Kabanata XVI

2.6K 47 0
                                    

KABANATA XVI

Third Person's POV

"Hindi ba't mahal dito sa bar na 'to?" Napakamot sa batok si Anya 'nang marinig ang sinabi ni Amede. 'Yung asawa mo ang nagsabi sa akin na dito ka daw dalhin e!

"Ayos lang 'yun. Libre ko naman e. Para naman gumaan 'yung nararamdaman mo." Hinila na ni Anya si Amede papasok ng bar. Pagkapasok nila ay bumungad ang isang tahimik na lugar. Dim lights. Classical music.

"Ganito ba talaga ang mga bar?" Tanong ni Amede. Napakurap 'din si Anya.

"Hindi ko rin alam. First time ko lang 'din e." May lumapit sa kanilang waiter kaya napaatras ang dalawa.

"Good evening maam, nagpareserve po ba kayo?" Lumingon si Amede kay Anya.

"Uh, opo." Pumunta sila sa may counter at tinanong 'nung waiter 'kung anong room number nila. "Room 409 po."

"VVIP room po ba?" VVIP room ba 'yun?

"Ah. 'Yun po ba nakalagay diyan? Opo." Napatango tango naman ang waiter.

"May note po ang nagpabook. Sino po sa inyo si Anya?" Mabilis na itinaas ni Anya ang kaniyang kamay. "Pwede ko po ba mahingi ang number niyo?"

"Po?"

"Isesend po namin sa inyo ang note." Tumango si Anya at mabilis na inabot ang kaniyang cellphone. 'Nang maibalik na sa kaniya ang kaniyang telepono ay mabilis na silang pumunta sa room nila.

"VVIP room? Magkano 'to?" Usisa ni Amede.

"A-ano, mahal siya pero m-mas mahal kita! Libre ko naman lahat e!" Inakbayan ni Anya si Amede at dirediretso lang sila papunta ng room nila. Pagkapasok ay mabilis na naupo ang dalawa sa sofa.

"Paano ako makikita 'nung laging nakasunod sa amin? Saka walang mga lalaki dito." Usal ni Amede.

"Gaga ka talaga! Siyempre oorder tayo ng boys mamaya! Dalawa, tig-isa tayo!" Kinabahan naman si Amede sa narinig niya kaya agad itong napabuntong hininga.

May pumasok na waiter kaya nanahimik muna ang dalawa. "Ano pong order niyo, maam?" Mabilis na kinuha ni Anya ang menu. "Ako na ang oorder Dei ha?" Tumango naman si Amede.

Ano nga ulit 'yung sinabi niya sa akin? Hindi ko maalala! Juice ba 'yun? Smoothie? Beer? Wine? Ano ba kasi 'yan! Wala naman akong alam sa mga 'to e! Wala pa akong maalala! Aish! Kahit ano na lang! Sa isip ni Anya.

"Ito! Dalawang baso lang po." Lumabas na rin agad ang waiter kaya nagkuwentuhan na lang uli ang dalawa. 'Nang dumating na ang inorder nila ay nagsalubong ang mga kilay ni Anya.

Sabi niya kulay red 'yung inumin?! Ba't kulay gold na brown na medyo clear? Ano 'to?! Reklamo ni Anya sa sarili.

"Teka, kuya... nakakalasing po ba 'yan?" Ngumiti ang waiter sa kaniya.

"Yes po. Best seller 'din po namin 'yan." Naiwan namang nakatulala si Anya. Pumalpak na naman ako.

Pipigilan niya na sana si Amede kaso 'nung paglingon niya sa kaibigan ay tinutungga niya na ito. Bottoms up. Nanlaki ang mga mata ni Anya. "Dei!" Pagkalapag ng baso ni Amede sa mesa ay pulang pula ang magkabilaan 'nitong pisnge, pumupungay na rin ang mga mata 'nito. Natawa bigla ang kaibigan. "Alam mo ba Anya? Hindi totoo 'yung sinasabi nila na... ano ba 'yun? 'Yung pag lasing ka daw makakalimutan mo lahat ng sakit? Sus! Mas bumibigat pa nga 'yung nararamdaman ko e! Mga sinungaling!" Mabilis na hinablot ni Amede ang baso ni Anya at tinungga rin ito.

"Dei! Tama na! Lasing ka na!" Umiling iling si Amede. Natumba ang ulo 'nito sa mesa kaya agad na inalalayan ni Anya si Amede para makahiga ito sa sofa.

Save Me From PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon