Kabanata VII

2.3K 43 0
                                    

KABANATA VII

"Hay jusko nakakapagod." Humilata ako sa kama at ipinikit ko ang aking mga mata.

Dahil wala akong magawa kanina ay napagdesisyunan 'kong mamasyal muna. Hindi naman kasi ako marunong lumangoy kaya hindi ko rin naenjoy ang dagat. Bumalik ako kaninang bandang 8PM. Nakasalubong ko pa nga si Mr. Gusford. Papunta 'yata siya sa bar na malapit sa tinutuluyan niyang hotel.

Habang nagmumuni-muni ay mabilis rin akong nakatulog.

- Z - H -

Third Person's POV

"Have you heard the news? May sunog daw." Abala si Eryk sa pag-inom 'nang may marinig siyang ingay mula sa katabi niyang umiinom.

"Really? Saan daw?" Nagsalin ulit siya ng inumin sa baso niya.

"Sa **** hotel daw." Iinumin niya na sana ang inumin niya 'nang bigla siyang matigilan dahil narinig niya ang pangngalan ng hotel 'kung saan tumutuloy ang asawa niya.

"No wonder. Cheap lang naman doon e and also hindi siguro tight ang security nila." Nagpatuloy lang sa pag-inom si Mr. Gusford. It's impossible for her to be involved there. She went out awhile ago.

"Tinangka kasi 'nung lalaki na mag suicide so he decided to burn his room. Unfortunately may nadamay siya. I heard, a girl is trapped on her room. She's actually resting when the incident happened. I just don't know if she's already saved. Katabing kuwarto pa naman niya ang kuwarto 'nung guy." Agad na nag-iwan si Eryk ng pera sa counter, mabilis na sinuot ang mask at cap niya at patakbo niyang tinungo ang sinasabing nasusunog na hotel.

Pagkapunta niya doon ay nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Napakalaki ng sunog. Hinanap niya sa paligid si Amede ngunit nabigo siyang mahanap ito. Agad naman siyang lumapit sa empleyado ng hotel at agad itong kinalabit.

"Who's the girl trapped in there?" Nanginginig na sumagot ang empleyado.

"Si Ms. Salazar po. Hindi na po namin siya natawag dahil nakalock ang room niya 'nung nagkasunog. Nagpapahinga po 'yata siya. Siya na lang po ang natitira sa loob." Hindi nagawang makapagsalita ni Eryk. What the fuck happened?

Papasok na sana siya sa nasusunog na hotel 'nang may biglang nagflash sa harap niya. "Pasensya na po. Hindi ko po sinasadyang makunan kayo." Fuck this paparazzi! Talagang hindi palalampasin 'to ni tito Loewe. Fuck it! Fuck this shit!

Nanatili si Eryk sa kinatatayuan niya. Hindi siya puwedeng pumasok sa loob para iligtas ang asawa dahil tiyak na makakahanap ng ebidensiya si Loewe para ibunyag sila sa publiko.

Ilang saglit lang ay may inilabas na katawan. Si Amede. Ang sugat niya sa noo ay muling nagdurugo. Pawis na pawis ito at namumutla. May ilang scratches ang kaniyang mga balikat at braso. Ang kaniyang hita at binti rin ay punong-puno ng galos. Halata lahat ng dugo sa katawan niya dahil sa suot niyang puting dress. Amede. Ang tanging na sa isip ni Eryk.

Nakita niya na may jacket na ipinatong sa katawan ni Amede. Ang jacket niya.

Habang hinihintay ang ambulansya ay biglang nagkamalay si Amede. Nagtagpo ang mga mata nila at nakita ni Eryk ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ni Amede.

- Z - H -

Nagising si Amede dahil sa sobrang init. "Uh... hindi ko ba nabuksan ang aircon? Ang init." Idinilat niya ang mga mata niya at agad siyang napabangon. "May sunog!" Nilibot ng mga mata niya ang kaniyang silid at nakaramdam siya ng kaba at takot 'nang makita na lahat ng gamit ay nasusunog. "T-Tulong..." Tinungo niya ang pinto ngunit napaluhod lang siya sa sobrang takot 'nang may biglang nalaglag na kahoy. "T-tulong... t-tulungan n-niyo ako..." Umatras siya at bumalik siya sa kama. "E-Eryk..." Nakita niya ang bintana kaya agad naman siyang pumunta rito ngunit minalas siya. Nalaglagan siya ng kahoy sa mukha. Iniwasan niya ang iba pang nalalaglag na kahoy sa gawi niya gamit ang kaniyang mga braso. Doon niya nakuha ang mga galos niya sa balikat at braso. 'Nang wala ng kahoy na nalalaglag ay mabilis siyang bumalik sa kama. "T-tulungan niyo ako..." Umubo siya dahil sa usok na nalalanghap niya. "Eryk n-natatakot ako..." Umiiyak niyang usal.

Habang na sa kama ay biglang natumba ang cabinet, na na sa tabi ng kama, sa kaniya. Doon niya naman nakuha ang mga scratches niya sa binti at hita. Nauntog naman ang ulo niya sa metal ng kama niya. Mula doon ay nawalan na siya ng malay.

- Z - H -

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mga tingin sa akin ng mga tao. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Masyado akong nanghina sa nangyari. Si Eryk. Na saan si Mr. Gusford?

Hinanap ng mga mata ko si Mr. Gusford at naabutan ko siyang nakatitig sa akin. Isisigaw ko pa lang sana ang pangngalan niya 'nang may biglang kumuha ng litrato niya mula sa malayo. Hindi niya siguro ito napansin ngunit kitang-kita ko ang pags-spy sa kaniya 'nito. Hindi niya ako pwedeng lapitan. Hindi kami pwedeng magdikit. Ilalayo ko siya sa gulo.

Lalapit na sana siya sa akin pero buong lakas 'kong binuhat ang sarili ko at niyakap ang lalaking pinapakiramdaman ang pulso ko. "N-natatakot ako..." Naramdaman ko ang paghagod ng lalaki sa likod ko kaya naman ay tumulo na ang mga luha ko. "Eryk n-natatakot ako..." Humagulhol ako at pumikit. Hindi ko na kaya pang makipagtitigan kay Mr. Gusford. Galit na naman siya sa akin. 'Nang muli 'kong idilat ang mga mata ko ay wala na si Mr. Gusford.

Kusang pumikit ang mga mata ko at nawalan na ako ng malay.

- Z - H -

"Ma'am? Ayos lang po ba kayo?" Idinilat ko ang mga mata ko at tinitigan ang nurse na nakatayo sa tabi ko. "Na saan ako?" Tiningnan ko ang kabuuan ng silid at mukhang na sa ospital ako.

"Na sa ospital po kayo ngayon ma'am. Umiiyak ka po kanina habang natutulog. May masakit po ba sa inyo?" Tinignan ko ang sofa. Ang tanging nakalagay lang doon ay ang jacket ni Mr. Gusford na ipinalaba ko sa mga empleyado sa hotel na tinuluyan ko bago nangyari ang sunog.

"Na saan 'yung kasama ko?"

"Po?"

"Matangkad na lalaki. Matipuno.'Yung 'naka black t-shirt." Napakamot sa ulo ang nurse.

"Wala po kayong kasama, ma'am. Dinala po kayo dito kagabi. May nagbayad lang po ng bill niyo at umalis na rin po siya pero hindi po siya nakaitim."

"Hindi. Baka nagkakamali ka lang. Imposibleng iwan niya ako dito sa Albay."

"Sino po bang hinahanap niyo? 'Yung nagbayad lang po kasi 'nang bill 'yung nagpunta rito. Nagpakilala siya bilang secretary ng kamag-anak niyo daw po. Binayaran niya ang bill at nag-iwan pa po siya ng sulat. Matapos 'yon ay mabilis na rin po siyang umalis." Iniabot sa akin ng nuse ang sulat na iniwan daw para sa akin.

Go home with these money. Oh. In the first place you don't even need these money. How're you doin' with your fling? You look so sweet. I forgot to record it. My bad. I'm at Manila right now. Suit yourself and make your way here.

Sa loob ng envelope ay mayroon 'ding sampung libo.

"Maiwan ko na po muna kayo." Hinawakan ko sa braso ang babae. "Teka. Ang cellphone ko?" Itinuro niya ang jacket na na sa sofa.

"Na sa bulsa po ng jacket niyo ma'am." Ipinaabot ko ito sa kaniya dahil hindi ko pa masyadong maigalaw ang mga binti ko. Naipit kasi ng cabinet. "Salamat." Nang makuha ko na ang cellphone ko ay agad 'kong sinearch 'kung saan ako pwedeng sumakay ng bus pabalik ng Maynila.

- Z - H -

Kinaumagahan ay nagpadischarge na rin ako. Nakakagalaw na rin ako at nakakalakad na kahit papaano. 12NN na rin kaya kailangan ko 'nang umuwi dahil halos labing-isang oras din ang biyahe pabalik ng Maynila.

Sa terminal ay bumili na ako ng ticket at habang naghihintay ay sinuot ko ang jacket ni Mr. Gusford at ang mask na hiningi ko sa ospital.

'Nang turn ko na para sumakay ay nahirapan ako sa pag-akyat sa bus. Medyo mataas kasi at kumikirot 'din ang sugat ko. "Tulungan na kita miss." May isang lalaking lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. Tumango ako at yumuko. Humawak rin ako sa handle ng bus at umakyat na. "Salamat." Naghanap ako ng mauupuan at 'nang makahanap na ako ay agad akong umupo. Inilagay ko rin ang pera sa bulsa ng jacket na suot ko pati na rin ang cellphone ko.

"Oh. Hi." Nilingon ko ang tumabi sa akin at siya 'yung tumulong sa akin kanina para makaakyat dito sa bus.

"H-hello." Umiwas ako ng tingin at sa labas na lang tumingin.

Save Me From PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon