Kabanata I

6.6K 72 9
                                    

KABANATA I

"Nay! Alam naman po nating napakamakapangyarihan ng pamilyang Wiese! Bakit sa dinami rami ng bahay at mansion dito sa lugar natin ay sila pa ang napili mong pagnakawan?!" Isang malakas na sampal ang natamo ko mula sa aking ina.

"Huwag mo akong pagsasalitaan ha! Wala kang karapatang mangialam sa mga ginagawa ko dahil unang-una wala ka namang naitulong sa akin! Ayaw mo pa kasing pumasok sa bar ng tiyahin mo! Hindi ko naman kailangang magnakaw 'kung meron akong pera! Bwisit!" Tumulo ang mga luha 'kong kanina ko pa pinipigilan.

"Ga'nun ba kadali ang ipamigay ako? Nay, babae ako! May dignidad ako, nay! Kailanman ay hindi ko magagawang dumihan at dungisan ang pagkatao ko! Marangal naman ang trabaho ko, nay, ha? Hindi pa ba sapat ang sampung libo sa isang buwan?" Itinulak ako ng ina ko kaya napasalampak ako sa sahig.

"Sampung libo sa isang buwan? Tingin mo matutuwa ako doon, 'kung pwede ka namang kumita ng sampung libo at mahigit pa sa isang gabi, sa tingin mo matutuwa ako sa pagiging marangal mo?!" Tinalikuran ako ng ina ko matapos niyang sabihin ang mga masasakit na salitang iyon.

"Pero hindi kailanman magiging paraan ang pagnanakaw para kumita ka ng pera, nay!" Muli niya akong hinarap, magkasalubong ang mga kilay.

"Ako pa ngayon ang dinidiktahan mo?! E sa wala ka nang perang maibigay sa akin e!"

"Makukulong ka, nay! Makukulong ka! Puro ka kasi pera! Pera! Pera! Wala ka nang inisip kundi ang magkapera! Hindi ka kasi nakukuntento sa ipinagkaloob sa akin ng Diyos! Hindi ba dapat nagpapasalamat pa tayo dahil binigyan niya ako ng trabaho?! Nay, maraming paraan! Maraming pagkakataon! 'Kung gusto mong magnakaw para magkapera, maling-mali ka! Hin-"

"Tumigil ka! Wala akong anak na katulad mo! Naririndi na ako sa pagtawag mo sa akin ng nanay! Hindi kita anak! Umalis ka dito! Lumayas ka!"

"Yan ba talaga ang gusto niyo? Ang mawala na ako sa paningin ninyo? Ako na nga lang ang nagmamalasakit sa inyo, ako pa ang tinataboy ninyo. Sige. Aalis ako. Wala kasi akong kwentang anak." Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang punit punit ko nang bag at nag-empake.

"Ayan! Mas mabuti iyan! Nang mawalan na nang pabigat dito sa bahay!" Ako po ang nagbabayad ng inuupahan ninyo, nay.

H

"Dei! Halika! May ipapakita ako sa 'yo!" Lumapit ako kay Anya. "Ano 'yun?" Ipinakita niya sa akin ang nakita niya sa internet.

"May trabahong inaalok ang company ng Wiese. Grabe! Ang laki ng suweldo! Katumbas na 'nun ang tatlong buwan nating suweldo!" Tinitigan ko naman iyon.

WIESE CORPORATION.

We're looking for executive secretary for our Chief Operating Officer, Mr. Gusford Eryk Wiese.

• 2-5 years job experience in the same field
• comfortable working with company executives
• with pleasing personality

Minimum and possible wages up to P20,000 per month - P30,000 per month.
Maximum and possible to reach P40,000 per month.

Please contact xxx-xxxx

"Napakayaman na talaga ng Wiese 'no?" Tumango naman ako sa nasambit ni Anya. "'Di ba nangangailangan ka ng pera dahil pinalayas ka na nang butihin mong ina? Mag-apply ka kaya?" Napalingon naman agad ako sa kaniya nang i-suggest niya ang opinyon niya.

"Ano namang alam ko diyan? Saka wala akong natapos. Hanggang elementary lang ako. Tiyak din namang maraming mag-aapply diyan. Mas mabuti na lang na maglinis ako dito sa mall kaysa ang mag-aksaya ng oras para diyan." Ngumuso naman siya.

Save Me From PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon