Kabanata XVII

2.6K 39 1
                                    

KABANATA XVII

Nagising ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa aking ulo. Ugh, ano bang nangyari kagabi?

Tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng kiliti sa pagtama ng balat ko sa kumot. Napatigil ako sa ginagawa ko. Dahan dahan 'kong sinilip ang katawan ko sa ilalim ng kumot. "Ah!" Sigaw ko ng makitang wala akong saplot. Tiningnan ko ang paligid ko. Sa bahay?!

"Diyos ko! Ano bang ginagawa ko? Dinala ko pa talaga dito 'yung lalaki? Ah!" Natigilan ako sa pagsigaw ng may biglang nagbukas ng pinto. Dahil sa kaba ay muli akong nagtago sa ilalim ng kumot. Diyos ko, 'kung sino man po ito, paalisin niyo na po siya, ang sakit sakit na po ng ulo at katawan ko, wala po akong lakas para ipaglaban ang sarili ko.

"Why? Why? Bakit ka sumisigaw?" Nanigas ako sa posisyon ko 'nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Na-miss ko rin maging ang pinanggalingan ng boses na ito.

Hinawakan niya ako sa aking baywang at balikat kaya dahan dahan 'kong ibinaba ang kumot. "E-Eryk?" Ngumiti siya sa akin kaya sinampal ko ang sarili ko. Nananaginip ba ako?

"Hey! Why are you slapping your face?" Pinigilan niya ang kamay ko kaya nanigas na naman ako sa posisyon ko.

"N-Nandito ka ba talaga? Ikaw ba talaga si Eryk? Hindi ba talaga ako nananaginip?" Umiling siya habang nakangiti. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. Natawa naman siya sa ginawa ko. "Na-miss kita." Reklamo ko sa kaniya.

"I missed you too."

"Akala ko hindi mo na ako babalikan."

"I came back, exclusively for you and I will never leave you again. I promise, Amede." Humiwalay ako sa yakap.

"Paano si Dianne?"

"We broke up and I will never come back to her again so don't you dare plan something that would pull us back, honey." Hinampas ko naman siya dahil sa kilig. "Anyways, you should wear something beneath that comforter." Nanigas akong muli 'nang maalalang wala pala akong suot na damit maliban sa kumot na nakapulupit sa katawan ko na parang tuwalya.

"P-Paanong... ginawa ba natin 'yun?!" Tumango siya at lumapit sa akin para bumulong.

"I enjoyed it." Namula ako dahil sa sinabi niya. "P-Paano naman ako?" Natawa naman siya sa inusal ko.

"You also enjoyed it... very much." Hinampas ko siya dahil sa hiya. "Labas ka na nga! Magbibihis muna ako!"

"Maganda ka naman kahit walang damit ha?" Hinampas ko ulit siya dahil sa sinabi niya. "Ano ba, Eryk!"

"Okay, okay. I'll leave. Change into more comfortable clothes." Tumango ako kaya lumabas na siya ng kuwarto.

Talaga bang nangyayari ang pahat ng ito?

Matapos makapag-ayos ng sarili ay dahan dahan akong bumaba ng hagdan. Ang sakit kasi. Alam niyo na 'yun.

"Are you done? Let's eat!" Sabay kami ni Eryk na pumunta ng dining at natakam ako sa dami ng inihanda niya. "Breakfast lang ba talaga 'to?" Tumango siya at pinaghila niya ako ng upuan.

"Our first breakfast together should be memorable."

"Sabi ko nga." Nagsimula na kaming kumain at maya maya lang ay nagsalita na naman siya.

"We'll go to the office today." Natigilan ako sa pagkain dahil sa sinabi niya.

"Anong gagawin natin 'don?" Ngumisi siya kaya medyo kinabahan ako.

"We'll make Prinyana and Duke experience hell. We will make them pay for everything that they've done. I will surely make them beg on their knees." Hinawakan ko ang kumukuyom niyang kamao.

Save Me From PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon