CHAPTER 7: NATHANIEL

277 2 0
                                    

        Natapos ang araw kong may ngiti sa aking mgalabi. Alam kong bawal pero wala naman akong nakikitang masama sa ginagawa ko kaya ipagpapatuloy ko. I mean, just to be clear, I don’t have any sexual motives or something, just pure friendship and that for me is enough to be considered as “not a threat” sign para idiscourage ng kung sino man ang paglapit ko kay Rebecca.

            Pagpasok ko sa kwarto ay naaalala ko nga palang nasa kabilang kwarto lang din si Rebecca. “kung tinatamaan ka nga naman ng swerte” nasabi ko nalang sa sarili ko. Dahil alam kong kanina pa siya sa nasa kwarto niya ay pumunta agad ako ng terrace ng kwarto ko para icheck kung may ilaw ang kwartong nasa tabi ko at jackpot! May ilaw pa! Alam kong hindi niya pa alam na magkatabi lang ang kwarto namen kaya sinamantala ko na ang pagkakataon. Agad akong pumunta sa banyo at nilublob ang tuwalya sa may sink habang ang buhok ko naman ay binasa ko rin ngtubig at dali-dali akong pumunta sa may harap ng pintuan niya at kumatok.

Mga dalawang minutong lumipas ay narinig ko ang mga yabag ng paang papunta sa pintuan. Para hindi mahalatang ineexpect ko siya ang makikita ko ay kunwari ay nakatalikod akong naghihintay. Pagbukas ng pinto ay humarap agad ako at umarteng gulat na gulat na siya ang nagmamay-ari ng kwarto.

“Oy! Ditto ka pala sa katabing kwarto ko nagste-stay?” sabi ko habang pangoscars ang acting ko. “Hi kuya Nathan, yep! Ditto ka lang sa tabi nagstestay? Anong nangyari sayo?” tanong naman niya. “Oo eh, ang galing no?uhmm. Anyway, makikisuyo sana akong makitawag sa telephone mo kasi naubusan ako ng twalya e mukhang sira yung telephone sa room ko kaya di ko matawagan ang lobby kaya eto ako, basang basa kaya I need an extra towel right now” sabi ko na kunwari yun talaga ang pakay ko. “Oh sure, lika pasok ka!” aya niya at pumasok naman ako ng may ngiti sa aking labi. Dahil sa hindi naman talaga ako nasiraan ng telephone at ayokong malaman ni Rebecca na nagsisinungaling ako kaya telephone ni Clint ang tinawagan ko. Matagal din bago niya sagutin.

“Hi, miss, yes, this is Nathan Lopez of D24, yes, my telephone wont work so I have to use this, no, what I need aside from that is an extra towel, yes, an extra towel!” “Dude, anong miss? at bakit ka napatawag at anong kinalaman ko sa extra towel mo?” sagot naman sa kabilang linya ni Clint. “No, I wont take no for an answer, kaylangan niyong ayusin ngayon din ang telephone ko, nakakahiya nga at nakigamit pa ko sa katabing room ko para lang makatawag sa inyo just to ask for extra towels”patuloy ko naman kahit alam kong wala naman talaga akong kausap “Nathan you’re drunk! Go to sleep you a**hole!” inis na sambit ni Clint sabay baba ng telepono.

“Ah, akalain mo tong receptionist na to, sila na nga mali, ako pa binabaan” pigil kong tawang sabi sabay baling kay Rebecca. “Ganon ba? Gusto mong babaan na po naten, sasamahan kita. Very bastos naman non? Wait lang bibihis lang ako” sabi niya ng akmang kukuha ng jacket para bumaba. “A-ah-ay, hindi na kelangan, ako na bahala sa kanila, bukas! Bukas ko nalang sila pagagalitan, lam mo na, gabi na rin” sabi ko naman na tinatago ang nerbyos ko. “Ah ganon po ba, o sige. Pero need mo pa rin po diba ng twalya, I think I have some extra here” sabi naman niya sabay kuha ng isang putting twalya mula sa bathroom at abot sakin.

“Ay salamat, ang bait mo talagang bata ka” sabi ko naman na kunwari ay nakahinga ng maluwang dahil sa twalya. Pagkakuhang pagkakuha ay agad kong pinunasan ang buhok kong tinutuluan pa ng tubig. “Ayan! Hindi ka na kuya mukhang basang sisiw” natatawa niyang sabi. “Basang sisiw ka diyan, sa gwapo kong to? Basang sisiw?” biro ko naman. “Ha-ha. yes, and I think you should continue that sa room mo po kasi matutulog na po ko if inyong mararapatin”sabi naman niya. “Ah ganon ba? O sige, salamat ulit ditto sa twalya mo, see you tomorrow”sabi ko naman habang palabas ako ng kwarto niya. “Yes, see ya!” ngiti niya sabay sarado ng pinto.

A WEEK WITH LOVE: BOOK 1 (THE MEETING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon