabihin. Napalayo siya ng wala sa oras. “S-salamat, ikaw talaga kung ano-ano pang sinasabi mo” sabi naman niya na nahihiyang tumingin sakin kaya binusy ang sarili sa pagaayos ng mga gamit. “Ayan! Malinis na” sabi niya sabay lagay ng band-aid sa sugat ko. “hindi naman pala malaki eh” dagdag niya pa. “Sabi ko naman sayo eh, kaw kasi alalang alala agad” sabi ko naman habang hinahawakan ang sugat kong natakpan na ng band-aid. “Oh okay na yang sugat mo, halika na, baba na tayo?” pagbabago ng usapan sabi niya. “Halikan na? aba! Bata ka pa ah?” biro ko naman na tinawanan at dinilaan niya lang.

            Natapos ang araw ko ng kasama si Rebecca. Sinimulan niya na kong turuan ng gitara at pakonti-konti ay may natutunan naman ako. Umiikot nga lang sa C-G-A ang alam kong chords pero at least there’s a progress right? Kumain rin kame ng sabay at ng kinagabihan ay sabay kameng nakisama sa grupo nila Fred. Pansin ko ang pagkawala ng saya sa mukha ni Clint dahil na rin siguro siya lang nakakaalam ng tunay kong nararamdaman.

            Kahit si Fred ay medyo nawala ang saya sa mukha ng makitang kasama ko ang kapatid niya. “Oh napano ang mata mo? Napaaway ka?” tanong ni Fred ng mapansin ang bandaid sa mata ko. “Baka binugbog ng mga ex niya” sagot naman ni Gretchen sabay lagok ng beer. “mga loko! Nabagok ulo ko kanina habang naggygym ako kaya nasugatan” sabi ko naman.bilang isang Nathaniel Lopez,never kong sasabihin sa mga kaibigan ko na nasugatan ako dahil sa pagrescue sa isang pusa which kinda seems weak and petty kaya naman lying 101 ang ginawa ko. Sumulyap lang ako kay Rebecca para isignal na makisakay nalang siya na nginitian niya lang. “ahh, tanga lang e no? Oh how about you baby Rebecca? How’s your day? Kanina pa kita hinahanap, sabi ko ditto sa kuya mo bonding tayong mga girls kasama mo lang pala tong ugok na to!” baling naman ni Gretchen kay Rebecca. “Ahmm, medyo masama po pakiramdam ko siguro dahil sa jetlag padin kaya nagstay lang po ako sa kwarto ko, nung papunta po ko ditto tsaka ko po nakasabay itong si kuya Nathan” palusot nito. Siguro nakaramdam din siyang hindi matutuwa ang kuya niyang malaman na kasama niya ako buong maghapon. “Ah ganon ba? Tomorrow? Bond tayo ha?” sabi naman ni Gretchen. “ok po” sabi naman niya.

Nakailang bucket ata kame ng beer bago kame lahat magcall ng quits. Si Rebecca ay medyo nagleletlose ng kasama si Gretchen na panay ang tawa, si Wilson naman at Fred ay grabe ang pacute sa babaeng kasama nila at kame ni Clint ay malalim namang naguusap.

“Bro, are you sure talaga ba?” tanong naman ni Clint. “Sure saan naman?” tanong ko sabay lagok ng beer. “about this girl, wag mo kong lokohin, nakita ko kayong dalawang magkasama buong maghapon, ano ba talagang real deal sayo?” tanong naman nito. “Anong real deal, enlighten me” tanong ko rin sa kanya. “tigilan mo nga ko diyan sa paligoy-ligoy mo! Yung totoo bro, I’ve never seen you like this with any other girls you’ve had, mahirap pang magassume ngayon dahil its too early but you’re different with this girl, so what’s the catch?” tanong niyang pabalik. “anong catch? Bro, I told you, this girl is different, she’s not like any other girls I’ve met before kaya wag mo siyang icompare dun” sabi ko naman sabay tayo. “But she’s still a girl and as far as I know your father wont be happy to know that you’re having an affair with a 16 year old girl na anak na naman ng kaibigan niya, dude! You are entering a huge mess kaya hangga’t kaya mo pa e lumabas ka na diyan!” sabi naman niya na sinundan ako sa terrace. “Clint, I’m not doing anything wrong. Kelan pa nagging mali makipagusap at magpaturo ng gitara sa isang 16 year old?” depensa ko naman. “Bro, I know you, kung magpapaturo ka ng gitara, maghire ka nalang ng guitar pro para don at maraming babaeng magaganda at mga sexy ditto sa club, bakit sa isang bata ka pa magsasayang ng oras?” sagot naman niya. “I told you I like her but I’m not going to chase her after this camp kaya wag kang magworry” sabi ko naman sa kanya para tumahimik na siya. “Ok dude, after this camp you better stick with your words” sabi naman niyang gumive up na sa pamimisa saken. “I will”

A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon