Kabanata X

2.6K 48 1
                                    

KABANATA X

Third Person's POV

Nagising si Amede dahil sa pagtunog ng cellphone niya. Kinapa niya ang cellphone sa tabi niya at sinagot ang tawag. "Hello?" Namamaos niyang sagot.

"Anong oras ka pumunta dito? Hindi ka manlang nagpakita." Bumangon si Amede at tumingin sa orasan.

"Hala! Oo nga pala! Pupunta na ako diyan!"

"Ha? 'Di ba pumunta ka na kanina dito? Hindi mo manlang ako dinaanan." Napahinto si Amede sa pagkuha ng tuwalya niya.

"Ha? Anong sinasabi mo? Kakagising ko lang." Tumawa naman si Anya mula sa kabilang linya.

"Nagsisinungaling ka pa e. Nandito nga 'yung nanay mo sa amin e. Nagpapasalamat."

"Na sa inyo si nanay? Akala ko ba nakakulong siya?"

"Uh? Napalaya mo na siya hindi ba? Bilib nga ako sa 'yo e. Sa loob ng isang araw nakahanap ka ng 55,000."

"Pero..." Biglang pumasok sa isip ni Amede si Eryk. "A-ah. Oo. Tatawagan na lang ulit kita mamaya." Ibinaba niya ang tawag at mabilis na lumabas ng kuwarto niya.

Pumunta siya sa garahe at nakita niya ang sasakyan ni Eryk na nakapark. "Umuwi siya kagabi?"

Agad siyang pumunta sa kuwarto ni Eryk para magpasalamat. Pinihit niya ang door knob at buti na lang bukas ito. Pumasok siya at nakita niya si Eryk na mahimbing na natutulog sa kama. "M-Mr. Gusford?" Kinalabit niya si Eryk pero hindi ito nagising.

"Mr. Gusford." Kakalabitin niya sana ulit ito 'nang bigla siya nitong hilain. "Mr. Gusford?" Itinulak niya si Mr. Gusford at mabilis na tumayo. Naparami siguro ito ng inom.

"Dianne..." Ang tanging sinambit ni Eryk. "P-please... don't leave me..."

May problema ba sila ni Dianne?

"Mr. Gusford? Ayos ka lang ba?" Niyugyog niya si Eryk at ilang segundo lang ay iminulat na nito ang mga mata niya.

"What the hell are you doing here?" Agad na bumangon si Eryk sa kama. Napahawak siya sa sentido niya sa sobrang hilo. Fuck.

"Teka! Gagawan kita ng breakfast 'nang mahimasmasan ka." Mabilis na bumaba si Amede sa kusina at naghanda ng burnt toast, bouillon soup at kumuha din siya 'nang maiinom. Coconut water.

'Nang matapos siyang maghanda ay mabilis siyang umakyat sa kuwarto ni Eryk. "Kumain ka muna para magkalaman ang tiyan mo." Inilapag ni Amede ang tray sa coffee table ng kuwarto ni Eryk at tinulungan niyang makatayo si Eryk sa kama. 'Nang makaupo na si Eryk sa sofa ay mabilis na pinagsilbihan ni Amede ang asawa.

"S-salamat pala sa pagtulong mo sa nanay ko." Tumango lang si Eryk at wala na itong sinagot pa.

"May iba ka pa bang gusto?" Tumingin si Eryk kay Amede at biglang pumasok sa isip ng binata ang scenario sa club 'kung saan niya unang nakita ang asawa. "How's your work at the club?" Napaisip naman si Amede 'kung anong tinutukoy ni Eryk.

"Ah. Natatandaan ko na. 'Yung una ba nating pagkikita?" Tumango si Eryk at tahimik na kumain. "Hindi ko naman talaga ginusto 'yun e. Salat kasi kami sa pera kaya ito. Wala kaming ibang magawa. Walang ibang makapitan. Nawalan pa ako ng trabaho 'nung mga panahong iyon. May utang pa si nanay sa sugal. Wala din siyang itinirang pera galing doon sa perang naipon ko. Umabot pa kami sa punto na pinalayas na kami sa tinutuluyan namin. 'Nung una natuwa ako dahil may matutuluyan kami. Sa ninang ko na kaibigan ni nanay pero kalaunan ay gusto ko 'nang umalis sa kaniya." Bumuntong hininga si Amede dahil nadadama niya na ang nginig dahil naaalala niya ang araw na iyon. Tinitigan naman siya ni Eryk.

"Continue." Bumuntong hininga ulit si Amede at bumalik ulit sa pagkukuwento.

"'Yung isa sa mga anak ng ninang ko, bayaran. Pinilit ako ng nanay ko na pumasok sa club na pinagtatrabahuan ng inaanak niya. Siyempre hindi ako pumayag. Ayoko namang madungisan ang pagkatao ko. Pinilit nila akong magpokpok o 'yung nakikipagtalik pero hindi ako pumayag. Pinilit naman nila akong magsayaw habang nakahubad pero hindi rin ako pumayag hanggang sa sinabi nilang mag waitress na lang ako. 'Nung una ayaw ko. Nagmatigas pa ako pero tatlong araw na ang nakakalipas wala pa rin akong mahanap na trabaho." Ibinaba ni Eryk ang kutsara niya at sumandal sa sofa.

"Tinanggap ko 'yung pagiging waitress sa club na iyon pero iba pala ang pagiging waitress doon. 'Kung aalukin ako ng customer na uminom kapalit ang malaking halaga ng pera ay kailangan 'kong gawin iyon. Minsan nga ay umaabot ng sampung libo sa isang lagukan lang ng beer. Apat na araw akong halos nagtatrabaho 'nang ga'nun. Gabi-gabi akong umuuwing lasing. Magsisinungalin ako 'kung sasabihin 'kong hindi ko naisip na magandang pagkakitaan 'yun pero 'nung panglimang araw ko na doon ay nagbago ang isip ko.

"Isang customer ang nagpabago ng pananaw ko. Naaalala ko pa siya. Naaalala ko pa ang mukha niya. Naaalala ko pa 'kung paano siya nagpakilala. Natatandaan ko pa ang pangngalan niya. Si Mr. Aries. 'Nung gabing 'yun ay inalok niya ako ng 100,000. Kailangan ko lang tunggain 'yung isang basong beer. Ginawa ko 'yun kapalit ang 100,000 pero hindi ko alam na may drug pa lang nakahalo doon. Nawalan ako ng malay at nagising na lang ako sa loob ng isang kuwarto." Nakita ni Eryk ang panginginig ng labi ni Amede.

"Hindi ako makagalaw 'nung una pero nilabas ko ang buong lakas ko 'nung nakita 'kong tinatanggal niya na ang mga butones ng suot kong damit. Itinulak ko siya ng malakas at paika ika akong pumunta sa pinto para tumakas pero nahuli niya ako. Binuhat niya ako at dinala niya ulit ako sa kama, itinaas ang palda at pinunit ang suot 'kong sando. Umiiyak ako ng malakas 'nun pero humanap pa rin ako ng paraan para makatakas." Kumuyom ang kamao ni Eryk habang patagal ng patagal ang istorya.

"Hinablot ko 'yung lamp sa gilid ng kama at mabilis na ipinukpok sa ulo niya habang wala pa siyang nagagawang masama sa akin. Mabilis akong lumabas ng kuwarto at mabilis na din akong umalis ng club. Huminto lang ako sa harap ng entrance para ayusin ang sarili ko pero hindi ko alam na nakatingin ka pala sa akin 'nung mga panahong iyon. Simula noon ay pinagtataguan ko na si Mr. Aries dahil natatakot ako sa maaari niyang gawin sa akin." Pumatak ang luha ni Amede pero agad niya rin itong pinunasan.

"Pasensya na 'kung napakuwento ako. Ikaw 'yung may problema pero ako 'yung nagdadrama. Dapat dinadamayan kita ngayon sa nangyari sa inyo ni Dianne e." Kumunot naman ang noo ni Eryk.

"Paano mo siya nakilala?"

"Hindi ko sinasadyang sumilip sa cellphone mo 'nung na sa airport tayo naghihintay. Pasensya na." Napangisi naman si Eryk. She's acting cute now, huh?

"We broke up." Napatingin si Amede kay Eryk at nanlaki ang mga mata nito.

"Naghiwalay kayo? Bakit?" Gustong matawa ni Eryk sa reaksyon ni Amede pero pinigilan niya ang sarili.

"That I don't know." Napaisip naman si Amede. Ano kayang dahilan?

"Imposible namang walang dahilan 'yun." Bigla namang may pumasok sa isip ni Amede. Napangiti siya sa sarili niyang naisip.

"Why are you smiling?"

"Ngayon lang kasi tayo nakapag-usap ng ganito tapos hindi mo pa ako pinagbubuhatan ng kamay. Natuwa lang ako. Sorry." Napailing na lang si Eryk sa inasal ng asawa. Cute.

Save Me From PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon