Kabanata XIX

2.4K 39 0
                                    

KABANATA XIX

after a month...

Umiinom ako ng kape dito sa garden ng bahay habang hinihintay ang aming mga bisita. "Why are you here?" Nilingon ko si Eryk na kakarating lang.

"Nagpapahangin lang. Kumain ka na ba? Hindi ka nagbreakfast kanina, nag lunch ka ba sa office?" Hinapit niya ako sa beywang at inilapit sa kaniya. "Hmm?"

"I missed you." Inilapag ko sa mesa ang baso ng kape ko pagkatapos ay hinampas ko siya. "Para namang pumunta ka sa malayong lugar at miss na miss mo ako." Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa labi.

"Of course. Mamimiss talaga kita, honey. Anyways, ano pala 'yung surprise mo? Why did you throw a party?" Nginisian ko siya.

"Secret. Kaya nga surprise e, dapat walang nakakaalam maliban sa akin." Napanguso naman siya.

"I thought I'll get a good night sleep, with you, but I guess we'll not do it tonight. Madaming tao." Hinampas ko siya sa braso.

"Ano ba. Pagod ka na't lahat 'yan pa rin ang iniisip mo." Tumawa naman siya.

"I'll never get tired of you." Humalik ulit siya kaya para hindi na umabot pa sa 'kung saan, tinulak ko siya at kinuha ulit ang baso ng kape ko.

"Tutulungan ko lang sila manang maghanda at ikaw? Maligo ka na. Pajama party!" Umalis na ako ng garden at pumasok na ako ng bahay. Napakapilyo talaga ni Eryk.

"Anak, hindi na kami magkandaugaga dito dahil excited na rin kami para mamaya. Diyos ko, hindi ko akalain na mag-aalaga na naman ako ng isang nagdadalang tao, may chikiting na naman akong aalagaan. Nakakatuwang isipin." Nginitian ko si manang.

"Ako 'din po excited na. Lalo na po sa reaksyon ng asawa ko. Sigurado po ako matutuwa 'yun."

"Ay siyempre naman, anak! Magkakaroon na siya agad ng tagapagmana." Umiling ako. "Hindi 'din po tayo sigurado doon dahil panigurado ay may kailangang sunding will ang mga magiging apo nila tita Lualhati."

"Ay sa bagay. Nakagawian na rin 'yan sa pamilya nila." Tumango ako.

"Kaya nga po masaya ako dahil magkakaanak na ako. Kahit hindi na po tagapagmana, basta malusog 'yung bata." Tumango tango si manang.

"O siya. Malapit na ring pumunta ang mga inimbitahan mo, tatapusin muna namin ito para handa na ang lahat kapag nandito na sila." Tumango ako.

"Sige po." Pumunta ako sa sala at umupo sa sofa. Bumuntong hininga ako.

"Sa wakas, masaya na rin ako. Wala na ring sakit, wala 'nang pagpapanggap." Napangiti ako sa sariling naisip.

Buong buhay ko naghanap ako ng taong maiiiwas ako sa sakit. 'Yung taong kaya akong tanggapin. 'Yung taong kaya akong mahalin dahil tanggap niya ako. 'Yung taong kaya akong pahalagahan, ingatan at respetuhin. Ngayon ay masaya na ako dahil nahanap ko na siya. Si Eryk, ang asawa ko. 'Nung una, nasaktan ako ng sobra dahil parang wala lang ako sa kaniya. Hindi ko 'din naman inaasahan na mamahalin niya ako, o kahit kilalanin bilang asawa niya pero sobrang swerte ko siguro talaga. Kinilala niya ako, pinagtanggol, inalagaan, pinahalagahan, iningatan, at higit sa lahat minahal niya ako. Wala na sigurong mas sasaya pa sa mahalin ako ng isang Wiese. Ang nag-iisa 'kong Wiese, Eryk.

"Dei! Nandito na kami!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at dumiretso ng pinto. "Namiss kita ng sobra sobra!" Bumungad sa akin ang isang mahigpit na yakap. Hinagod ko ang likod ni Anya.

"Namiss 'din kita. Na saan si Pablo?" Humiwalay siya sa akin at napairap. "A'yun! Na sa sasakyan. Ang kupad kupad kumilos, Diyos ko! Dapat talaga hindi mo na lang siya inimbitahan e or 'di kaya hindi ko na lang isinabay!" Inakbayan ko si Anya.

"Ano ka ba, kalma!" Ngumiti siya sa akin at patakbong pumasok ng bahay.

"Nay..." Lumapit sa akin ang nanay ko at niyakap ako.

"Pagpasensyahan mo na ang nanay 'kung naging gahaman ako sa pera. Naging magnanakaw pa ako dahil lang sa 'kung anumang kagagahang gusto ko. Pagpasensyahan mo na rin ako 'kung hindi kita inalagaan o binigyang pansin manlang. Patawarin mo sana ako, anak..." Naiyak ako dahil sa sinabi ng nanay ko.

"Nay naman, 'kung hindi dahil sa lahat ng nangyari, hindi ko naman po makikilala ang lalaking makakapagpasaya at bubuo sa buhay ko e. Salamat sa lahat nay, alam ko po na may mga pagkukulang kayo pero bilang anak niyo, may mga pagkukulang rin naman ako kaya pinapatawad na po kita, nay. I love you po." Hinalikan ko siya sa noo at niyakap ng mahigpit.

"Love you too, anak." Bigla namang may nakiakap sa amin at paglingon ko ay nakita ko si Pablo. "Sama naman ako! Love ko 'din kayo e!" Hinampas ko siya sa braso.

"Sige nay, pasok na po kayo sa loob." Sinundo ni Anya si nanay at sabay silang pumasok ng bahay.

"Bakla ka! Hindi ka manlang nagparamdam manlang sa akin! Kumusta na ang buhay natin diyan?" Bumulong siya sa akin.

"Secret." Hinampas ko siya sa braso. "Ikaw umayos ayos ka, please lang." Napairap na lang siya.

"Paanong ayos?" Hinampas hampas ko siya sa braso.

"Torpe ka pa rin ba? Diyos ko! Mauunahan ka na niyan ng mga manliligaw ni Anya!"

"Duh, ew! 'Di ko na siya want 'no! Mandiri ka, please." Napairap ako.

"Wala 'kang mauuto dito bakla. Bakla ka man pero gusto mo pa rin si Anya. 'Kung na saan nga si Anya ay nandun ka e. Dati nga ako lang inaaya ni Anya sa trabaho tapos pati ikaw naki-apply. O sige nga, bakit mo ginagawa lahat ng 'yun? 'Di ba hanggang ngayon ay kasama mo pa rin siya sa trabaho? Wala 'kang mauuto, baklang 'to." Ngumuso siya at napabuntong hininga.

"Hindi naman kasi niya ako want e. Alam mo naman 'yun. Gusto barako. Tigasin. Anong laban ng isang tulad 'kong pusong mamon?"

"Ang chaka mo magdrama! Aamin lang naman e." Ngumiti siya ng malapad.

"Tulungan mo akong umamin." Tinalikuran ko siya at pumasok na sa loob ng bahay. "Diskarte mo na 'yan, bakla." Hinabol niya ako at hinila niya ako sa braso.

"Sige na, o. Please, please?" With matching puppy eyes pa.

"Honey!" Mabilis na lumapit sa akin si Eryk at hinila ako sa braso, palayo kay Pablo. "Oh?" Sinamaan niya ng tingin si Pablo. Natawa naman ang bakla.

"Hindi ko siya aagawin 'no! May gusto na akong iba." Napatayo naman sa sofa si Anya.

"Hala seryoso ba?!" Niyakap ni Anya si Pablo. "Dalaga ka na ba o binata na? Alin sa dalawa? I'm so happy for you!" Ipinulupot ni Pablo ang kamay niya sa beywang ni Anya.

"Anya, gusto kita." Nanlaki ang mga mata ko at napalingon pa ako kay Eryk na lumingon 'din pala sa akin. Tumahimik ang buong paligid at sabay sabay kaming natawa.

"Diyos ko, nagising 'din ang diwa mo!" Sigaw ni nanay.

"Finally!" Sigaw ko naman.

"Omg! Like, ako talaga?! As in me, your one and only Anya?! Legit ba 'to?! Hindi ba 'to scam?! Totoo ba, totoo ba?!" Nahihiyang tumango si Pablo.

"Oo. Ikaw nga. My one and only, Anya." Nagtatatalon si Anya. "Omg, bakla! Huwag ka 'nang manligaw." Lahat kami ay natigilan sa sinabi ni Anya.

"B-bakit naman?" Tumalon si Anya at yumakap kay Pablo.

"Huwag ka 'nang manligaw dahil sinasagot na kita! Gusto 'din kita, bakla! Gustong gusto! Yie!" Niyakap ng mahigpit ni Pablo si Anya at binuhat niya ito at nagpaikot-ikot.

"Kami na, Dei! Kami na talaga!" Sigaw ni Pablo. Tumango ako.

"Alam ko and masaya ako para sa inyong dalawa." Biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Prinyana, Rocco, Duke at Dianne.

"What did we missed?" Bungad ni Prinyana. Lumapit si Anya kay Rocco at inakbayan ito. "Kami na ni Pablo. Nakakatuwa 'di ba?" Bigla namang lumitaw si Pablo sa tabi ni Anya at hinila niya ito palayo kay Rocco. "O kita mo! Selos agad ang bakla!" Natawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Anya.

"O siya! Bago pa mapunta sa 'kung anuman ito. Maupo na muna kayo. Nandiyan na rin ba sila lolo, tita Lualhati at tito Peter?" Tumango si Duke.

"Papunta na. May binili lang. What's the special occasion?" Ngumiti ako sa kanilang lahat bago sinabing, "Hintayin muna natin sila tita." Lahat sila ay umangal pero nginitian ko lang sila.

Save Me From PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon