CHAPTER 12: NATHANIEL

283 1 0
                                    


            It is still 3 in the morning ng may narinig akong kumakatok sa pintuan ko. Dahil sa mababaw lang ako matulog kaya narinig ko agad ito, mabigat man ang katawan ko ay tumayo ako para buksan ang pintuan ko. “good morning sleepyhead!” bati nila Gretchen, Wilson at Fred. “Oh? Anong ginagawa nyo ditto?” tanong ko naman na habang kakamot-kamot pa ng ulo ko. “Let’s do some roadtrip aye?” sabi naman ni Wilson. “Roadtrip? Ngayon?” tanong ko naman. “Oo, ngayon kaya ayusin mo na ang mga gamit mo at mag-gagala tayo! Bilis! Hihintayin ka namen sa baba ha? bye!” utos naman ni Gretchen kaya wala na kong nagawa at pumasok nalang ako sa loob ng kwarto at kumuha ng bag na paglalagyan ng gamit ko.

Pagkababang pagkababa ko ay nakita ko agad ang grupo ng mga kaibigan kong busying busy nagsasakay ng mga gamit nila sa van na puti. “Oy! Glad to see you my friend!” bati ni Fred ng makita ako. “Oh, sino-sino tayo?” tanong ko naman. “Ahh, nandiyan sila Wilson, Gretchen, Clint, sinama ko din si Chelsea para alam mo na? makascore!” kindat pa ni Fred na nginitian ko. “Ah si Rebecca? Di sasama?” tanong ko. “Ah oo nga pala kasama pa si Rebecca, sapilitan nga lang kaya yun natutulog pa sa van!” dagdag niya habang nagsasakay ng cooler. Biglang nagkabuhay ako ng marinig ko ang pangalan ng dalaga kaya agad akong sumakay sa van at don naabutan ko ang nakaupong natutulog na si Rebecca. Napangiti ako ng makita ko na kahit tulog ang bata ay napakaganda pa rin neto. “Oy! Sakay na ng makaalis na!” tawag ni Wilson habang nasa driver seat. Agad nagsakayan ang lahat, dahil nasa dulo si Rebecca ay minabuti ko ring tumabi sa kanya para magkamoment kung may chance pero nasira lahat ng taktika ko ng umupo sa tabi ko si Chelsea at Fred.

“hi Nathan! Glad to see you again, bakit parang hindi kita nakikita these days? San kaba nagsusuot?” tanong nito sakin na nginitian ko lang. “ahm, let’s just say I have my hands full these days” sabi ko nalang. “Ahh ganon ba? Well, ngayon, let’s spend the whole day together. Agree?” ngiti na naman nito habang pinapakita ang cleavage niya sakin na nginitian ko nalang. “Chelsea baby, ayaw mo bang ispend kasama ko ang araw mo?” singit naman ni Fred na tinarayan lang ni Chelsea. Sa kabilang banda ay malalim pa rin ang tulog ni Rebecca kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ito ng mabuti habang nagkukulitan ang dalawa sa tabi ko. Nakarating kame sa picnic grove ng mabilis.

“Guys we’re here!” sabi ni Wilson na nakapagpagising kay Rebecca. Medyo nagulat pa siya ng makitang nakasandal siya saking natulog. “Oh, hi kuya Nathan!” ngiti niyang nahihiya. “Lalim ng tulog mo ah? Di na tuloy kita ginising” sabi ko naman. “Ah sorry, natuloan ba kita ng laway?” tanong niyang ikinatawa ko naman. “Don’t worry, you didn’t” sabi ko naman na ikanaluwang ng hininga niya.

Isa-isa na kameng bumaba at sabay-sabay kameng naglakad. Si Wilson at Fred ay magkasama na namang nagpapacute kay Chelsea. Si Gretchen at Clint naman ay busying busy sa pagphophoto shoot sa mga makikita nilang magandang spot habang si Rebecca ay wala pa sa sariling naglalakad dahil kagigising pa lang. hinabol ko siya at inakbayan na ikanagulat naman niya. “Antok pa?” tanong ko. Sa sobrang liit nya sakin ay hanggang kilikili ko lang siya kaya ang akbay ko ay hindi nagend up sa balikat niya kundi sa ulo niya. “Ah oo, medyo eh” sabi naman niya na parang hinayaan nalang ang pagakbay ko. “Lika, may nagbebenta ata dun ng taho, libre kita!” sabi ko sabay hatak sa kamay niya papunta sa matandang lalakeng nagbebenta ng taho. “Masarap ba  yan?” tanong niya. “Hindi ka pa nakatikim ng taho?” gulat kong tanong. “Uhmm hindi pa eh” sagot naman niya. “Wow, so its my pleasure to let you taste this only in the Philippines delicacy” sabi ko sabay abot sa kanya. Kinuha naman niya ito sabay tikim ditto. Hindi maitatago sa mukha niyang nasarapan siya. “Soya?” tanong niya. “Yep” maikli kong sagot. “I love soya!” sabi naman niyang ikinatuwa ko. Nakita kame ng grupo kaya nagsipuntahan at nagsibilihan din sila.

Buong magdamag ay lagi lang akong tumatabi kay Rebecca. Sabay kame sa bawat lakaran at as much as possible ay lagi ko siyang inaalalayan dahil may pagka-lampa siya which I find as cute. Sabay rin kameng sumakay ng zipline at sumakay ng kabayo. All throughout puro moments namen, kahit marami kameng kasabay pero ang feeling ko parang kame lang dalawa ang nageexist sa mundo. Her smile and mine. I know this kinda sounds cheesy and everything but I wont deny the factor that this little girl makes me smile like no one else. I don’t know, its her laugh, her small cute gestures, her eyes na hindi mo na makikita kapag ngumiti siya, the way she playfully make faces when she is pissed off or kapag kinikilig siya,lahat. Habang pinagmamasdan ko siya, its starting to feel that im falling head over heels for her, I mean, the whole her.

“Oy, kame nila Chelsea ang magkakasabay ha?” bawi ni Fred habang naghihintay kame ng turn sa big eye sa skyranch. “Ayoko nga, gusto kong makasabay si Nathan” sabi naman nito sabay kapit sa braso ko. “Sorry Chelsea! Kameng apat na nila Clint, Gretchen at Rebecca eh” sabi ko naman. #sorrynotsorry “Fine! Magsama kayo!” nakaismid niyang sabi. Tinawanan ko na lang siya. Dumating na ang turn namen at sumakay na kame sa ferris wheel. Inalalayan ko si Rebecca sa paghakbang na hindi naman nakawala sa paningin ni Gretchen. Pinagmasdan niya lang ako at tiningnan ko naman siya na parang nagsasabing “What?”

Nagsimula na ang pagikot ng ferris wheel at talaga namang napakaganda ng tanawin. Kitang kita ang buong Tagaytay kaya naman todo turo ako sa magagandang place tingnan kay Rebecca na ikanatuwa naman ng dalaga. Sila Clint at Gretchen ay may sarili ring mundo pero hindi nawawala ang tingin sa akin. Parang nagoobserba ba? natapos ang aming araw na hindi nawala ang ngiti sakin. Finally, I think I got the answer to Clint’s question and it starts with “I am sure”

A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon